26. Devastated

17.1K 488 62
                                    

Sana kapag masasaktan tayo may warning. Yong tipong " hoyyy gago bukas masasaktan ka!" para kahit pano alam natin at prepared tayo at ang puso natin.

Pero sinong tanga ba ang nakakaalam na masasaktan kana pala? Mahal n'yo naman ang isa't isa pero may eepal at eepal na kagaya ng gagong si Ethan.

Who prepares you for this sudden change? Na ang akala mo na masaya at almost perfect na relation ay bigla nalang matatapos. How do you wake up the next morning knowing the person you love won’t be in your life anymore?

" Hoooo! Tang ina! ang sakit!" buong hapong uminom si Zaide. Kung kanina ay bumili lang ito ng alak at sa kotse naglalasing ngayon ay nasa loob na ito ng Bar at panay ang laklak ng alak. Mabuti nalang at kasama neto ang mga kaibigan at ang pinsang si Chester..

" Tama na yan Bro! Nakakarami kana.." pigil ni Dustin sa kaibigan.

" Ano ka ba bro..ni hindi nga ako nalalasing eh, ni hindi nga mawala wala ang sakit. Hoooo!! Tangina!" pagkatapos ay nilagok neto ang hawak na bote ng alak..

" Kaya ayokong maninlab eh, tignan mo ang ginawa ng pagibig may Zaide, wasak! " binatukan ni Chester si Jarred.

" Tssss itikom mo nga yang bibig mo..hindi ka nakakatulong." iling iling na tinignan niya ang pinsan.

Alam niya kung gaano neto kamahal si Chloe. Nilunok neto ang pride para sa babaeng minamahal, sabi kasi nya noon hinding hindi siya maiinlove kay Chloe pero wala din..nahulog padin ito at ngayon ay nasasaktan.

" Bro, alam naman nating walang kasalanan si Chloe, baka nilasing lang yon ng gagong si Ethan, huwag pagpapakita sa'kin yon bubugbogin ko ang hayop na yon!" si Jarred.

Tinapik ni Chester si Jarred sa balikat at winarningan..baka ano pang maisip ng pinsan nya.

Nagulat siya kanina ng tawagan siya ng Mommy ni Zaide at sabihing tignan ito at kung maaari ay samahan muna nila..

" Langyang buhay to! Nagmahal lang naman ako' tapos masasaktan lang pala, abah matindi! " hindi alam ni Chester kung maaawa o matatawa sa pinsan.

" Hoy! Kanina ka pa ah! Daig mo pa ang babae' ang ingay mo eh!" lumapit kay Zaide ang isang lalaking mukhang nakarami narin at hinawakan siya sa balikat.

Bigla nalang itong sinapak ni Zaide. Natumba ito at agad dinaluhan ng binata.

" Hoy karin! Wag mokong pinapakialaman baka samain ka sakin." akmang susuntukin niya ito pero sinipa siya ng lalaki.

Umawat na kami pati narin ang bouncer ng Bar..

Kahit panay ang pagpupumiglas ni Zaide ay nailabas ito ng Bar at naipasok ng mga kaibigan sa kotse at pinagitnaan ng dalawa. Si Chester naman ang nagdrive. Sa Condo ng binata nila ito dinala. Alam ni Chester iyon dahil madalas silang tumambay doon.

" Inom pa tayo! ang sakit tang ina! Mahal na mahal ko si Chloe pero bakit ang sakit sakit." halos paulit ulit lang ang sinasabi nito hanggang sa nakatulog ito.

Tinawagan naman ni Chester ang Mommy ni Zaide para ipaalam na huwag na mag alala. Bukas pa ang dating neto ng Cebu..

Samantala sa Bahay ng mga Rosales..

Alexa Isabelle

" Mom! I'm home.." tila tahimik ang bahay namin, nakita ko na may bulaklak at stuffed toy sa sala namin. Alam kong sa Ate ko ang mga iyon. Ang haba talaga ng buhok ng kapatid ko.

" Anak, nandito kana pala." joker talaga ang Mommy ko. Akala niya ba sa akin picture? " Gusto mo bang sa bahay ka din ng Lolo at Lola mo matulog? Nandoon si Xhan. Si Ian naman ay nakitulog sa kaibigan dahil may tatapusing project sa school." teka' pinapaalis ba ako ni Mommy?

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now