Chapter 29

228K 7K 555
                                    

Pero hindi pa rin ako magpapadala sa mga pacute ni Paniki. Hindi biro ang ginawa niya kanina, kung kokonsentihin ko siya at makikipagbati ako sa kanya dahil lang binigyan niya ako ng hairpin, mas lalo lang lalala ang tama niya sa utak knowing that he can get away with anything just by mere show of his irresistible charm and hypnotizing smile. Hindi ako kagaya ng ibang babaeng nakapaligid sa kanya, hindi ko madidisiplina si Jave kung pati ako magpapadala sa mga pa-cute niya.

Kaya kahit umabot sa langit ang puso ko gawa ng simpleng hairpin na bigay niya. Hindi ko pa rin siya pinansin. He offered me something to eat. “ Bumili na si Zirk..”

Sumama kaagad ang timpla ng mukha nito. “ Drinks then?”

“I got it right here, babe!” si Zirk ang sumagot nun. Sumulpot ito sa pinto dala lahat ng pagkaing nirequest ko. Pati na mineral water at soda.

Naging blanko ang mukha ni Jave, napakamot lang sa gilid ng kilay niya habang pinasgmamasdan si Zirk na hainan ako ng pagkain. Wala akong balak na palambutin ang aura ng mukha ko para sa kanya,  dahil alam kong kapag nagpakita ako ng kahinaan kay Jave sasamantalahin niya at babaliktarin niya ang sitwasyon.

“Alis na ako.” malamig na turan niya bago tumalikod.

“Dude, san ka pupunta?” tawag ni Jiro sa kanya. Pero nakibit balikat lang siya at tuluyang lumabas ng kwarto.

Inaasahan ko na yun. Si Jave ang tipo ng taong madaling maasar at alam ko naman na hindi siya magaabalang suyuin ako ng matagal. Tama na ang ilang minuto, dapat nga matuwa na ako doon.

Hindi na ulit bumalik ng clinic si Jave, sina Jiro at Ark na naman ang naghatid sa akin sa bahay matapos kong tanggihan ang alok ni Zirk. Masyado na kasi akong nakakaabala kay Zirk at nakakahiya. Inabutan ko si Jave na nasa bahay na, buti naman. At least pag nasa paningin ko siya panatag ang utak kong wala siyang gagawing kabalbalan.

Nasa sala siya nakahiga sa sofa habang nanonood ng football sa TV. Hindi niya ako pinansin, kaya hindi ko rin siya pinansin. Pinakiramdaman ko lang siya. Tumingin ako sa kitchen upang icheck kong kumain na siya o kung may pagkain ba doon, nang ibalik ko sa kanya ang atensyon nahuli ko siyang nakatingin sa akin kaya kaagad niyang binaling ang paningin sa TV.

“Kumain ka na ba?” tanong niya na nakatingin pa rin sa TV.

Hindi ako sumagot.

“Ba’t ang tagal mong umuwi, madilim na ah..”

Hindi ko pa rin siya pinansin. Asar siyang bumangon mula sa pagkakahiga at pinatay ang TV.

“Pag tinatanong kita, sumagot ka.” pikon niyang asik sa akin. Tiningnan ko siya ng masama dahil doon.

“Hindi ko obligasyong mag report sayo.” sagot ko.

“Tsk. Kanina pa kita inaantay. Di pa ako kumakain, sabayan mo ako.”

“Ayokong kumain.”

“Bakit?”

Nakibit balikat ako. Umahon ako sa pagkakaupo saka tinungo ang kwarto ko. Naiinis ako kay Jave, wala man lang katiyaga tiyaga, nakapagsorry lang ng isang beses yun na yun, tama na yun sa kanya. Pakiramdam siguro niya dahil nagsorry na siya ay ok na at makakalimutan na ng lahat ang maling ginawa niya. Ang bigat ng pakiramdam ko talaga parang wala na akong ganang huminga. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ako kadepress dahil sa asal na pinapakita ni Jave. Ilang minuto lang niya akong sinuyo sa clinic, pagkatapos nun kung umasta siya parang walang nangyari.

Ilang sandali pa nakarinig ako ng katok sa pinto. Aba, kailan pa siya natutong kumatok? Tinungo ko ang pinto, binigyan ng kaunting siwang iyon upang mapandilatan si Paniki. “Ano?” malamig kong turan.

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now