45. Accident

24.1K 570 72
                                    

Nakangiting anak ang bumungad sa kanya ng puntahan niya ito sa kwarto nito.

" Good morning Sunshine, ang sarap naman ng ngiti ng anak ko." nilapitan niya ito.

" Good morning Daddy. I loveyou." naglalambing na yumakap ito sa kanya. Natuwa siyang pagmasdan ang mukha nito at hindi niya maiwasang maalala ang mukha ng ina nito kapag ganitong bagong gising.

" Malungkot parin ba ang baby ko?" kagabi lang ay umiiyak ito.

" Sorry Daddy, I miss Mommy." mas humigpit ang yakap nito sa kanya. Nakakaramdam siya ng selos sa attachment nito sa ina. Gusto niyang makasama si Maui ng hindi nito iniisip si Chloe.

" Let's go down and eat breakfast? Inaantay kana ni Kylie anak." pagiiba niya ng usapan. Maliksi naman itong kumapit sa leeg niya at nagpabuhat.

" Good morning Maui.." bati ng naguumpisang ng kumain na si Kylie.

" Good morning Kylie. MommyLa and Tita Olivia." masiglang sagot ng anak niya.

" Ako na ang magpapakain sa kanya, kumain kana para maaga kayong makaalis." nilagyan ni Olivia ng pagkain ang anak niya, inaasikaso din nito si Kylie.

" Thank you Tita Olivia." nakangiting pasalamat ni Maui kay Olivia. Hinalikan naman ito ni Olivia sa pisngi matapos subuan.

" Isama mo si Yaya Luce, para hindi ka mahirapan sa dalawa, susunod naman agad ako sa inyo. Kailangan ko lang puntahan iyong caterer sa kasal." si Olivia.

" Huwag, na kaya ko na silang dalawa. Isa pa susunod ka naman sa amin." dalawang maliliit na bata lang naman ang babantayan niya.

" Ikaw ang bahala. Basta ingatan mo sila." mabilis nilang tinapos ang pagkain. Excited na rin ang mga bulilit.

Si Olivia na ang naghanda ng mga gamit ng dalawang bata, mag oovernight sila sa Isabelle Royal, alam niyang sa mga Rosales ang Resort. Pero bago ito at maganda ang swimming pool nila lalo na para sa mga bata. Naipasyal na niya doon si Kylie.

" Suot na ng dalawa ang swimsuit nila, alisin mo nalang ang mga damit nila mamaya. Huwag mong hayaang magbabad sila ng matagal sa tubig, baka sipunin ang mga yan." andami pang bilin ni Olivia at malapit na siyang mainis.

" Tsk! Para namang hindi kami nag swimming dati ni Kylie." reklamo niya dito.

" Zaide dalawang bata ang kasama mo hindi isa, umayos ka! Kung isama mo nalang kaya ang Yaya ni Kylie para mapanatag ang loob ko." sinimangutan niya ito.

" Aalis na kami." paalam niya dito. Naipasok na niya ang mga gamit nila sa sasakyan maging ang inflatable na laruan ng dalawa.

" Babye Mommy! " paalam ni Kylie sa ina.

" Bye Tita Olivia." nagpaalam din si Maui sa kanya.

" Zaide, ang mga bata." pahabol pa nito.

Tinulungan sila ng staff ng resort na ipasok sa kwarto ang mga gamit pagdating nila. Malaking kwarto ang kinuha niya para sa kanilang apat. Agad naman siyang kinulit ng dalawa para magswimming.

Gaya ng bilin ni Olivia ay inalis nalang niya ang mga damit sa taas ng swimsuit ng mga ito. Saka niya pinahiran ng sunblock ang dalawa. Mabilis din siyang nagbihis. Bitbit ang laruan ng mga ito ay nagpunta sila ng malawak na pool ng Isabelle Royal.

" Yehey! Ang saya dito Papa, mas masaya lalo kasi kasama natin si Maui." isinawsaw na nito ang mga paa sa pool.

" Be careful Princess." babala niya kay Kylie.

Gumaya naman si Maui dito. " Hurry Daddy, let's go swim." pagmamadali sa kanya ng anak.

" Okay, okay Babies." sinuotan niya ang mga ito ng salbabida at dinala sa pool. Nagstay sila saglit sa pool na pang adult.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now