Chapter 11

243K 7.6K 559
                                    


Jiro's POV

Nakatitig ako kay Sofia habang ngumunguya ng pagkaing dala namin ni Ark. Bago kami dumiretso sa hospital ay dumaan muna kami sa isang Chinese restaurant para dalhan siya ng masarap na noodles at special siopao.

"Ang saaraap! Thank you dito ah??"

"Wala 'yon, sige lang kain ka lang!" sagot ni Ark. Samantalang ako ay tumango lang. Pinagmamasdan ko siya, matagal ko nang iniisip kung anong meron sa kanya at napapaamo niya ang isang taong may malakas na topak at matinding sapi kagaya ni Jave Santillan. Nakapagtatakang sobrang bait ni Jave sa kanya. Kilala ko si Jave simula kindergarten bully na ito at mahilig mangtrip ng tao. Mainitin din ang ulo at kahit wala sa katwiran ay palaging pinaglalaban ang gusto.

Kapag nagwawala si Jave, walang sinumang nakakaawat dito. Mismong sarili nitong pamilya hindi ito kayang pakalmahin. Kahit na minsan ay sinusunod nito si Rianne, unstoppable pa rin ito sa lahat ng masasama nitong gawain. Maybe it's his family's fault for tolerating so much of his bad behavior and violence, maybe he's just lonely and that's his way of coping with all the pain he's keeping inside. Hindi ko alam, walang nakakaalam, walang makaintindi kung bakit ganun ang ugali ni Jave.

Kaya napapahanga ako ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Wala siyang takot makipaglaban at makipagmatigasan kay Jave. Ang nakapagtataka pa, hindi umaangal si Jave sa kanya, heto nga at inutusan pa kaming bantayan siya sa hospital na ito.

"Ba't ka tumatawa, may nakakatawa ba, may dumi ba ako sa mukha?" inosenteng tanong niya sakin na punong-puno ang bibig ng kinakaing siopao. Hindi ko namalayang nakatawa na pala ako sa kanya.

"Wala. Naisip ko lang na nakapagtataka si Jave ngayon, usually kasi kapag nandito sa Pilipinas si Rianne walang ibang laman ang utak niya kundi puro yung crush niya lang. Walang kaibigan, ni walang kakilala. Pero nagugulat kami sa kanya ngayon, biruin mo naisipan pa niyang tawagan kami para bantayan ka." sagot ko na kinakunot ng noo ni Sofia.

"Oo nga noh?" komento ni Ark na parang laging insensitive sa mga pangyayari sa paligid. Kung hindi ko pa sabihin hindi nito mahahalata."Dapat, kasi nandito si Rianne, ang cycle ng buhay ni Jave ay kain-Rianne-tulog-Rianne-panaginip-Rianne-gising tapos Rianne na naman! Ganun yun kabaliw eh!" dagdag pa nito. Akalain mong naidagdag ka niya sa limitadong espasyo ng kanyang utak?" sabay halakhak.

"Ang sabi ko nga sa inyo, may kailangan sa akin si Paniki. Merong isang bagay na gusto siyang makuha sa akin."

Naging curious kami ni Ark kung ano yun, hindi naman siguro katawan, kahit naman sablay ang pagkakahulma ng utak ng kaibigan kong iyon, sigurado akong hindi yun manyakis. Si Ark pwede pa! Natatandaan kong binanggit na niya sa amin iyon, hindi niya lang din dinetalye kung ano ba talaga 'yon.

"Ano nga 'yon?" Pangungulit pa ni Ark.

"Yung puso ko."Tumatawa niyang sagot.

Napanganga si Ark. "Weh? Wag mo nga akong utuin, hindi pa nagbabago ang taste niya sa babae no. Embryo palang siya, gusto na niya si Rianne. Ano nga ang gusto niyang makuha sayo?"

Tumawa siya ng malakas. That sounds so carefree and light. Magaan kasama si Sofia, masayahin siya, at walang kaarte-arte sa katawan. Ngayon bigla kong napagtuunan ng pansin ang itsura niya. Medyo maliit siyang babae, 5'3" siguro. Mahaba ang buhok niya na halatang natural ang pagka-alon at hindi pa nasasayaran ng kahit na anong kemikal mula sa mga hair salon. Maganda rin siya, maamo ang mukha na mas lalong gumaganda kapag tumatawa. Kung pagmamasdan siya parang napakabait at hindi lalaban, pero hindi na ako malilinlang dahil nakita ko kung paano siya makipagsagutan kay Jave. 90% ng mga taong nakapaligid kay Jave ay takot dito, 9% ay nakakalapit pero sunod-sunuran, kasali siya sa 1% na lumalaban ng harapan dito.

She's The Bad Boy's PrincessKde žijí příběhy. Začni objevovat