30. Olivia

18.3K 462 16
                                    


Isang magandang babae ang sinasabing bisita ni Manang Josie. Matangkad siya at payat. Nakaplaster sa mukha niya ang isang magandang ngiti.

" Hi, finally! Zaide Travis, I'm Olivia your fiancee..."

Nagsalubong ang kilay ni Chloe sa salitang lumabas sa bibig niya." Fiancee daw? "

" What!? Ms. are you insane? I don't even know you." mahigpit na hinawakan ni Z ang kamay ng kasintahan.

" Kaya nga nagpapakilala ako, I'm Olivia Alvarez, the fiancee you never meet." she extended her hand to Z.

" It's not funny Ms.,mukha ka pa namang matino pero kung nagtitrip ka, wag ako ang pagtripan mo." binawi nalang ni Olivia ang nakahandang kamay kay Z..

" That was rude." anito kay Z na lalo namang kinainis ng isa.

" Rude? Alam mo kung sino ang rude? ikaw yon, basta ka nalang darating dito at magpapakilala na fiancee ko."  halatang inis na si Z sa kanya.

" Chill Zaide, kalma ka lang. I come in peace." nag peace sign pa ito.

" Anong kailangan mo?" mataas parin ang boses ni Z. Kinalma siya ng nobya na nakikinig lang sa kanila.

" I just want to be friends with you guy's. Oh hi' Chloe." nagulat naman si Chloe dahil kilala siya neto.

" Friends? Pagkatapos mong sabihing Fiancee kita." pero tinawanan niya lang si Z.

" Sabi kasi ng Daddy mo ipapakasal niya tayo someday pero wala na siya kaya don't worry joke lang yong fiancee chuchu..kaya chill kana pwede?" iniabot naman niya ang kamay kay Chloe na tinangap ng isa.

" Tsk! Wag ka nga makipagkamay sa babaeng yan Lovey." tinabig niya ang kamay ni Olivia.

" Z please. Let me talk to her. " pakiusap ni Chloe. Binilatan naman siya ni Olivia.

" Kain na muna kayo. Zaide, Chloe, dalhin nyo na rin yang bisita n'yo." si Manang Josie

Tahimik silang kumain na para bang may nagdaang anghel. Panaka nakang kinausap ni Olivia si Chloe at sumasagot naman ito. Si Z naman ay nakasimangot.

" Wag kang sumimangot sa harap ng pagkain Zaide, baka hindi ka matunawan n'yan." nakangiting puna ni Olivia sa binata.

" Hindi talaga ako matutunawan lalo na kung may uninvited guest akong kasabay na gaya mo." hinawakan ni Chloe ang braso ng nobyo. Nasa harap sila ng pagkain at nagbabangayan ang mga ito although they find them amusing.

Pagkatapos kumain ay niyaya ni Chloe si Olivia sa Terrace para makapag usap sila.

" Wag kung ano anong kasinungalingan ang sabihin mo sa asawa ko." pinandilatan ni Z ang bisita.

" Oh' look who's lying? Asawa huh?" natatameme si Z dahil tila may alam ito tungkol sa kanila. Nahihiwagaan din siya sa bigla netong pagsulpot.

" You know what, I should be there listening, baka kung ano pang maling kwento ang sabihin mo kay Chloe." hindi nga ito nagpapigil at sumama sa kanila.

" Speak!" hindi makapag antay si Z na matapos na ang sasabihin neto at umalis na.

" Please Love.." pakiusap ni Chloe sa kasungitan ng nobyo.

" Pamilyar ka naman siguro sa pangalang Kristina. Ang first love ng Daddy mo. She's my adopted mother, mali.."

Hindi natapos ni Olivia ang sasabihin.
" Ang babaeng dahilan kung bakit naghiwalay ang mga magulang ko."

" Walang kasalanan ang Mama maging ang Daddy mo pati nadin ang Mommy mo Zaide. Biktima lang sila lahat ng kagustuhan ng mga Lolo mo. Ang Mama Kristina ko ang unang minahal ng Daddy mo, pagkatapos nila maghiwalay ng mahabang panahon nagkita silang muli dito sa Isla. Pero may sakit na ang Mama noon at hindi rin nagtagal ay namatay na siya pero namatay siyang masaya dahil nakasama niya kahit papano ang nag iisang lalaking minahal niya, yon ay ang Daddy mo."  malungkot na napangiti si Olivia.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now