Chapter 28

231K 8.7K 1.7K
                                    


Pagdilat ko ng mata at pagtingin ko sa puting kisame. Alam ko na agad kung nasaan ako. Nasa malaking clinic ako ng Westside University. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, basta isa lang ang naalala ko. Huminto ang kotse ni Jave, buhay siya, buhay ako. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Wala siya? Wala si Jave? Ang nakita kong nakabantay sa akin ay sina Jiro at Ark. Samantalang sa gilid ng kama malapit sa akin naroon si Zirk. Hawak nito ang kamay ko ng matagal dahil mainit na ang iyon. Tapos ay sina Ms. Ysabel at Rianne nasa may pinto kausap ang school doctor.

Nang tuluyan kong idilat ang mga mata ko, isa isa silang lumapit sa akin.

“Mukhang suki ka na ng disgrasya Sofia ah.” biro ni Ark. “Hindi mo naipaglaban ang karapatan ng kotse ni Jave na mabuhay. PInatay mo pa rin!”

“Ulol!” asik ni Jiro dito.

“Ok ka na ba? Wala bang masakit sayo?” tanong ni Zirk.

Umiling ako. “Hindi naman ako nabangga. Parang nagulat lang ng matindi ang kaluluwa ko kanina kaya parang lumutang ako.” nakatawa ko nang sabi para maibsan ang pag aalala nilang lahat.

Lumapit sina Ms. Ysabel at Rianne sa gilid ng kama ko. “Sofia, what you did was very dangerous. Maaring pareho kayong napahamak ni Jave sa ginawa mo..” wika ng nakakatandang kapatid ni Jave. “Ganunpaman, nagpapasalamat pa rin ako. I have seen your sincere care for my brother at hindi ko matatawaran iyon.”

“Thank you so much for what you did Sofia..” dagdag ni Rianne.

Hindi ko naman ginawa para kay Rianne yun. Hindi ko yata matatanggap ang thank you nito. Napabuntong hininga ako. Ang ginawa kong kabaliwan kanina ay hindi para sa kahit na kanino. Para yun kay Jave, kahit siraulo ang Paniking iyon, siya nalang ang meron ako, kung mawawala siya, mag isa nalang ako sa mundo. At hindi ko hahayaang mangyari yun.

Dahil sa isiping iyon bumalik ang asar na nararamdaman ko sa kanya dahil sa ginawa niya. Kung kanina hinahanap siya ng mata ko ngayon parang biglang ayaw ko siyang makita. Halos patayin niya ako sa pag aalala kanina. Tapos literal na muntik na akong madurog!

Tumango lang ako nang magpaalam sa akin sina Ms. Ysabel at Rianne.

“Anong gusto mong kainin Sofia? Bibilhan kita..” alok ni Zirk. Ang bait niya talaga. Buti pa siya.

“Gusto ko ng spaghetti. Tsaka ng carbonara. Tsaka ng pancit canton. Tapos bihon…”

Tumawa silang lahat sa sagot ko. Lalo na si Ark. “Ano ka bibitayin?”

“Gutom ako eh!” simangot ko.

“Sige Sofi, masusunod.” sagot ni Zirk na may kasamang kindat. Napaingos ako dito. Alam ko style nito yun sa madaming babae.

Nang makaalis si Zirk, nilapitan ako ni Jiro. “Nasa labas si Jave, nahihiyang pumasok.”

Kumabog ang dibdib ko pero umirap ako. “Ayoko siyang makita. Wag mo siyang papasukin.”

“Kanina pa hindi mapakali yun. Inaaway na niya lahat ng doktor dito kasi ang bagal mong gumising, mas makakabuti sa kanya kung papapasukin mo na siya. Baka mauna pang maconfine sayo yun sige ka.”

“Hmp.” nakaingos pa rin ako. “Galit ako sa kanya. Pag naconfine siya ako maglalagay ng swero diretso sa utak niya! Pasalamat siya nanghihina ako, kundi gugulpihin ko siya! Paniki siya!”

Nagkibit balikat si Jiro, tapos ay lumabas ng pinto. Ang sabi nito ay naroon si Paniki. Bakit kailangan pa niyang magpaalam? Kung gusto niya akong makita at kung totoong nag aalala siya sakin dapat nasa tabi ko siya. Dapat siya ang unang nagtanong kung ok lang ba ako at kung gutom ba ako. Kaso wala siya. Nakakainis talaga ang Paniking yun kahit kelan! Wala man lang siyang pakialam sa akin. Baka nga nagalit pa siya dahil pinigilan ko ang pagpapakamatay niya.

Nang bumukas na muli ang pinto, si Paniki ang niluwa nun. Teka pumayag na ba akong papasukin siya?? Ang kapal talaga ng agiw sa pakpak nitong Paniki na ‘to!

“Alien, bakit hindi ako pwedeng pumasok ha??” asik niya kaagad at salubong ang mga kilay. Aba. Siya pa talaga masama loob.

“Dahil puti ang kwarto baka madumihan mo! Hindi to kweba, labas na!”

“Tsk. Hindi ako paniki. Abnormal ka ba?”

“Ikaw ang abnormal. Magpapakamatay ka lang hindi ka pa creative. Narealized mo bang ang pangit mo sa kabaong kapag namatay ka sa car accident? Tanga neto!”

Nasulyapan ko ang kamay niyang kumuyom sa asar. Wala akong pakialam kung walang kwenta mga sinasabi ko. Asar ako sa kanya, ayoko siyang patawarin kahit magsorry siya. Huminga ng malalim si Jave. Ibinaling ako ang tingin ko sa malayo. Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama ko at pihadong malapit ng sumabog, nagtitimpi lang.

“Kausapin mo ako ng matino, ano ba.”

“Tumino ka muna.” sagot ko na nakatingin pa rin sa malayo. Nakaramdama ko ng pananalit ng dibdib. Ang tinding emotional stress talaga ang binibigay sa akin ng bwesit na Paniking ito. Gusto ko na namang umiyak dahil sa ginawa niya kanina. Panu kung namatay siya doon? Panu nang gagawin ko? Panu na ko?

“Matino naman ako ah.” sagot ni Jave. “Isa pa, sino bang may sabing magpapakamatay ako kanina? Oo, mabilis ang takbo ko pero kaya ko naman yun.”

“Tss. Wala ka kayang balak tumigil…”

“Naasar lang kasi ako.”

Tumingin ako sa kanya. “Saan ka naman naasar, aber?”

Umilap ang tingin niya. “Wala.”

“Wala? Walang dahilan ang ginawa mo kanina? Pinag alala mo kaming lahat tapos sasabihin mo trip-trip mo lang? Muntik nang malaglag ang puso ko sa kaba. Muntik na akong macomatose, higit sa lahat muntik na akong mamatay, naintindihan mo ba yun? Sa susunod na magti-trip ka, I-inform mo kami ha?? Iinform mo ako dahil nag aalala ako ng sobra sayo! Sasapakin na kita sa baga! Makita mo!”

Napatitig siya sa akin ng matagal dahil sa sinabi ko. Namula ang pisngi ko sa hiya. “Lumayas ka sa harap ko.”

“S-sorry.”

Natigilan ako sa lumabas sa bibig ni Paniki. Sorry daw? Tama ba narinig ko? Takte. Patay na yata ako at langit na ‘to. Di kaya comatose pa rin ako hanggang ngayon at nananaginip lang ako. Never magsosorry ang isang Jave Santillan. Pumuti nalang lahat ng Paniki sa mundo.

“Hoy. So-sorry na.”

Ulit niya nang wala akong imik.

“Hindi na mauulit yun. Peksman. Mamatay man si Ark.”

Nakanguso pa siya habang sinasabi iyon. Mabuti nalang lumabas na pala ng kwarto sina Jiro at Ark kundi may violent reaction na naman yung isa. Gusto kong matawa na ewan. Galit pa rin talaga ako. Ayoko na nga siyang tingnan, lumalambot kasi ang puso ko kapag ganyang parang kawawa at pinagkaitang nilalang si Paniki. Hindi ko alam kung nag sosorry siya o nagpapacute.

“Alam mo hindi ka nakakatawa. At hindi ka na rin nakakatuwa. Lumabas ka na nga! Ayaw kitang makita.” Ang ginawa ko tumalikod ako sa kanya at nagtalukbong ng kumot. Mabuti na lang malinis at komportable ang hospital bed ng Westside.

“Oo na, lalabas na. May ibibigay lang sana ako.”

Hindi ako umimik. Nanatili akong nakatalukbong ng kumot. Kaya laking gulat ko ng pinasok ni Jave ang ulo niya sa loob ng kumot ko. Halos magdikit ang mukha namin dahil sa ginawa niya hindi ako nakagalaw.

Ngumiti siya. Yung pinakamatamis na ngiti habang pareho kaming sukob ng kumot. Hihilahin ko na sana ang kumot pero pinigilan niya ako. Pagbaling ko sa kanya may kagat na siyang maliit na hairpin na may na pink diamond rose bilang palamuti.

“Ano naman yan?”

Sumenyas siyang kunin ko yun sa bibig niya. Atubili kong kinuha yun..

“Regalo ko yan sayo, kasi ginalingan mo.”

Kumunot ang noo ko.

“Hindi sa pagharang sakin sa racetrack… sa despacito…ang galing ng Alien ko…” tapos ngumiti na naman siya.

Putspa! Yung puso ko kumakalembang! Ba’t ganito?? Hinila ko ulit ang kumot para makalabas kami. May powers yata ang kumot na patumblingin ang puso ko, walanghiya! HIndi na ako magkukumot kahit kelan!

She's The Bad Boy's PrincessUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum