36. Sorrow

17.7K 520 86
                                    

Ethan Angelo

The memory of how he meet Chloe was still vivid in his mind up to where life take them now..

Flashback

Excited ng lumabas ang batang si Ethan ng bahay nila, sinunod niya lahat ng bilin ng Mommy niya. Kinain niya lahat ng gulay na nilagay nito sa plato niya para daw maging healthy siya.

Maayos na ang pakiramdam niya kaya pinayagan na siyang lumabas ng bahay na hindi madalas nangyayari.

" Ethan, bawal kang tumakbo." bilin ng Mommy niya.

Masaya niyang nilapitan ang mga batang naglalaro sa katapat na bakanteng lote ng bahay nila.

" Pwede ba akong sumali sa inyo?" kita ang ningning sa mga mata nito at halatang excited makipaglaro sa mga batang naroon.

" Hindi ba ikaw yong batang nakatira d'yan sa tapat na bahay na laging nakatanaw samin." tanong sa kanya ng isang batang lalaki.

" Oo, bahay namin yan." Itinuro nito ang bahay nila. " Ano nga pala si Ethan, pwede niyo ba akong isali sa laro ninyo?"

" Siya yong batang sakitin, kaya nga may takip yang mukha mo diba? Bakit ka naman sasali sa amin? Baka mahawa pa kami ng sakit mo." agad na kinabahan si Ethan sa sinabi ng isa pang bata. Suot niya ang mask dahil bawal sa kanya ang makalanghap ng alikabok.

" Hindi magaling na ako, wala na akong sakit. Kaya nga ako pinayagan ni Mommy na lumabas at makipaglaro sa inyo. Itong mask wala lang to." paliwanag ni Ethan sa mga ito.

" Sige, pero ikaw ang taya. Habulan ang laro namin." sang ayon ng naunang batang kausap niya kanina.

" Habulan ba ang laro ninyo? Bawal kasi akong tumakbo. Pwede bang maglaro nalang tayo ng iba?" bilin ng Mommy niya na huwag na huwag siyang tatakbo.

" Ano ba yan, andami mo namang arte, don kana nga. Hindi kana pwedeng sumali samin." biglang nalungkot ang batang si Ethan pero matagal niyang inasam na makasali sa mga ito.

" Isali n'yo na ako please." hinawakan pa nito ang kamay ng pinakamalaki sa mga ito.

" Ang kulit mo din ah, sabi na ngang hindi pwede!" bigla siya nitong tinulak dahilan para mapaupo siya.

Saka naman lumapit sa kanila ang isang batang babae.

" Hoy Ikaw! Ang laki laki mo nanunulak ka ng mas maliit sayo, e kung ipahuli kita don sa guard namin." tinuro nito ang guard sa kabilang bahay.

Agad namang umalis ang mga ito. Tinulungan siya nitong tumayo.

" Okay ka lang? Bakit ka kasi lumalapit sa mga yon." tanong nito.

" Ayaw kasi nila ako isali sa laro, bawal kasi akong tumakbo." malungkot na sagot niya.

" Hindi naman maganda ang laro nila, pagpapawisan ka lang. Gusto mo ba maglaro nalang tayo ng bike ko?"

" Talaga? Papahiramin mo ako ng bike mo? " muling nanumbalik ang saya ni Ethan.

" Oo naman, ano nga palang pangalan mo? Ako si Chloe."

" Ethan ang pangalan ko. " ngumiti siya sa bagong kaibigan, naisip niyang ang bait naman ni Chloe.

" Ganito, sumakay ka ng bike tapos itutulak kita para hindi ka mapagod magpedal. Kasi diba bawal ka tumakbo kaya bawal karin siguro mapagod." sa mura niyang edad ay napahanga siya ng bagong kaibigan.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now