Chapter 5

255K 8.8K 414
                                    


Nagising kaming pareho sa malakas na tunog ng cellphone na nanggagaling sa bulsa ng pantalon ni Jave. Pareho pa kaming napabalikwas nang pagmulat ng mga mata ay nakapulupot na ang katawan namin sa isa't-isa upang magkasya sa sofa na makitid para sa aming dalawa. Napabalikwas ako ng bangon dahilan para mahulog ako sa malamig na sahig.

"Aray ko!" Daing ko hawak-hawak ang pwet na nasaktan. Tinangka din sanang bumangon ni Jave ngunit napadaing din sa sakit ng kaliwang balikat dulot ng pagkakadagan ko dito magdamag.

"Sino kasing may sabi sayong gawin mo akong kama! Ang sakit na nga ng katawan ko!" Asik niya sa 'kin nang makabangon.

"Malay ko ba, nakatulog ako eh!" Reklamo ko. Hindi ko maalalang tumabi ako sa kanya. Ang alam ko nasa paanan niya ako eh. "Yong cellphone mo, sagutin mo!"

"What?!" Pabalya niyang sigaw sa phone. "Ark? Gago ang aga-aga nang iistorbo ka, anong problema mo?"

Napakawalang modo talaga. Lahat nalang ng tao sinisigawan.

"Si Rianne?" Nagbagong bigla ang hilatsa ng mukha niya. Nawala ang kunot sa noo, napalitan ng nakakalokong ngiti. "Nasa school??"

"Akala ko next week pa ang dating niya? Shit. Hinanap ba ako? Wag mong sabihing absent ako tataktakin ko 'yang bungo mo!"

Tumaas ang kilay ko. So importante pala sa kanya na maganda ang image para kay Rianne? Nakakatawa. Lagot ka na ngayon. Bad shot ka na sa crush mo, nalaman na niyang hindi ka pumapasok sa eskwela. Bummer. Bulakbol. Ikaw itong pathetic eh.

"Kasama niya si Brendan? Fuck!" Sunod sunod ang mura niya.

Brendan? So may jowa na ang crush niya? Kawawang Paniki.

Ilang sandali pa asar niyang ibinalibag ang iphone na hawak. Napapikit na lamang ako nang mawasak ang screen no'n pagtama sa dingding. Sayang.

"Ang daming pera ng Paniki. Kung manira ng gamit ganun-ganun na lang.." bulong ko. Ako na rin ang pumulot ng cellphone upang tingnan kung buhay pa. Basag ang screen, pero mukhang kailangan lang ng duct tape buhay na ulit.

"Keep your stupid opinion to yourself, cymbals."

"Hoy Paniki, 'wag mo akong idamay diyan sa problema mo sa crush mo ah! Kung pumapasok ka ba naman eh di nakita mo siya, kaso hindi. Andito ka nakatunganga, wala ka nang ginawa kundi manira ng gamit. Kung ako si Rianne, hindi rin kita gugustuhin!" Palatak ko na mas lalong kinainis niya.

"Sinabi nang tumahimik ka, tatahiin ko yang bibig mo!"

"Subukan mo!"

"Tss! Magbihis ka, sumama ka sakin."

"Sa'n naman tayo pupunta?"

"Sa Westside." Tapos ay tinalikuran ako para magtungo sa banyo.

Napaisip ako. Naalala kong 'yon ang school na sinasabi nila Ark at Jiro. Pupunta ako doon eh nakakahiya, lalo na kung ang mga estudyante ay mga tipo nina Ark at Jiro na mukhang mga sosyal at mayayaman. Parang ayokong sumama. Pero knowing Jave, kakaladkarin niya ako bago pa man ako makatutol.

*****

Ilang sandali akong nagmuni-muni kung sasama ba o hindi. Naiilang talaga kasi ako sa mga ganoong klase ng lugar na puro mayayaman ang nag aaral. Noong nasa probinsya pa ako iniiwasan kong dumaan sa mga private schools dahil alam kong maaarte ang mga tao doon baka makahanap lang ako ng kaaway.

"Ano pang tinatanga mo diyan? Magbihis ka na!"

Napalingon ako sa kanya. He's wearing a blue jeans, white shirt and a black jacket, nakaangat iyon hanggang sa braso niya deliberately showing his beautiful tattooed arms. Bagay na bagay sa kanya ang badboy get up niya. Kung hindi ko kabisado kung gaano kagaspang ang ugali niya, malamang nagka-crush na ako sa Paniking ito. Hala! Biglang gusto kong magsign of cross, ano ba 'tong iniisip ko. Gwapo si Jave, malakas ang dating pero hindi siya ang tipo kong lalaki, masyadong mayabang ang pagmumukha. Taliwas sa gusto kong lalaki na pala-aral, pormal, kahit hindi kagwapuhan basta mabait.

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now