Chapter 9

233K 6.9K 286
                                    


Dumiretso kami ni Jave sa pinakamalapit na department store, hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin dito sa mga oras na dapat ay nasa paaralan siya. Panay ang tingala ko sa paligid, mahirap mang aminin, pero kahit naman palagi kong nakikita sa TV at nababasa sa mga magazines ang mga kasosyalang ito sa loob ng mall, hindi ko pa rin talaga mapigilan ang mapanganga.

Panay ang ikot ng ulo ko sa paligid, napakalawak pala talaga ng mall sa totoong buhay. Napakalinis sa loob, kumikintab ang sahig kahit na ang dami ng taong pumapasok. Ang gaganda ng mga decorations ng bawat stalls, ang bango din. Medyo kinabahan pa nga ako nang umapak ako sa escalator. Hindi ito ang first time ko pero syempre, hindi ako sanay. Wala naman nito sa bundok eh.

"Bilisan mo!"

Sigaw ni Jave na medyo nakakalayo na ng ilang metro sa'kin. Ayan na naman po siya, ubos na naman po ang pasensya niya. Abala kasi ang mga mata ko sa paggala sa paligid kaya hindi ko na nasasabayan ang lakad niya. Nang hindi ako tumugon, asar siyang bumalik sa akin. Hinawakan ako sa kamay at hinila papunta sa kung saan niya gustong puntahan.

"Ang bagal mo!" Asik pa niya sa'kin. Inangilan ko lang siya. Napakasungit ng lalaking ito. Siya na nga 'tong sinasamahan.

Dinala niya ako sa isang mamahaling boutique sa loob ng mall. Magaganda ang mga damit na nakadisplay, mukhang mamahalin lahat ng mga dress, mga pants at mga damit pambabaeng nakasabit sa paligid. Ang aayos tingnan ng mga unipormadong babae sa paligid. Para silang saleslady ng mga foreign films na napapanood ko.

"Good morning Mr. Santillan, how may I help you?" Salubong sa amin ng isang babaeng iba ang uniporme kumpara sa karaniwang saleslady. Napagtanto kong ito yata ang manager sa loob ng store. Maganda ang pagkakangiti nito kay Jave pero matabang ang tinging pinukol sa akin.

"Ano sa tingin mo dito?" tanong niya sa akin.

Napamaang ako, tiningnan ko muna ang paligid, sumulyap din akong muli sa mukha ng babaeng nasa harapan ko. "M-maganda naman dito.." mahina kong komento, halos ibulong ko iyon sa kanya.

"Show her all your most beautiful and expensive items here. Pronto." utos ni Jave.

Humaba ang nguso ko. "Bakit ako? Bakit sa'kin?"

"Mukha bang may alam ako sa pagpili ng damit-pambabae?!"

Kung makasinghal 'to parang walang ibang taong nakakarinig. Pinagtinginan tuloy ako. Gusto ko sanang itanong sa kanya kung anong klaseng damit ang pipiliin ko, kaso bago ko pa nagawa 'yon, naka-escort na sa kanya ang dalawang saleslady, sinamahan siya sa magandang sofa na nasa loob ng store.

Sabagay, ano pa nga ba ang ginagawa namin dito? Syempre nagpapalakas si Paniki sa crush niyang diyosa ng kagandahan kaya siguro gusto niyang ibili ng mga damit. Iginiya pa ako ng kasama kong manager na may pangalang Jean na nakalagay sa nameplate nito. Pinakita niya sa'kin ang hilira ng naggagandahang mga dress na may iba't ibang style at kulay. Iba't iba din ang haba, at iba't iba ang nipis ng tela.

Inabot ko ang kulay puting off shoulder dress na para sa akin ay pinakamaganda sa mata. Malambot ang tela nito at tamang-tama lang ang haba nito na umabot sa gitna ng hita ko. Syempre, bilang laki sa hirap, price tag muna ang tiningnan ko.

Bagay na sana hindi ko na ginawa. Napalunok ako, pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko. Seryoso ba talaga sila sa presyo ng damit na 'to? Aba'y dalawang buwan ko nang allowance sa school 'to noon ah! Para lamang sa kapirasong tela na Oo nga't maganda pero manipis naman at madaling mapunit!

"You can get anything you want. VIP si Sir Jave sa store na ito ibibigay namin lahat ng magugustuhan mo. If you need alteration, we can arrange that too. Gusto mo bang isukat ang damit na iyan?" tanong sa ni Manager Jean.

She's The Bad Boy's Princessحيث تعيش القصص. اكتشف الآن