34. Distress

17.1K 466 76
                                    


Zaide Travis

" Manang Josie susundin ko lang po si Chloe, baka ho inaantay niya parin si Olivia." tumango naman ito sa kanya na abala sa pagaasikaso ng mga bisita.

Mga kalahating oras na siyang naroon pero wala parin ang kasintahan. Naiinis siya dahil baka pinaghintay ito ni Olivia. Nagtaka siya ng makasalubong ito.

" Hanip karin Olive oil, kanina kapa inaantay ni Chloe tapos hindi mo manlang siya dinaanan sa bahay?"  inaantay niyang sumagot ito ng pabalang pero iba ang lumabas sa bibig nito.

" Wala na siya Z, she left half an hour ago." natawa siya dito, malay ba niya kung gino good time siya nito gaya ng pagpapakilala nitong fiancee niya.

Tumakbo siya pabalik ng beach house. Baka masyado lang itong napagod at nakatulog.

" Lovey, let's go. Nandito na si Olive oil, balak kapa niyang iwan." pumasok siya sa kwarto nito pero wala ito doon. Tinignan niya rin sa loob ng banyo at maging sa kwarto niya.

" Nakaalis na siya Z at naiintindihan ko siya. Hayaan mo na daw siya." nakatayo si Olivia sa may pinto.

" Shut up! Hindi niya ako iiwan, lalo na at alam na namin ang totoo. Baka nasa beach lang siya." lumabas siya inikot niya maging ang likod na bahagi ng beach house.

Bumalik siyang muli kina Manang Josie baka nagkasalisi lang sila pero wala ito doon. Maging ang kubo sa niyogan ay pinuntahan niya.

" Lovey! Hindi totoo to, hindi mo ako iiwan, mahal mo ako diba? " baliwala sa kanya ang biglang pagbuhos ng ulan.

" Chloe!! Chloe!" paulit ulit n'yang tawag sa pangalang nito, bumalik ulit siya ng beach house. Pero wala ito kahit saan. Binuksan niya ang kabinet nito at doon niya napansin na wala ang ibang gamit nito.

Doon na tuluyang bumagsak ang emosyon niya. " Ang sabi mo mahal mo ako?" Bakit kung kailan wala ng dahilan ang ama nito para ipakasal sila ni Ethan saka pa ito umalis.

" Z, bumalik siya sa kanila para sayo, they're willing to file a case against you lalo na ang Daddy niya. You kidnapped  Chloe."

" Kidnapped? Hindi totoo yan, girlfriend ko siya at mahal niya ako. Magpapakasal kami Olivia, I'm going to marry her at hindi ang Ethan na yon." lumapit si Olivia sa kanya pero lumayo siya at pumasok ng sariling kwarto.

Napatingin siya sa kama. Magkasama lang sila kagabi, they made love. Nalingat lang siya iniwan na siya nito. He cried. Ginawa niya ang lahat para dito. He's willing to go to jail kung kinakailangan dahil hindi siya nagsisisi na itinakas niya ito. But she left him.

" Z, magpalit ka ng damit, basa ka, magkakasakit ka sa ginagawa mo." it's Olivia again.

" Fuck! Leave me alone!" sigaw niya dito. Wala siyang pakialam kung magkasakit man siya dahil doble doble na ang sakit na nararamdaman niya.

Pero hindi niya basta basta isusuko ang babaeng mahal. He called his assistant para magpasundo gamit ang chopper ng kompanya nila pero masyadong malakas ang hangin at ulan. He need to wait until the next day para makaalis ng Isla.

Kahit nasasaktan ay nagaalala siya sa nobya, nakarating ba ito ng maayos sa bahay nila. He want to call her pero walang signal ang cellphone niya.

Naroon si Olivia at dinalhan siya ng pagkain na iniwan nito pagkatapos niyang sigawan. Wala sana siyang balak galawin ang pagkaing dala nito pero nakaramdam na siya ng pagkalam ng sikmura dahil buong araw na siyang walang kain.

Madaling araw na rin siyang nakatulog o kung matatawag niya bang tulog iyon. Tanghali na ng maging maayos ang ihip ng hangin at wala naring ulan. Ibinilin niya kay Manang Josie ang beach house. Pasakay na siya ng chopper ng mapansing naroon si Olivia at may dalang bag.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now