Chapter 31

218K 6.5K 501
                                    


Tumambay pa ako sa library para lamang iresearch ng mabuti ang tungkol sa mga Princes of Hell. Wala akong masyadong nakuha maliban sa kakarampot na tsismis tungkol sa kung gaano kalaki ang ang business empire ng bawat isa sa kanila, kung gaano sila kahirap hagilapin at higit sa lahat kung gaano sila nakakatakot pagdating sa mga business dealings nila. Para akong isang langaw na nangangarap makipagusap sa mga leon.

Ano ba kasi ang kasalanan ko sa Ms. Coral na yun at ako yata ang favorite niyang alipustahin at pahirapan?Dahil ba maingay ako sa klase kanina? Anong big deal doon eh halos lahat naman maingay sa klase niya? Ako lang ba ang paparusahan, hindi sila? Napaka-unfair.

Inuntog ko ang sarili kong ulo sa mesa. Tsk. Wala naman akong karapatang magreklamo, estudyante lang ako at Professor ko siya, isa pa, magmumukha akong talunan kong susuko agad ako sa pinapagawa niya nang hindi man lang sinusubukan.

“Princes of Hell??” Naibuga lahat ni Ark ang iniinom nitong mineral water sa dumaang estudyante. Ang sama ng naging tingin ng lalaking estudyante dito, basang basa kasi ang uniform.

“Ano ha??” maangas na hamon ni Ark. Ito pa galit! Nagbago ang expresyon ng mukha ng kaharap nito, biglang parang naging maamong tuta at yumuko na lang. “Alis na!” dagdag na asik ni Ark.

Sira-ulo. Hindi ko nagustuhan ang ginawa nito kaya nakatikim ito ng batok sa akin ng wala sa oras. “Napaka-buuly mo, manang-mana ka sa kaibigan mong Paniki!”

“Aray ko ah! Ikaw san ka nagmana? Kay Pacquiao??” reklamo ni Ark habang kinakamot ang batok na nasaktan. Pinanlisikan ko lang ito ng tingin.

“Seriously, Princes of Hell?” ulit ni Jiro, ito man ay napailing-iling sa papel na binigay ni Ms. Coral. “Mahirap ‘to Sofia. It’s almost impossible to talk to any one of them. Madalas akong kasama ng Daddy ko sa mga international business gatherings niya at ni minsan hindi ko nakitang dumalo ang mga Princes of Hell. They value there privacy too much, bibiihira at pinakamatataas na tao lang sa elite society ang nakakasalamuha nila.”

“Media nga hindi sila mahuli eh. Para magkaroon ka ng inside access sa mga whereabouts nila, kailangan mong maging miembro ng Princes of Hell Club. Bukod sa malaking pera ang gagastusin, mahirap din ma-aapprove.” dagdag pa ni Ark.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Susuko na ba ako? Ano ba ang pwede kong gawin kung ultimong ang mga rich kid na ‘to sa harap ko na isinilang na may gintong kutsara sa bibig ang nagsabi na imposible ang pinapagawa sa akin. Anong laban ko? Masisiraan na talaga ako ng bait sa eskwelahang ito.

“Sofia! Sofia!” narinig ko ang impit na boses ni Kayla sa di kalayuan. Sinesenyasan niya ako, hindi siya makalapit dahil kasama ko sina Jiro at Ark. Baka mapag-initan siya ng mga tao sa paligid, alam kong yun ang inaalala niya. “ Quadrangle. Zirk.” she mouthed.

“Ahh.” ano ba yan nakalimutan ko. Nakapag promise pala ako kay Zirk na papanoorin ko ang performance niya sa Quadrangle after school. Natampal ko ang ulo ko. “ Una na ako sa inyo. May lakad pala ako..”

Tumingin si Jiro sa mamahalin nitong relo. “Di ba dapat nasa parking ka na? Sigurado ako nandun na si Jave, baka maasar na naman yun.”

“Hayaan mo nga siyang maasar.” nakaingos kong sabi kay Jiro. “Deserve niya yun.”

“Ang tapang. Hindi mo kilala mo si Jave, akala mo aamo yung kupal na yun? Parang leon yun, pag ginalit mo, mas lalong maghahasik ng kagaguhan!”

“Eh di subukan niya, hahampasin ko na siya ng dos por dos sa susunod!” nakakuyom ang kamao ko nang ihampas ko yun sa mesa.

Napaiktad si Ark. “Hoy! Ano ba..nakakatakot ka…” ang mukha nito parang nakakita ng halimaw.

“Alis na ako.” padabog kong binitbit ang bag ko. Kapag naalala ko kagaguhan ni Paniki nag iinit talaga dugo ko, hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya.






Hindi ko inasahan ang sobrang daming taong inabutan ko sa Quadrangle, kinailangan naming  umakyat ni Kayla sa overpass na malapit para lang makita namin ang stage na nasa gitna. Una kong nakita ang mga estudyanteng laging kasama ni Zirk, nakapormang pang-banda ang mga ito sa black na jacket at puting tshirt sa ilalim. Lahat sila may hawak na musical instruments, parang boy band na boy band nga, kompletos rekados at may isang microphone sa gitna para sa vocalist.

Naghiyawan ng malakas ang mga estudyante halos mabingi ako nang mapansin kong nahawi ang crowd at dumaan sa gitna si Zirk. Nasa itaas ako kaya kitang-kita ko. Napangisi ako, basta talaga gwapo ang lakas ng hatak sa mga babae. Marunong naman kaya siyang kumanta? Tatawa talaga ako kapag pumiyok tong si Alcantara. Inasahan ko kasing sasayaw siya, magaling kasi siya doon, pero sa set up ng stage mukhang kakanta ang pambansang pogi ng Westside.

Nakapangalumbaba akong nanood sa railings ng overpass. Habang dumadami na ang mga tao sa likuran ko ay parang masusuka na ako sa pagkakaipit ng tiyan ko dahil nagsisiksikan na sila.. Langya kasi sa dami ng fans itong si Zirk, nakakasakit ng katawan. Bakit kailangan pa niyang puntahan ako sa classroom ko kanina kung ganitong nag uumapaw na siya sa audience at mukha hindi na kailangan ang presence ko?

“Not too long ago, someone has stolen something very precious to me. The culprit is here, so I want to punish her thoroughly with her crime in front of the whole Westside population…”

Nag-init ang mukha ko nang biglang nag angat ng tingin si Zirk mula sa stage at tumitig sa akin ng matagal. Lahat tuloy ng fans niya tumingin na din sa akin. Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito? Ako ba ang tinutukoy niyang magnanakaw? Wala naman akong ninanakaw sa kanya, wag niya talaga akong pagbintangan sasapakin ko mukha niya!

Nagsimulang tumogtog ng intro ang mga kasama ni Zirk, kaya nagsimula na naman ang nakakabinging hiyawan.

“Doroodoroooh ..yeah…” simula ni Zirk. He’s standing in the middle of the crowd, suit up like a freakin rockstar, holding his microphone like he’s about to kiss it.

“ Handa ka na ba, maging aking sinisinta?

Pasensya ka na, parang trip ko ngayong ibigin ka..

Wag kang mag alala di naman ako manloloko. Gusto ko lang ay masosolo kita..”

The crowd went wild, napahawak nga ako sa railings dahil baka maitulak ako ng mga nasa likod ko ng wala sa oras, umeksena pa ako pag nalaglag ako dito, nakakahiya.

“Mamili ka lang sa dalawa, mahalin mo ako o mamahalin kita.

Hindi ka pa ba nakakahalata, sa akin wala kang kawala…”

Umiwas ako ng tingin. Medyo hindi ako mapakali dahil panay ang sulyap ni Zirk sa gawi ko. Ayokong mag assume pero bakit parang pakiramdam ko para sa akin ang kanta niya? Dagdag pa si Kayla na panay ang tudyo sa akin, parang hindi tuloy ako makahinga. Peste tong si Zirk, hinakot lahat ng talent sa pagpapalaglag ng puso ng mga babae, full package na siya ah. Gwapo, matalino, magaling sumayaw, magaling pa kumanta.

Naalala ko kung paano niya ako alagaan sa clinic. Napaka-gentleman niya rin pala, sobra.

“Kinakantahan ka niya Sofia.” kinikilig na bulong ni Kayla. “Ninakaw mo daw puso niya..”

Hala. “Tch! Hindi kaya. Tumahimik ka baka may makarinig sayo, dumugin tayo dito!” saway ko sa kanya.

“Totoo naman ah..” mas kinikilig pa ang mga buto ni Kayla kaysa sakin.

Binalik ko ang atensyon kay Zirk. Napigil ko ang paghinga ko nang mahuli ko siyang nakatitig na naman sa akin habang binibigkas ang mga liriko ng kanta niya.

“Wag ka nang humirit, no no.

Basta ngayon ay tayo na,

Wag ka nang magpumilit no no, Papakipot ka pa ba?”

She's The Bad Boy's PrincessDove le storie prendono vita. Scoprilo ora