Chapter 23

237K 5.8K 500
                                    

Kinaumagahan, nakaligo na ako, nakabihis na’t lahat hindi pa rin lumalabas ng kwarto niya si Jave. Mukhang sobrang late nang umuwi kagabi dahil sa sobrang excitement na makasama si Rianne. Hindi ko dapat maramdaman pero hanggang ngayon mabigat pa rin ang loob ko. Pinilit kong mag aral kahapon pero hindi ko magawa, inantay ko siya pero sa sobrang tagal niya nakatulog na ako.

Hindi ko nga rin alam kung paano ako nakarating sa kwarto ko kagabi. Nagsleepwalk ba ako o kinarga ako ni Jave papuntang kwarto? Haist, nagsleepwalk ako, sigurado yun. Hindi mag aabala ang Paniki na ito na buhatin ako noh.

“Jave, lumabas ka na diyan maaga pasok ko ngayon hindi ako pwedeng ma-late!” sigaw ko sa pinto. Pero namamaos na lang ako kakaisigaw hanggang ngayon wala akong naririnig na kaluskos sa loob, dinikit ko na ang tainga ko sa pinto wala pa rin. Naasar na naman ako sa kanya, pinihit ko ang doorknob ng pinto, aba at nakabukas. Humanda ka sakin ngayon.

Susugurin ko na sana siya sa kama niya nang mabunggo ako sa dibdib niya, sa lakas ng impact halos tumalbog ako, kung hindi niya ako nahawakan sa beywang malamang nabagok na ang ulo ko sa sahig. Napalunok ako, parang tumigil ang oras nang mapatingin ako sa mukha niyang halos isang dangkal nalang ang layo sa mukha ko. Nalanghap ko ang mabangong hininga ni Jave, pati na ang pamilyar at natural nitong amoy. Habang ang braso niya ay nakapaikot sa beywang ko, ang buong bigat ko at nasa mga kamay na iyon na kapag bumitiw siya malalaglag ako sa sahig.

Napakurap ako ng maraming beses. Kumabog ang dibdib ko na para bang gustong gibain lahat ng ribcage ko sa katawan. Uminit ang mga pisngi ko pati na ang dulo ng tainga ko.

“Bulldozer ka ba, akala ko kasi alien ka lang!” masungit na asik niya na nagpagising sa nakalutang kong diwa. Bakit parang sobrang pamilyar ang amoy ni Jave sa malapitan, para tuloy bumalik ako sa panaginip ko kagabi kung saan yakap niya ako at…

Tsk! Ayokong maalala, nai-stress ang bituka ko.

Nagulat ako nang bigla niya akong binitiwan, naging mailap ang tingin niya tapos ay nagpatiuna na sa harap ng mesa para kumain. Noon ko lang napansin na nakabihis na pala siya. Mamasa-masa ang buhok niya na para bang may sariling buhay kahit hindi pa sinusuklay binibigyan na si Jave ng kakaibang appeal. Ang di pangkaraniwang kagwapuhan niya habang tumatagal mas lalong tumitindi.

“Anong oras ka nakauwi kagabi?” tanong ko habang kumakain. Himala kasi parang ang tahimik niya, hindi rin nagreklamo na ininit ko lang ang dala niyang pagkain kagabi.

“Wala kang pakialam. Wag mo akong kausapin.”

Napakuyom ako, kung plastic lang ang kutsarang hawak ko malamang nahati na. Pinilit ko pa ring ngumiti, nakakatakot kasi siyang mabadtrip baka hindi na pumasok. Baka mapurnada pa ang scholarship ko kay Ms. Ysabel, nakasalalay kasi iyon sa mood ni Jave. Itinuloy ko ang pagkain.

“Hmm. Jave, alam mo ba kung panu ako nakarating ng kwarto ko kagabi? Ang naalala ko kasi nakatulog ako sa sala.”

“Hindi ko alam. Kailangan ba kitang bantayan sa pagtulog mo?” asik na naman niya na salubong ang mga kilay. Ang bad trip ng umaga niya hindi ko maintindihan kung bakit.

“Ganito nalang. Nakita mo ba akong nakahiga sa sofa pagdating mo kagabi?”

Isang nakakatakot na tingin ang ibinalik niya sa akin pakiramdam ko naumid ang dila ko at namanhid. Hindi ko na tinangkang magtanong ulit, mukhang sobrang sama ng umaga niya baka ako ang magpagbuntungan. I wonder what happened last night on his date. Naku! Baka naman binasted na naman siya ni Rianne?? Wag naman sana, kasi ginaganahan lang si Jave na pumasok dahil kay Rianne, kapag nagkataong binalewala na naman ni Rianne ang mga effort niya, baka hindi na siya pumasok. Lagot na ang future ko! Napahawak ako sa pisngi ko. Iniisip ko kung saang basurahan ako pupulutin kapag nagquit si Jave sa school.

She's The Bad Boy's PrincessOn viuen les histories. Descobreix ara