7. Bakit?

29.1K 863 111
                                    

ZAIDE TRAVIS

Maaga akong pumasok today. Gusto ko sanang humingi ng
despensa sa inasal ko kay Chloe.

Ang lakas lang talaga ng
galit ko sa mga pabayang magulang. Pero alam ko ring hindi ko dapat sinungitan si Chloe.

Kasama niya na naman ang mga kaibigan niya at ang lalaking ’yon. Nagdadalawang-isip tuloy akong kausapin siya. Aalis na sana ako nang tinawag niya ako at lumapit sa akin.

Hinila niya ako papunta sa mga kaibigan niya.

“Meet my friends, Z. Si Elle, Sab, at Ethan. Guys, meet Zaide, bagong friend ko.”

“Oh my gosh, Claw, kailan pa kayo naging friends?” tanong no’ng Sab.

“Recently lang, Sab.” Pinandilatan niya ang kaibigan
niya.

“Kamusta, pare,” sabi ng mokong sa ’kin.

“Ayos lang, p’re.”

“Mauna na kayo, guys. May pag-uusapan lang kami ni
Zaide,” sabi ni Chloe.

“Okay lang, Chloe. Aantayin ka na namin,” sagot ni mokong. Ang kulit.

“Hindi na, Ethan. Sige na, mauna na kayo ha?” Hinila na niya ako palayo sa kanila. Napangiti ako. Naiwan kasi si mokong na parang timang.

Nang makalayo na kami, halatang hirap na hirap itong si
Chloe magsalita.“Kasi… ano, kasi Z… gusto kang makilala ni Mommy.”

“Huh? Bakit?”

“Dahil sa paghatid mo sa ’kin kahapon. Gusto lang ni
Mommy na makilala ka gaya ng ibang mga friends ko. Kung
kailan ka pwede! Isasama ko rin sina Ethan kung nahihiya
ka.”

“Saturday, pwede ako. Saka okay lang kahit ’wag mo na silang isama.” Naisip ko, e-epal lang ’yong si Ethan.

Mukhang close pa naman siya kay Chloe, so malamang
close din siya sa pamilya nito.

“Akin na ’yang phone mo. Ilalagay ko number ko if you
need to get in touch with me.”
Napangiti ako sa idea na I have her number. I can annoy
her anytime I want.

“Magpakilala ka kung tatawag o magte-text ka ha? Hindi ako nage-entertain ng prank calls.”
Lalo akong napangiti. Excited na akong asarin siya.

Pagdating sa klase, agad kong sinilip ang cellphone ko para
i-check kung ando’n nga ang pangalan niya. Mabuti na lang at narinig yata ng langit ang hinaing ko dahil absent ang prof ko for my next subject.

Tamang-tama dahil my grandparents invited me to join them for lunch. I was on my way to the restaurant nang may mabangga ako.

“F*ck! Bulag ka ba?” galit na sabi ng lalaking nakabanggaan ko.

Ang yabang.

“Ako lang ba?” sagot ko sa kanya.

“What did you say?” Hinawakan niya ako sa kwelyo ko.

Akala niya siguro natatakot ako sa kanya. “Let go of me
kung ayaw mong magkagulo tayo.”

“Aba’t matapang ka!” Bigla niya akong tinulak. Nakita
kong susuntukin niya ako nang may humawak sa braso niya.

“Kuya! Tama na nga ’yan. Nakikipag-away ka na naman
ba? Hinahanap ka na nina Dad.” Isang batang babae ang
pumigil sa kanya.

Pamilyar siya sa akin, hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.

“Pasalamat ka nandito ang kapatid ko.” Tumalikod ito
tsaka umalis.

“Sorry po sa inasal ng kuya ko. Gano’n lang po talaga siya mainitin ang ulo.”
Umalis na rin ito at nakita ko siyang pumasok kasama
ang kuya niya sa restaurant na pupuntahan ko.

Pagpasok ko doon, sinamahan ako ng isang waiter papunta kina Lolo.

“Zaide, apo, halika na at kumain. Lalamig ang pagkain mo,” sabi ni Grandma.

Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain.

I excused myself para pumunta sa washroom. At tumigil ang
mundo ko sa nakita ko. Pagkatapos ng ilang taon, hindi ako pwedeng magkamali…

“Mom?”

Ang taong nang-iwan sa akin, sa amin ni Dad. Nagulat siguro siya sa tinawag ko sa kanya. Pinakatitigan niya rin ako.

“Zaidey…”

Siya nga. Siya lang ang tumatawag sa ’kin sa pangalang
’yon. Lumapit pa siya sa’ kin at akmang hahawakan ang mukha ko. Pero may sumulpot na batang babae sa tabi niya.

“Mama! Ang tagal niyo naman po.” Yumakap ito kanya.
Napatingin ako bata. Siya ’yong kapatid ng nakabangga ko
kanina. Natatandaan ko na, sa Facebook ko siya nakita. Sila
ng kuya niya ang bagong pamilya ni Mom.

“Hello, Kuya, nagkita tayo ulit,” nakangiting bati sa ’kin ng batang babae. Napatingin din sa kanya si Mommy.

Nakita kong lumuluha siya.
“Hi,” sabi ko na lang sa bata at mabilis na umalis.

“Sandali!” Narinig kong tinatawag ako ni Mom. Pero
hindi, hindi niya ako dapat makitang umiiyak at nasasaktan.

Hindi na niya ulit ako masasaktan pa. Hindi ako papayag na guluhin niya ang buhay ko. Hindi ko siya kailangan.

Umalis ako ng restaurant. Hindi pwedeng makita nina Grandma na ganito ako. Nag-text na lang akong nauna na ako at may klase pa ako. Dumiretso ako sa hidden place ko, pabagsak na umupo, at tuluyan nang humagulgol.

Nagulat ako nang may kamay na pumatong sa balikat ko.

“What happened, Z?”

Pinahid ko ang mga luha ko. Bakit nandito na naman
siya?

“Wala, iwan mo na lang muna ako.”

Tinabihan niya lang ako sa pagkakaupo. “Magkaibigan
na tayo, Z. Pwede mo akong sabihan kung kailangan mo ng
makikinig. Kung ayaw mo naman, hayaan mo na lang akong samahan ka.”

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin.

Hindi ko namamalayan, biglang ikinukwento ko na sa kanya
ang pag-iwan ni Mommy sa amin at ang pagkikita namin sa
restaurant kanina pagkatapos ng mahabang panahon.

“Ayaw mo bang malaman kung bakit niya nagawa ’yon?” tanong niya.

“Para saan pa? Hindi na rin naman magbabago ang
katotohanan. At may iba na siyang pamilya. Useless na rin
kung malaman ko ang dahilan niya.”

“Baka sakaling mabawasan ang bigat. Minsan na rin
akong iniwan ng tunay kong mommy, Z. Three years
old lang ako no’n. Si Dad lang din ang nag-alaga sa ’kin
hanggang dumating si Mommy Trisha na siya pa lang
nawawalang kakambal ng totoo kong mommy. Naging
masama ang tunay kong ina, pero nagawa naman niyang
magbago, Z. Kaya ’wag mong isara ang puso mo sa mommy
mo.”

Marami pa akong nalaman tungkol sa buhay niya at
mga pinagdaanan niya. Namangha ako na sa kabila ng mga pangyayaring iyon sa buhay niya ay nanatili siyang mabuti.
Medyo gumaan ang pakiramdam ko at napag-isip ko ring baka nga may matinding dahilan kaya nagawa akong iwan ni Mom.

“Kahit baliktarin mo man ang mundo, Z , hindi rin magbabago ang katotohanang mommy mo siya. Kaya sana bigyan mo siya ng chance kung sakaling gusto niyang mag-reach out sa ’yo. Saka tigil-tigilan mo nga ’yang pagda-drama mo, Z. Ampanget mo kayang umiyak!”

Si Chloe Alexandria pala, wagas tumawa.


Itutuloy...









A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon