Chapter 21

229K 6.9K 707
                                    

Tiningnan ko ang papel na inabot sa akin ng isa sa mga judges. The heck, I need to do both?? Yung ibang nauna sa akin isang talent lang ang ipinakita samantalang ako dalawa? I was only prepared to do acting, wala akong alam na dance steps, heck what do I do now?

Nangatog ang tuhod ko nang sabihin ng isang professor na unahin ko daw ang sayaw. Ako ang bahala kung anong klaseng sayaw, makipagcoordinate lang ako sa mga tutugtog. I'm doomed. I need the stage to swallow me now. Inumpisahan pa ni Zirk na sumigaw at mag cheer sa akin, kaya ang mga uto-uto niyang alipores nagsipaghiyawan na rin like I'm some kind of a superstar.

Wala akong dance move na maisip, nakakaasar talaga. And it's too late to back out now ngayong padami nang padami ang mga tao. I felt like everybody has their camera on waiting for me to make some grave mistake, If I did, in a second I'll be the most miserable joke of the town.

Pumainlanlang ang tunog ng kanta ni Britney Spears, Opps, I did it again...isn't it a little oldie? Pero everybody should know how to dance it. I can't move my darn feet, I'm sweating beyond normal and I feel like an idiot now...

Nang biglang tumigil ang togtog.

"Opps. I did it."

Napalingon lang lahat sa naputol na connection.

"I tripped on the cable, sorry."

That was Jave. Sorry daw pero ang lawak ng pagkakatawa. Syempre walang pumalag ni isa, kahit mga Professors ngumiti lang sa kanya.

"You. Get your pathetic ass down here." baling niya sa akin na nakakunot na ang noo. Napatingin ako sa paligid, hindi ko alam kung susundin ko siya o pababayaan nalang. Kung maka-utos siya sa akin para bang pag-aari niya ako. Pero sa kabilang banda, baka ito na ang pagkakataong hiningi ko sa langit para makatakas sa kahihiyan. "Hindi mo ba nakikita nasa audition ako?"

"I have been waiting for you in the car for exactly 30 minutes now. I was expecting you to see me at the parking right after your last class,wala kang sinabing pupunta ka dito."

His voice a little too high, nakakahiya kasi sa amin nakafocus ang atensyon ng lahat. Yumuko akong bahagya upang magpaalam, namumula ang pisngi ko, hindi niya ako dapat sermunan na parang boss ko siya sa harap ibang mga estudyante.

"I was trying to get in a club, ok? I was actually trying to blend in, what do you think you're doing ruining it?"

"Drama and dance club? Seriously?" ganti nito na umiikot pa ang mga mata. "Come on now."

"Sandali, magpapaalam lang ako."

Hinila ni Jave ang kamay ko, sabay kaming humarap sa mga judges na naroon. The cable has been fixed they're trying to call on the next applicant.

"Who's in charge?" maangas na tanong ni Jave, hindi man lang binigyang pansin na mga Professors ang kaharap niya. Napailing nalang ako.

Inangat ni Ms. Zandra Jimena ang kamay niya. "I am"

"She wanted to join your club, you know what to do now." sabi ni Jave dito. Nanlaki ang mga mata ko.

"Sure, Mr. Santillan, she's in."

Siniko ko si Jave sa ginawa niya. "Pero Ms. Jimena, I think I need to audition properly first.."

"No. The demon rex has spoken for you, I trust his judgment, alam kong talented ka nakikita ko sayo."

Kahit nakangiti si Ms. Jimena hindi ko magawang paniwalaan ang sinabi niya. She was all dragon and strict awhile ago, pumasok lang sa eksena si Jave nag mistula itong maamong kuting. Kailangan ko na sigurong masanay simula ngayon. Hindi ang mga tao sa paligid ang problema ko kundi si Jave mismo, kung gusto ko siyang patinuin kailangan sa kanya ako magumpisa. Hinayaan ko nalang na isulat ni Ms. Jimena ang pangalan ko sa mga qualified applicants.

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now