Chapter 26

225K 8.2K 1.4K
                                    


Hindi ako makapaniwalang ang lakas ng hiyawan ng mga tao sa paligid. Lahat sila nagustuhan ang naging performance namin ni Zirk. Sa panghuling bahagi ng sayaw where I have to bend my body and let Zirk carry me in his arms, halos hindi ako makahinga. Naisip kong ang gwapong lalaking kasayaw ko ngayon ay isa sa mga lalaking pinapantasya ng halos buong population ng Westside, nakakaproud na pinili niyang makipag-partner sa akin. Abot-tainga ang ngiti ko sa kanya. Nang matapos ang togtog at kailangan na niya akong bitiwan, hindi niya ginawa.

My heart skip a beat during that moment. Natahimik din ang lahat nang hindi gumalaw si Zirk at nakatitig lang sa mukha ko, ang kamay niya ay nasa likod ko nakasuporta. Nasa posisyon ako kung saan, kapag binitiwan ako ni Zirk malalaglag ako sa sahig, at kapag kinabig niya naman ako, mahahalikan ko siya.

Ngumisi si Zirk sa akin. Tila nagningining ang kanyang mga mata ng mga sandaling yun. “Bakit ang ganda mo Sofia…? ” bulong niya. Ibinaba niya ang mukha niya sa akin na akmang hahalikan ako, abot abot ang naging kaba ko kaya napapikit ako ng mariin. Tinawanan niya tuloy ako.

“I’ll kiss you next time when you’re willing…and ready..”

Nakahinga ako ng maluwag. Natakot ako doon. May ugat sa puso ko na gustong mahalikan ni Zirk, pero ewan ko ba, mas marami yatang ugat sa buong katawan ko ang ayaw. Kaya nagpapasalamat ako at hindi niya itinuloy. Dahan dahan niya akong itinayo sa sarili kong mga paa. Humarap kami sa mga tao at ngumiti. Malakas na ulit ang hiyawan nila at nakakabingi ang palakpakan. I felt very overwhelmed and happy. Isa ito sa mga achievements na maituturing kong napakalaking bagay.

My eyes automatically scanned the place. Hindi ko nakakalimutang nandito si Jave at pinapanood ako. He must have been so proud of me. Alam kong hindi niya ipapakita sakin iyon pero knowing Jave, deep inside alam kong natutuwa siya para sakin. Teka, nasaan na kaya ang Paniking iyon? Hindi ko na siya nakita sa pwesto niya kanina. Umalis na kaagad? Napasimangot ako.

“Ok ka lang?” tanong ni Zirk sa akin nang marating namin ang backstage.

Tumango ako.

“Ms. Zandra suggested I kiss you at the end of the dance, I’m sorry If I have been too much..”

“Ano ka ba, ok lang yun!” Namisinterpret pa tuloy ni Zirk ang reaksyon ko. He looked so guilty and I don’t want him to feel that way. Isang napakalaking tulong ang ginawa niya para sa akin sa araw na ito.

“Ok lang yun?” Para siyang nabuhayan ng loob. “Ok lang na itinuloy ko ang halik kanina?”

“Ok lang na hindi mo itinuloy, dahil baka natadyakan kita sa stage kanina.” Tumawa ako. “Ang weird mo today Mr. Campus Rex Zirk Alcantara, wag kang magpacute diyan hindi bagay sayo!”

Tumawa din siya ng mas malakas. “Sinusubukan ko lang kung anong magandang diskarte ang pwede sayo..”

“Wag ako! Dahil kapag ako binola mo at naniwala ako, dudurugin ko buto-buto mo kapag sinaktan mo ako..”

“Whoaa. Lalim. Nakakatakot ka pala, sige na nga, habambuhay nalang kitang bobolahin at papa-ngitiin ng ganyan. Ang ganda mo kasing tumawa, nakakawala ng problema, sana lagi kitang kasama. Gumagaan ang buhay ko sayo, alam mo ba?”

Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Nawala ang abot tainga kong tawa, para kasing totoo ang sinasabi niya.

“Sofia!!”

Sabay kaming napalingon ni Zirk sa pinanggalingan ng sigaw na yun.

Si Jiro. Kasunod nito si Ark at pareho silang humahangos na para bang ang layo ng tinakbo. KInabahan tuloy ako. “Bakit?” sinalubong ko sila.

“Si Jave..” hinihingal si Jiro kaya hindi makapagsalita ng maayos.

“Ano?” atat kong tanong dahil mas lalong lumala ang kaba ko.

She's The Bad Boy's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon