32. Birthday

18.1K 454 17
                                    

Chloe Alexandria

Nandito kami ngayon sa resort nila Olivia dahil birthday niya.

" Uyy, mabuti at sumama sayo ang iba d'yan Chloe." sinalubong kami ni Olivia.

" Happy Birthday." bati niya dito. Nagpasalamat naman ito.

" Hindi siya makakapunta dito kung hindi ako kasama. Happy Birthday Olive." sumimangot si Olivia.

" Olivia sabi, pwede ba kahit ngayon lang wag kang mambwesit." nginisihan lang ito ni Z na agad niya namang sinaway.

" Come, ipapakilala ko kayo kay Ate Kayla." nilibot niya ang mga mata sa resort.

Ang infinity pool ang nakakuha ng atensiyon niya, ang ganda ng pagkakagawa nito na kaharap sa magandang view ng dagat.

" Ate, this is Chloe and Zaide. Chloe, Z ang Ate Kayla ko." nakipagbeso sa kanya ang kapatid ni Olivia. Maganda din ang Ate neto at payat na gaya niya. Kung hindi lang mas matangkad ang Ate niya mapagkakamalan silang kambal dahil magkahawig ang mga ito. Parang sila ni Isha.

" Finally Zaide, nice meeting you. You remind me so much of Papa, your Dad. Chloe nice to meet you too. Kayo ang laging bukang bibig nitong si Via, masaya akong nakarating kayo sa Birthday niya." may lumapit ditong lalaki. " This is my boyfriend Charlie. Hon, si Chloe at Zaide mga kaibigan ni Via." kinamayan ng boyfriend ng Ate niya si Z at ngumiti naman ito sa'kin.

Sunod namang pinakilala samin ni Olivia ang mga kaibigan niya. Nagulat ako ng makipagkamay at may kasama pang beso ang isa sa kanila. He's name is Damon.

" Damon, boyfriend ni Chloe si Z. Hands off." babala dito ni Olivia.

" Aawww! " sapo nito ang dibdib. " Taken kana pala Babe." pinagtawanan naman ito ng ibang kaibigan at nakitawa din siya.

Agad naman siyang hinila ni Z sa tabi niya.

" Don't swim." bulong niya sa'kin.

Kunot noong tinignan ko siya. Pool party ang theme ng birthday ni Olivia tapos hindi ako maliligo? Tinatawag  pa naman ako ng infinity pool.

" Wag kang Kj' Z." si Olivia na hinatak ako palayo sa kanya. May binulong naman ito sa kaibigang Anton yata ang pangalan na lumapit kay Z.

" Hayaan mo na muna iyong possessive mong nobyo Chloe, mag girl bonding muna tayo. Right girls?" nagchorus na "Yeah" naman ang mga kaibigan niya saka hinubad ng mga ito ang nakapatong na damit sa bikini. Napilitan nadin akong alisin ang dress na suot ko sa ibabaw ng one piece bikini na suot ko.

" Hula ko si Z ang pumili nyang suot mo, conservative si Mondejo? " tumango siya kay Olivia bilang pagsang ayon na ikinatawa nito.

Ang nobyo nga niya ang pumili ng itim na one piece bikini na suot niya na may pagka conservative ang style.

Ang nobyo nga niya ang pumili ng itim na one piece bikini na suot niya na may pagka conservative ang style

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now