Chapter 39

213K 7.4K 596
                                    


Dahil hindi ako sumamang mag-lunch kay Jave, andito siya ngayon nangungulit. Oras ng praktis ko, lahat ng mga kasama ko hindi makapagconcentrate dahil nakamasid siya kasama ng mga kaibigan niyang sina Jiro at Ark. Ni hindi makakilos ng maayos kahit ang leader naming si Robie. Palagi itong masungit kapag nagtuturo ng sayaw pero ngayon parang maamong tuta ni hindi ako magawang pagalitan kahit na ilang beses na akong nagkakamali.

Pati ang professor naming si Ms. Zandra, ingat na ingat sa pagsasalita. Para silang mga robot na malapit nang mawalan ng battery. Paano pa ako makakapag-practice ng maayos niyan? Sumulyap ako kay Jave, nakasandal lang siya malapit sa pinto habang nakasoksok ang dalawang kamay sa bulsa. Nang magtama ang paningin namin ngumiti siya ng ubod ng tamis. Yung nakakapanghina ng tuhod. Mas lalo akong nawalan ng lakas magpractice.

Hay. Suko na ako.

Nagpaalam ako sa mga kasama ko, pati na kay Zirk. Paglabas ko ng theatre nakasunod pa rin sakin ang tatlo. Kaya naman milya-milya ang layo ng mga estudyanteng nakakasalubong ko.

"Wag mo nga akong sundan!" binalingan ko si Jave na nasa likuran ko lang. Pati sina Jiro at Ark nadamay na sa inis ko pati sila tiningnan ko na ng masama.

"Bakit ba ang sungit mo? Kasi nabisto kitang may gusto ka nga kay Alcantara? Para yun lang! Normal lang naman sa babae ang magkagusto sa lalaki ah, buti nga alam ko na ngayon na hindi ka abnormal."

Napaka-clueless talaga ng Paniking 'to! Ang sarap niyang saktan ng pinong-pino. Kay Zirk pa daw ako may gusto ngayon? Bahala siya, isipin niya kung anong gusto niyang isipin. Total wala naman mababago umamin man ako sa kanya o hindi. In the first place kasalanan ko to, hindi ako dapat na mainlove sa kanya. Dahil bukod sa may nagmamay-ari na sa puso niya, hindi pa ako bagay sa kanya. Sino ba naman ako kumpara sa isang Jave Santillan na tagapagmana ng isang napakalaking kompanya balang-araw. Destiny niyang maging boss, ang destiny ko? Baka destiny kong maging utusan sa office balang-araw.

Kaya ang pinakamabuti kong gawin ay ang umiwas sa kanya at patayin anumang paghangang nararamdaman ko. Kagaya ng sakit na naramdaman ko nang mawala ang Lola ko, lilipas lang din ito.

"Assuming ka kasi masyado. Sinabi ko na sayo na babaero yang si Alcantara. Di ba Jiro?" dinamay pa nito si Jiro na nakatotok ang atensyon sa cellphone habang naglalakad. "Hoy sagot!"

"Oo nalang." sagot ni Jiro.

"Di ba Ark?"

"Ewan ko sayo." sagot ni Ark.

Tiningnan ni Jave ng masama ang dalawa. "Gusto niyong mamatay?"






Nasa loob na kami ng canteen di pa rin paawat si Paniki. "Alam mo Alien, normal lang yan. Dumarating talaga kayong mga pangit sa puntong magkakagusto kayo sa taong hindi naman kayo gusto. Tanggapin mo nalang yun, kasi wala ka namang magagawa eh." pinipilit pang maglecture ni Paniki ng tungkol sa pagibig. Halata namang trying hard at walang kaalam-alam. Walang kwenta ang mga pinagsasabi niya hindi niya ba nahahalata yun?

"Tsk. Tumahimik ka na Jave, hindi ka nakakatulong. Hindi pangit si Sofia, tingin ko nga may gusto si Zirk sa kanya." binara siya ni Jiro.

"Oo nga. Di ba nung nakaraan hinarana ka niya, Sofia? Nanliligaw siya sayo di ba? Kung may gusto naman pala kayo sa isa't isa anong problema mo?" dagdag na tanong pa ni Ark.

"Teka sandali. Anong may gusto sa isa't isa? Wag kayong magulo! Walang gusto sa kanya si Alcantara, wag niyong paasahin yung Alien!"

Nakakapikon na talaga si Jave. Kumuyom na ang mga kamay ko.

"Alien. Makinig ka sakin. Kalimutan mo na si Alcantara. Masasaktan ka lang, naintindihan mo?"

Gusto ko siyang sigawan at sapakin pero wala na akong energy na gawin pa iyon kaya sa halip na magprotesta sa mga sinasabi niya tumango nalang ako ng mahina. "Oo na alam ko na. Pangit ako, mahirap ako, walang akong karapatang gustuhin ang taong gustong-gusto ko ngayon. Di mo kailangang ipagdiinan sa mukha ko yun Jave. Naiintindihan ko naman." mabigat sa loob ang bawat bitaw ko ng linya. Tumingin silang tatlo sa akin sa malamlam na mga mata na para bang awang-awa sa sitwasyon ko.

Bumuntong-hininga si Jave. "Tama na yan. Kumain ka nalang, anong gusto mo?" tanong ni Jave pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan.

Umiling ako. "Sabi ko sayo ayokong kumain."

"Kakain ka ng kusa o susubuan pa kita??"

"Ano ba Jave, tama na! Hindi na ako bata! Kakain ako kung gusto ko!" gusto kong patayin ang namumuong feelings ko para kay Jave, gusto kong maagapan bago pa lumala. Walang patutunguhan ang pagkakagustong nararamdaman ko para sa kanya. Just like the old song, langit siya lupa ako. Kahit magkasama kami sa iisang bahay, kahit na abot kamay ko siya, ang layo pa rin ng agwat naming dalawa. Tapos may iba pa siyang mahal.

"Ang tigas ng ulo mo. Kelan ka ba huling kumain?"

"Wag ka nang makialam! Subukan mo pa akong pilitin, hindi na ako uuwi sa bahay mo." matigas kong sagot.

Dumilim ang anyo ni Jave. Biglang nakakatakot ang pagkalukot ng mukha niya sa sinabi ko. "Anong sinabi mo? Ulitin mo nga!" sigaw niya.

"Aalis na ako sa bahay mo. Ayoko nang pinakikialaman mo ako."

"Ha! Saan nanggagaling ang lahat ng ito Sofia? Bipolar ka ba? May tama ka ba talaga sa utak?" Sunod-sunod ang sigaw niya. Padabog niyang hinagis sa ibabaw ng mesa ang tinidor na hawak, kumalansing iyon ng malakas kaya nagtinginan ang mga estudyante sa paligid. "Pinagbibigyan naman kita sa lahat ng gusto mo ah! Nabisto ka lang diyan sa puppy love mo, nagkakaganyan ka na? Siraulo ka ba?!"

"Jave, you're making a scene.." bulong ni Jiro.

"Babalik na ako sa practice ko." tumayo ako pero hinila niya ang braso ko parang matatanggal ang kamay ko sa lakas niyon, napaupo ulit ako.

"Kinakausap kita wag mo akong talikuran! Anong problema mo sabihin mo na habang nakikiusap pa ako."

"Fine." humugot ako ng malalim na buntong hininga. Alam kong makakarating kay Zirk 'to. Mag eexplain nalang ako sa kanya. "Di ba tinatanong ni Zirk kung saan ako nakatira? Ayokong magisip siya ng masama--"

"Kaya aalis ka ng bahay?"

Gustong tumulo ng luha ko. Hindi ko rin alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob ko na bigla nalang hamunin si Jave na aalis ako ng bahay niya. Alam ko namang wala akong mapupuntahan.

"Bakit? Kailangan mo ba ako? Di ba hindi naman?" asik ko sa kanya.

Kumuyom ang kamay ni Jave at namula sa tindi ng galit. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang ang reaksyon niya. Mas lalo akong nahintakutan nang hilahin niya ang kwelyo ng damit ko kagaya ng ginagawa niya sa mga binu-bully niya.

"Pinag-iinit mo talaga ang ulo ko. Ikaw ang kauna-unahang babaeng inalagaan ko at pinrotektahan, tapos iiwanan mo ako ng ganun-ganun nalang? Hindi ka aalis ng bahay. Kapag ginawa mo yun, humanda ka. Hindi kita patatahimikin dito sa school. Mabait akong kaibigan pero masama akong kaaway!"

"Jave tama na yan.." ani Ark.

"Jave, bitiwan mo si Sofia." madiing sabi ni Jiro.

Iniwanan niya ako ng masamang tingin bago umalis. Parang matatanggal ang puso ko sa kaba. Nakakatakot siya. Sobra.

"Sofia, ok ka lang? Nasaktan ka ba?" tanong ni Jiro.

Umiling ako. Natakot lang ako pero hindi naman niya ako sinaktan.

"Ako na ang humihingi ng despensa. Pasensya ka na. Nagulat lang yun.....at natakot. Natakot siyang iwan mo siya kaya siya nagreact ng ganun. Ganun lang si Jave pero hindi ka niya sasaktan." ani Jiro.

"Hindi pa rin siya nagbabago. Ganun ang paraan niya ng pagsasabi na ayaw ka niyang umalis sa bahay niya, imbes na makiusap nananakot siya. Akala niya madadaan niya sa sindak ang lahat. Immature pa rin si Jave hanggang ngayon." dagdag pa ni Ark na sa unang beses ay nakita kong sumeryoso.

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now