Chapter 34

223K 6.8K 446
                                    

“Sofia, wag ka sanang magagalit sa tanong ko ah…” bulong ni Kayla sa akin. Nasa bench kami sa labas lang ng classroom naghihintay ng next class.

“Ano yun?”

“Nakita ko kasing hinila ka ni Jave kahapon, tapos magkasabay kayong lumabas ng school, ganoon ba talaga kayo ka close? Tapos hindi siya nagagalit kahit sinisigawan mo siya..”

“Alam mo kasi Kayla sa totoo lang, hindi naman talaga masama ang ugali ni Jave. He might have a very hard exterior pero kapag napasok mo na yun, malalaman mong malambot ang puso niya sa loob.” nakangiti kong sagot sa kanya.

“Magka-schoolmate kami si Jave simula kindergarten. Ahead siya sa akin ng isang taon, una ko siyang nakita binato niya ng pencil case ang kaklase niya sa loob mismo ng classroom. Tahimik kasi si Jave simula pa noon, kaya kapag may gumugulo sa katahimikan niya, nagagalit siya at nananakit. Simula noon, natakot na ako sa kanya.”

Sabagay, may ganoong ugali nga naman talaga si Jave, simula pala pagkabata nakadikit na dito ang masamang asal.

“Walang lumalaban kay Jave, siguro dahil hindi nila alam kung paano siya tatalunin, magaling kasi sa lahat ng uri ng basag ulo yun eh. Isang beses lang may nagtangkang lumaban sa kanya. Senior high school siya noon, taga kabilang University na dito sa Westside nag aaral dati, si Xymon. Nagpapasok si Xymon ng malalaking lalaki sa school at pinagtulungan nila si Jave. Nabogbog si Jave noon pero muntik na niyang mapatay ang isa sa matalik na kaibigan ni Xymon na si Ric. Nakick out sa school ang buong tropa ni Xymon at nakulong naman ang mga taga labas na inupahan nito. Simula noon wala nang nagtangkang lumaban kay Jave.”

Napabuntong hininga ako. Naalala ko ang grupo ng mga estudyanteng dumaan sa harap ng Uiversity kahapon. Matalim ang naging titig nila kay Jave…lalo na sa akin. Posible kayang yun si Xymon?

“Tungkol nga pala sa project mo Sofia, parang may kilala na akong tao na pwedeng maglapit sayo sa Prince #1 si Jandrix Alexis DiMarco.” nilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. “’Yung uncle ko kasi kasali sa isang elite underground syndicate dito sa Pilipinas. Once in a year, bumibisita sa mga illegal black market auctions na ginaganap dito sa bansa ang prince number 1. At malakas ang kutob niyang dadalo si Jandrix sa susunod na malaking event.”

“Di ba respetadong businessman si Mr. DiMarco?”

“Respetadong businessman-slash-high profiled criminal..” bulong pa ni Kayla. “ Sasama tayo sa uncle ko. It will be very exciting Sofia, makikita mo doon ang iba’t ibang nakaw na items sa pinoprotektahan ng gobyerno, mga paintings, alahas, pati na mga illegal na gamot na hindi ibinebenta sa merkado.”

Kinabahan ako sa naisip niya. “Kung illegal ang auction na iyon, malamang mga mayayamang kriminal ang nandoon, hindi ka ba natatakot?”

“Hindi mo ba naisip na pwede mong makaharap si Jandrix DiMarco doon? Maisasampal mo sa mukha ni Ms. Coral pati na ng maldita nating mga kaklase na nagawa mo ang pinakamahirap na project sa lahat.Uunahin mo pa bang isipin ang takot?”
  
Sabagay, hindi siya duwag. The offer was very tempting. Panu kaya ito?

Sabay kaming napatingin sa grupo ng mga estudyanteng dumaan sa harap namin. Napalunok ako dahil nakita ko na naman ang lalaking tumingin ng masama sa akin kahapon. Papunta sila sa basketball court ng school.

“Si Xymon yan ah!” napatayo pa si Kayla. Na-lift na ba ang pagkaka-ban sa kanya sa school na ‘to?”

Tama nga ang hinala ko. Siya nga si Xymon.Tinitigan ko ito ng mabuti. Napakayabang ng dating nito, nasa gitna ito ng grupo , halatang-halata na ito ang kinikilalang leader. Medyo kinabahan ako ng tumingin ito sa gawi ko at naningkit ang mga mata sa akin. Tumitig rin ito sa akin bago nagpakawala ng makahulugang ngisi. Tapos kumindat na para bang may masamang binabalak sa akin.

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now