43. DNA

23.5K 569 53
                                    


Zaide Travis

Tinawagan niya ang kaibigang si Jarred para makipagkita dito, lawyer ito at sigurado siyang alam nito ang gagawin sa sitwasyon niya ngayon.

" Sigurado ako Pare mahalaga ang kailangan mo, hindi mo naman ako sasadyain dito sa opisina kung hindi." bungad nito sa kanya.

" Tama ka Jarred' Pare, pasensya na sa abala but yes I need your help."

" Tungkol saan ba yan? Sinong kakasuhan natin?"

" It's about Chloe's daughter, ako daw ang ama nito at hindi si Valdez. Gusto ko ng katibayan na anak ko talaga ang bata at kung sakali man gusto ko siyang kunin kay Chloe."

" Shit! For real? May anak kayo ni Chloe? Nandito na pala siya? Kailan pa?" he knows may pagtingin ito kay Chloe dati.

" Madali lang yan Zaide, DNA Test. Kailangan lang natin kumuha ng samples ng bata. Papayag naman siguro si Chloe? " takang napatingin siya dito.

" Bakit kailangan pa niyang pumayag? May karapatan akong ipatest ang bata dahil sinasabi niyang ako ang ama nito."

" Pare, DNA tests require a consent signature from the person whose samples were submitted. Sa kaso ng bata na minor pa, need ang consent form signed by a legal guardian at yon ay si Chloe." paliwang nito sa kanya.

" Hindi ba pwedeng huwag na nating ipaalam? Kailangan ko din yon kung sakali dahil gusto kong kunin ang bata kapag napatunayang ako ang ama niya."

" I'm sorry Zaide pero hindi pwedeng gamitin sa korte ang DNA Test, na hindi dumaan sa legal procedure. Hindi counted yon. Isa pa Zaide nasa general rule that a custody of a child below seven years of age belongs to the mother." ibig sabihin wala din siyang mapapala kung sakali? Pero pakialam paba niya sa rule rule. Matagal niyang hindi nakasama ang anak. Ni hindi niya nga alam ang unang salitang nabigkas nito.

" Ganon nalang yon? Pagkatapos nilang ipagkait sakin ang anak ko? Hindi ko parin siya makakasama? " limang taon na ang anak niya, limang taon itong ipinagkait sa kanya.

" Pare hindi naman sa ganon, we could file for Visitation rights para may specific schedule at regular na oras ka para makasama ang bata pero Zaide pweding namang pag usapan n'yo nalang ni Chloe ang tungkol doon at hindi na idaan sa korte."

" Dapat lang na pumayag siyang ibigay muna sakin ang anak ko. But I still want the DNA pumayag man siya o hindi." gusto niya paring makasigurado.

" Okay, I know a Lab na pwedeng magsagawa ng test, you need to take samples from the child pero please Pare walang pwedeng makaalam nito." naiintindihan niyang nag iingat lang ito dahil sa trabaho.

" Walang problema Jarred it's between you and me. Anong kailangan?" he needs to do this.

" Laway ng bata para mas sigurado. You need to wait 3 to 5 days bago lumabas ang resulta." madali lang naman pala ang kailangan nito.

" I'll send to you the samples kapag nakakuha na ako. Maraming salamat Jarred. " kinamayan niya ito.

Papunta siya sa eskwelahan ni Kylie ng tawagan siya ni Olivia na ito nalang ang susundo sa anak. Balak na sana niyang bumalik ng opisina pero naisip niya si Maui, kailangan niyang makakuha ng laway nito.

Nagpark siya sa may di kalayuan. Nakita niya si Olivia at pabalik na ito ng sasakyan habang hila si Kylie. Hinanap niya sa mga batang naroon si Maui. Nakita niyang naglalaro ito, wala pa marahil ang sundo nito.

Inikot niya ang sasakyan at tinigil sa tapat nito. Saka siya bumaba at kinarga ito sabay pasok muli sa sasakyan.

Narinig niyang may sumisigaw at tinatawag ito pero pinaharorot na niya palayo ang sasakyan.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now