Chapter 59

197K 6.9K 1.6K
                                    


"We didn't get the chance to talk earlier.." si Bella. Kinakausap na naman ako. Kinakabahan ako sa tuwing lumalapit siya. Ni ayaw kong tingnan ang maganda niyang mukha.

"Sorry.."

"Hindi mo pa sinasabi ang pangalan mo.."

"Sofia. Sofia ang pangalan ko."

Napaawang ang labi niya. Tapos ay tinitigan ng husto ang buong mukha ko. "Sofia Althea Perez..?"

Tumango ako. "Kilala mo ako?"

"Ah. Yeah. I heard a lot about you.." pilit siyang tumawa. "You're the bad boy's princess.. the Demon Rex's Princess.." pabulong ang huling sinabi niya. "Nice meeting you!!" biglang naging masigla ulit ang boses niya pati green niyang mata ay tumatawa na.

Hindi ko alam kung saan niya narinig ang lahat ng iyon dahil wala pa nga siyang isang araw dito sa school.

"By the way, I joined your club. Sabay na tayong pumunta sa dance room mamaya after school? Hindi ko na kasi matandaan kung saan ang building na yun, pwede ba?"

Kasali siya sa dance club? Napakuyom ako, napilitan akong tumingin sa kanya. "Akala ko sa tennis club ka sasali? I mean everybody's waiting for you there..."

"Ayoko sa tennis club. Medyo nagsasawa na rin kasi ako sa larong yun. Gusto ko ng bagong pagkakaabalahan. Isa pa, hindi naman dahil gusto nilang nandun ako eh susundin ko na sila. I have my own rules, I follow what I want."

Napatango nalang ako.

"Sasamahan mo na ako later?"

"Sige." yun nalang ang naisagot ko.

"Yey! Thank you. You're so sweet. I think we're gonna be great friends!!" aniyang kinuha pa ang kamay ko. "Right! I have a gift for you..here." nilagay niya sa kamay ko ang tila isang mamahaling pulang lipstick.

"Hindi ok lang..."

"No. I Insist. I bought that in Paris. It's special, so I want you to have it." nakangiti niyang sabi. Hindi ko magawang tumanggi dahil nagmamagandang loob naman yung tao.

"Oh. I love your hairclip! It's beautiful.."aniya.

Napahawak ako sa clip na binigay ni Jave. Isinusuot ko iyon kapag bagay sa damit ko. Ngayong araw na ito suot ko.

"Can I have it?" tanong niya.

Napanganga ako. "Ha? Hindi kasi sakin 'to may nagbigay lang.."

"Talaga? Mukhang mamahalin....si Jave ba?"

Napatitig ako sa kanya. "O-oo."

Nawala ang ngiti niya sa mga labi, tinitigan nya ng husto ang hairclip na nasa buhok ko. "I've met him at the airport. He saved me from a crazy guy trying to hurt me. I asked my Dad to search for him. He found his University. You know it's not very easy to get in here, my Dad had to use a lot of connections para lang makapasok ako. I left my school, I left all my friends...just because I wanna get to know him. You see, Jave Santillan is the sole reason why I'm here. I fell in love with him the first time I see him...."

"Bakit mo sinasabi sa akin to?"

Tumingin siya sa akin tapos ngumiti. "Coz I know he likes you. You're the only girl he's interested with right now. Pero hindi ka naman niya girlfriend di ba? I'll give it a try. I'll try to get his attention away from you. Kaya kung gusto mo rin siya, baka masagasaan kita kaya sinasabi ko na to sayo ngayon palang. Sana hindi sumama ang loob mo."

"Tama ka, hindi ko nga boyfriend si Jave. Kaya hindi mo na dapat sinasabi sa akin 'to." sagot ko.

Narinig namin pareho ang pagtunog ng bell. Gusto kong magpunta ng dance gym magisa dahil naiilang ako sa kanya. Pero hindi naman magaspang ang ugali ko kaya hinintay ko pa rin sya at sabay kaming pumunta.

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now