11.Feelings

24.9K 678 37
                                    


CHLOE ALEXANDRIA

I been thinking about the mystery sender of those kilig text I been receiving lately, not that I don't liked it but I just wanted to know kung sino man siya. He makes me smile though. Yeah I'm thinking he's a he.

School became a bit more stressful towards the end of the
first semester, but the mystery texter made it a bit more
bearable. It was fun imagining who he was. I couldn’t help
hoping that it was Z.

One day before exams, I decided to chill at our hidden place. I wasn’t expecting na magkikita kami doon. Ngayon
pa lang kami ulit makakapag-usap. Medyo sinubukan niya akong pikunin, pero unlike before, hindi ko na tinatago ang kamalditahan ko sa kanya kaya asar-tado rin siya sa akin.

Nabigla na lang ako nang yayain niya akong kumain sa
labas.

S’yempre dalagang-Pilipina tayo, pakipot muna.

“Hindi ako gutom.”

“Okay,” he said.

Wait! ’Yon na ’yon? Tsk! Hindi niya man lang ako pinilit.

Tumayo na siya at akmang aalis. Gosh, iiwan ako? Ibang klase tong labanos na ’to.

“All right, I change my mind. I think I’m a little bit hungry.” I couldn’t believe I just swallowed my pride.

He grinned, and I hated it. But then he also kind of looked cute.

“Gamot sa topak, pagkain. Food is life, ’di ba?” Sabay
kindat niya.
I rolled my eyes.

I rolled my eyes. Nagulat ako nang hawakan niya ang
kamay ko. Parang nakuryente ako at agad ko itong binawi.

I wondered if he also felt it?

Pagdating sa restaurant, he asked me to look for a table
while he ordered.

Bossy, mga bes. Pasalamat siya cute siya.

I chose a table and couldn’t help but smile. We were at my favorite fastfood place. ’Di nagtagal ay dumating na rin
si Z, bitbit ang tray na may red iced tea. I started drinking. How did he know that this is my favorite? Dumating na ang
pagkain namin at lalo akong nagtaka.

“Don’t tell me ayaw mo ’yong in-order ko?”

I just looked at him in disbelief. Ayaw? Bento tempura
with beef ramen, plus extra tempura? ’Yon ang lagi kong
ino-order dito!

I started eating my favorite food. Baka akala niya mahihiya ako sa kanya, but not anymore.


ZAIDE TRAVIS

How did I know?

I stalked her IG where she posts about all her favorite food.

Natuwa ako sa gana niyang kumain. Pero she was such a messy eater. Still she was really
beautiful. A beautiful disaster.

I reached out to wipe off the sauce on the side of her lips.
Bahagya s’yang ngumiti, namula ang pisngi.

“Thank you,” sabi niya.

Nang matapos niyang ubusin lahat ng in-order ko, pinigilan kong hiritan siya ng, Hindi ka gutom ha? Hindi halata.

Instead, niyaya ko siyag maglakad-lakad. Sinubukan
niya akong bayaran para sa pagkain, pero sabi ko na lang
ay next time siya naman ang taya. Mabuti at hindi na siya
nangulit pa.

Pumasok siya sa isang accessory shop. Nakita ko na pinakatitigan niya ang isang bangle. She actually asked for it para siguro makita nang malapitan, pero binalik niya rin pagkatapos niya marinig ang presyo na sinabi ng saleslady.

Lumabas ito ng shop at nakita kong pumasok sa kabilang shop na puro makeup. Kinuha ko ang pagkakataon para pumasok sa accessory store.

Maya-maya pa, sinundan ko siya para yayain nang umuwi.

“Dad?!” I heard her utter. Nakita niya ang daddy niya sa
isang coffee shop malapit sa kinatatayuan namin. At may
kasama itong babaeng kung maka-lingkis ay dinaig pa ang
sawa.

“I can’t believe this. He’s cheating on Mom?”

Naluluha na siya at akmang pupuntahan ang dad niya
pero pinigilan ko siya.

“Chloe, no. You’re too emotional. Hindi ka sigurado kung
ano ang sitwasyon.” Hinila ko na siya papuntang parking.

“Sana nga, Z. Sana hindi niloloko ni Dad si Mommy,” sabi
niya sabay punas niya ng luha.

We reached the car. I didn’t like seeing her so unhappy, so
I reached for her hand.

“Huh? Bakit?” gulat niyang tanong.

Isinuot ko ang bangle sa kamay niya. Nanlaki ang mata niya.

“Oh my gosh! Binili mo? Pero, Z, ang mahal nito.” Akmang huhubarin niya ’to.

“It’s my way of thanking you for staying with me when
Dad died. Please keep it.”

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

Itutuloy....

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now