42. Your Daughter

22.5K 565 51
                                    

Chloe Alexandria

Bago sila natulog ng anak ay muli na naman siya nitong tinanong tungkol sa ama.

" Mommy when will my Daddy come? I want to meet him already." hinalikan niya ito sa noo.

" I don't know Baby, magdasal nalang tayo anak para matupad yang wish mo." agad naman itong bumangon at nagsign of the cross.

" Dear Jesus, Thank you for my new friends. Thank you for the yummy food we eat everyday. I promise to be a very good girl please let my Daddy
come soon. I love you Jesus. Amen." muli itong nagsign of the cross.

Maging siya ay nagdasal na bigyan ng sapat na lakas para kausapin ang ama nito. At sana ay maging bukas ang isipan at puso nito sa pagtanggap sa anak nila. Tama ang Mommy Trisha niya, Maui needs her father kung siya matagal na niyang natangap na wala na silang pagasa ni Zaide labas si Maui doon.

Maaga siyang gumising para asikasuhin ang anak, kinuha na nila ito ng Yaya para narin may magbantay dito. Binilinan niya ang Yaya nito. Maging ang Mommy at Daddy niya ay nagbilin din. Medyo nahihiya pa ang anak niya dito pero ganon talaga si Maui sa una.

" Anak, si Ate May ang magbabantay sayo sa school kapag may kailangan ka sabihin mo lang sa kanya."

Tinignan nito si May at ngumiti. Pamangkin ng matagal na nilang kasambahay si May kaya panatag ang loob na ipagkatiwala dito ang anak.

Pagkatapos niyang idaan ang mga ito sa school ay dumiretso na siya ng Rosales Towers. Gumaan na Ang schedule niya dahil natapos na niya ang mga naiwang trabaho ng kapatid. Nakausap na niya ito at masaya itong nakauwi na sila. Excited narin itong makita ang pamangkin.

" Ma'am sa Wednesday  na po pala ang umpisa ng paglilibot niyo sa mga resort. Bilin po ng Daddy n'yo na manatili kayo kahit mga 5 days o mas higit pa." siya ang naatasan ng ama na  dumalaw sa mga Resort at Hotels nila para malaman ang mga dapat ayusin at palitan. Naging abala ang buong umaga niya.

" Mommy! " tili ng anak. Inaantay niya na dumating ito para sabay na sila maglunch.

" How's your day Baby?" agad niya itong binuhat at pinangigilan.

" Hahaha, Mommy naman e, nakikiliti ako." reklamo nito sa kanya. " Look I have three stars." pinakita nito ang kamay.

" Abah, andami naman. Ang galing talaga ng baby ko." muli niya itong hinalikan at niyakap. " I love you Baby."

" I love you too Mommy. I'm hungry." ngumiti siya dito.

" May, kumain kana muna bago ka umuwi. Sumabay kana sa amin ni Maui." sasamahan ito ng Mommy Trisha niya para ibili ng mga gamit. Halos wala itong dala ng dumating at kailangan nito ng mag damit na magagamit sa araw araw.

Lumabas silang tatlo para kumain, sinasanay rin niya ang anak na kasama ito. Pagkatapos kumain ay bumalik na silang mag ina ng opisina at umuwi naman si May na pinasundo niya sa driver dahil hindi pa nito kabisado ang magcommute.

" Ma'am nasa conference room na po ang taga Mondejo Airlines. " na finalized at naayos na nila ang mga papeles at pipirmahan nalang nila ito pareho.

Ito ang Airline company na napili ng RGC. Maging ang Daddy niya at members ng Board ay pinaburan ang kompanya nila compared to Bascon Airlines. Nakarating  sa kanila na may anomalyang kinasasangkutan ang kompanya ng mga Bascon.

" Joy, tawagan mo nga si Ate Lea kung nakabalik na si Daddy?" gusto niya sanang iwan muna dito ang anak.

" Pabalik palang daw po Ma'am." sagot nito sa kanya.

" Baby, dito ka lang ha, may meeting lang si Mommy saglit lang ako Baby. Kapag may kailangan ka anak, Mommy is in that door. " tinuro niya dito ang pinto ng conferences room.
"You're not allowed to go outside." hindi naman ito malikot kaya panatag siyang iwan ito saka may pinagkakaabalahan naman ito, ang pagdadrawing.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now