40. Ice cream

19.8K 543 37
                                    

Zaide Travis

Hindi niya inaasahan na sila ang kukunin ng RGC pagkatapos ng naging encounter nila ni Chloe but he glad na hindi siya nito penersonal. Ayon sa secretary nito ay tatawag nalang silang muli kapag ready na ang mga papeles para pirmahan nila.

He's going to Kylie' s school dahil may mini program ang mga ito at kailangan ang mga Parents pero busy si Olivia dahil may inaasikaso.

Pagdating kay Kylie ay kaya niyang e adjust ang oras. She's to cute to resist. Naisip niya na possibleng magkita sila ni Chloe dahil magkaklase ang mga bata.

Napaaga ang dating niya sa school at naabutan niyang naglalaro si Kylie sa at ang mga kaklase nito. Si Maureen naman ay nakaupo lang at nakangiting nakatanaw sa mga kaklase.

" Kylie! " tinatawag niya ito.

" Papa! " tuwang lumapit ito sa kanya at yumakap. " Ikaw po ang nandito?"

" Princess, your Mom is busy, you know why naman diba?" tumango ito sa kanya.

" Bakit hindi n'yo siya isali?" turo niya kay Maureen.

" Maui is tired Papa, pahinga daw po muna siya." Maui pala ang palayaw niyo.

" Are you friends with Maui' Princess?" wala naman sa kanya kung magiging magkaibigan ang mga ito.

" Yes po, she's nice naman kasi, Papa, I want Ice cream too." ungot nito sa kanya. Nakita kasi nito ang kaklase na buhat ng ama at may hawak na Ice cream. Nadaanan niya kanina sa labas ang nagtitinda ng Ice cream.

" Okay Princess let's go." tuwang tuwa naman ito, lumabas sila at binilhan niya ito ng Ice cream, masayang bumalik ito sa mga kaklase pagkatapos habang hawak ang ice cream nito. Binilinan niya ang Yaya nito na bantayan at baka madumihan ang uniform. Muli niyang nasulyapan si Maui. Malungkot na nakatingin ito sa mga kaklase na kumakain ng Ice cream.

" Hi Maui.." hindi niya napigilan ang sarili na lapitan ito. Sa twing nakikita niya ito hindi niya naiisip na anak ito ni Valdez. May kung anong hatak lang talaga sa kanya ang bata.

" Hello Tito Zaide, kayo po pala ang Papa ni Kylie." ngumiti ito sa kanya. Pero bakas sa mga mata nito ang lungkot.

" Gusto mo rin ba ng Ice cream Maui?" tinignan siya nito ng may pag aatubili.

" I don't have money po. Wala pa si Mommy." balak siguro nitong antayin nalang ang ina kahit natatakam narin ito habang nakatingin sa mga kaklase.

" Let's go, Tito Zaide will buy you Ice cream." inilahad niya ang palad niya dito. Pero nagulat siya ng niyakap siya nito sa bewang.

" Thank you po Tito Zaide." Hindi niya maipaliwanag ang tuwa ng tiningala siya nito para magpasalamat, binuhat niya ito at lumabas sila para bumili.

" May isa pa po pala kayong anak Sir, mas kamukha n'yo po iyan kaysa doon sa unang kasama ninyo kanina, nagmana siguro iyon sa Ina?" natawa siya sa sinabi ng nagtitinda ng Ice cream, inakala ba nitong anak niya si Maui?

" Thank you po ulit Tito Zaide.." muli siyang niyakap ni Maui at naramdaman na naman niya ang hindi maipaliwanag na tuwa. Iniisip niya nalang na ito sana ang anak nila ni Chloe kung hindi nito pinili si Valdez.

Bumalik sila sa pwesto nila. Nataranta naman siya dahil madungis na ang mukha ni Maui. Kinuha niya ang panyo sa bulsa at pinunasan ang nagkalat na Ice cream sa mukha nito. Nilagay niya narin ang panyo sa may dibdib nito para hindi madumihan ang damit.

Inabutan naman siya ng Baby wipes ng Yaya ni Kylie saka bumalik sa tabi ng alaga.

" Tignan mo ang cute nilang mag ama." puna ng dalawang babaeng dumaan sa harap nila ni Maui. Napagkamalan na naman silang mag ama.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now