48. Mistaken

24.5K 629 64
                                    

Olivia

Hiningi ko ang number ni Chloe kay Zaide at tinawagan ko siya kung pwede ba kaming mag usap. Gusto ko lang malaman kung tama ang hinala ko.

Noong hinatid ko si Maui sa bahay nila, ng itakas siya ng bopols kong kapatid ay may sinabi siya na ngayon ko lang naintindihan. I clearly remember her saying.

" I'm sorry sa abala Olivia, sorry kung nagugulo kayo sa pagbabalik namin ng anak ko."

Hindi ko yon naintindihan agad noon. Kung tama ako, iniisip niya na may relasyon kami ng kapatid ko. That's incest, my gulay..

I'm Olivia Alvarez Mondejo. Pinagkatuwaan kong magpakilala na fiancee ni Zaide dahil sa yon ang kinalakihan kong paniniwala. Pero magkapatid talaga kami legally. Mama Kristina and Papa Travis adopted me and my sister. Hindi kami nabigyan ng chance na magkalapit noong buhay pa si Papa.

Nalaman ni Zaide ang tungkol sa pagiging magkapatid namin ng hindi sinasadyang nakita niya ang isa sa mga ID ko  nang magstay ako sa kanila. I thought magagalit siya pero taliwas iyon sa nangyari, he's happy about the news, maging ang Mommy Zarina nito ay tinanggap ako at sinabi nitong pwede ko siyang tawaging Mommy, yaman din lamang na ulila na ako. Pinatuloy nila ako sa bahay nila hanggang sa ngayon.

Kaya imposibleng maging kami ni Kuya Zaide, ayaw niya nga lang patawag na Kuya dahil ilang buwan lang talaga ang agwat namin.

All this time iniisip ni Chloe na may relasyon kami? Dapat akong mainis sa kanya, pagkatapos kong bakuran ang Kuya ko sa ibang babae para sa pagbabalik niya, nagawa niyang isipin ng kaagaw ako?  I knew she will come back at masama man pero nahulaan ko na Ethan will die soon.

When Zaide told me about Maui, hindi ako nagduda na anak niya yong bata lalo na ng makita ko si Zhoe Maureen. Ang cute cute ng pamangkin ko. Ganon nalang ang pag aalala ko ng malunod ang bata dahil kung sakaling nawala si Maui that's the end of them too. Baka tuluyan na silang hindi magkaayos.

" Hi Chloe.." nakangiti kong bati sa kanya. Kahit gusto ko siya kurutin sa pagdududa sa'kin at sa kapatid ko. Maasar nga siya ng bongga.

" Magkasama ba kayo ni Zaide kahapon?" Seryosong tanong ko sa kanya. Ewww! I'm acting like a jealous wife.

" Ahm, oo Olivia, sumama siya samin ni Maui na lumabas." she look so guilty, argg ang sama ko. But I need to do this para narin mauntog tong si Chloe at magising sa katotohanang mahal parin niya si Zaide.

" Kaya pala, hapon na siya nakauwi, hinahanap ni Kylie ang Papa niya." galingan mo pa Olivia, pangungumbinsi ko sa sarili ko. Para din ito sa kanila.

" I'm so sorry Olivia. Kinulit kasi kami ni Maui na lumabas. " apologetic na sagot nito. Nakakainis ang kabaitan nitong hihipagin ko.

" By the way, Chloe, here is the invitation sa kasal ko, isa din ito sa isinadya ko sayo. Gusto kong kunin na flower girl si Maui, dalawa sila ni Kylie na magiging flower girl sa kasal ko this end of the month. " isang mapait na ngiti ang sumilay sa mukha nito. "Ang sama mo Olivia." sigaw ng konsensiya ko.

Ikakasal naman talaga ako pero sa boyfriend kong Seaman. Si Damon. Next week na ang uwi niya. Kaya nga ngarag ang beauty ko sa kakaayos ng kasal namin.

" Sige, paano nga pala ang damit niya? Kami na ba ang bibili?." nakailang lunok na ang kaharap ko at namumutla narin ito. She look's hurt.

" Ready na ang damit niya, ipapasukat ko nalang kapag nagpunta siya sa bahay. Gusto kong pumunta ka sa araw na yon, Chloe. Okay lang ba?" I hate myself, alam kong nasasaktan ko talaga siya.

Isang mapait na ngiti na naman ang sumilay sa labi nito. " Oo naman Olivia, first time na magiging flower girl si Maui at sa kasal pa ng Daddy niya." tumingin ito sa taas. Confirmed, akala talaga nito ay may relasyon sila ni Zaide at sila ang ikakasal.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon