Chapter 52

235K 8.2K 1.6K
                                    


Kagaya ng inaasahan ng lahat. Nang pumasok si Jave sa social hall ng Westside at sa kauna-unahang pagkakataon ay mag-take ng exam. He ranked number one out of all the students in Westside University across all levels and departments. Mas lalong tumindi ang takot at paghanga ng mga estudyante sa kanya.

Nabasa ko ang lahat ng iyon sa website ng Westside. Nakakaproud talaga siya. The best siya sa kahit na anong gawin niya. Sa unang pagkakataon din pumayag siyang magpakuha ng litrato kaya naman pinakatitigan ko iyon. Ilang oras ko nang paulit-ulit na binabasa ang mga article na naglabasan tungkol sa kanya, pati na rin ang mga kilig na kilig na comments ng mga babae. Buti pa sila, nakikita nila si Jave sa school, samantalang ako hanggang ngayon nakakulong dito sa hospital. Ayaw pa akong payagan ng doctor ko dahil baka daw mabinat pa ako. Gusto kong lumabas. Gusto kong makita si Jave dahil miss na miss ko na siya, pero wala akong magawa.

"Jiro. Hindi ba nagsabi sayo si Jave kung dadaan siya dito ngayon?"

Tuwing hapon pagkatapos ng klase si Jiro ang nagbabantay sa akin. Minsan si Ark. Dumalaw na rin ulit dito si Zirk. Pero si Jave, magtatatlong araw nang hindi pumupunta. Ang sabi naman ni Jiro ok naman daw siya. Medyo busy daw at naglalagi sa Santillan Building dahil nagpi-prepare sa pagpunta niya sa Korea. Hindi ko maintindihan, kasama ba sa preparation na yun ang hindi man lang ako silipin? Galit ba siya sakin?

Nadedepress ako kakaisip ng sagot kung nagalit siya sa akin dahil ang bilis ko siyang hinusgahan. Natakot ako. Normal lang naman na maging reaksyon yun base sa mga narinig ko. Pero pagkatapos ng takot, naroon na ulit ang katotohanang kahit na anong mangyari, kahit na ano pang kasamaan ang ginawa niya noon, mahal ko pa rin siya. At natutuwa akong malaman na isa ako sa malaking dahilan ng unti-unti niyang pagbabago ngayon.

"Hindi daw pupunta eh..." mahinang sagot ni Jiro. "Wag mo nalang munang intindihin yun. Magpagaling ka. Kumain ka ng maigi. Magagawa mo na lahat ng gusto mo kapag pinayagan ka na ng doctor na umuwi."

Nalungkot ako. "Kelan pa yun eh aalis na si Jave bukas..."

"Tatapusin niya yun ng dalawang araw lang wag kang magalala babalik naman siya kaagad."

"Hindi niya man lang ba ako bibisitahin bago siya umalis? Nagttxt ako sa kanya hindi siya sumasagot.."

"Tinawagan mo ba?" tanong pa ni Jiro.

"Oo. Hindi niya rin sinasagot..." Ayoko nang umiyak. Ayoko na talaga. Mas lalo akong manghihina mas lalo akong hindi papayagan ng doctor na lumabas. Pero ano ngang gagawin ko? Gusto kong makita si Jave.

"Ano ba naman ang nangyayari sa inyong dalawa?" umiiling na komento ni Jiro. "Gusto mo bang tumakas dito?"

"Talaga???" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Si Jiro ang tipo ng taong masunurin sa mga rules pero tutulungan niya ako ngayon. Na-excite ako bigla. "Magagawa ba natin yun?"

"Alam ko kung paano." nakangiting tugon ni Jiro. "Maghahanap ako ng pwedeng pumalit sayo dito. Madaming camerang nakabantay, hindi ka makakaalis nang walang nagpapanggap na ikaw.."

Kaagad akong nagtungo sa banyo para maligo. Mabilis ang mga galaw ko, hindi ko na ininda ang pagkirot ng sugat ko. Kailangan kong makauwi at makita si Jave. Kung nasaktan ko ang damdamin niya kaya siya nagkakaganito, ako na ang magso-sorry. Hindi ko kayang may tampo kami sa isa't isa.

Nagaayos na ako ng buhok ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Halos mapatalon ako nang makita kong message mula kay Jave yun. Sa isanlibong txt na pinadala ko sa kanya, ngayon lang siya nagreply, at isa lang.

Jave: Don't think of doing anything ridiculous right now, Sofia.

Napanganga ako. Alam niya? Paano? Napatingin ako sa isa sa mga CCTV. Isa lang ang naisip kong dahilan, may access si Jave sa mga camera ng hospital na ito.

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now