Chapter 58

212K 6.7K 1.2K
                                    


"Basted ka??"ang lakas ng tawa ni Ark.

"Gusto mong sungalngalin ko ng isang kilong pako yang bunganga mo? Hayoooopppp!!!" sigaw ko kay Ark. Nakakapikon ang baliw na 'to! "Hindi niya ako binasted. Hindi niya ako sinagot, ok?"

"Hindi sinagot? Di ba basted ang tawag dun?" nakakunot noo si Jiro. Sa inis ko inagaw ko ang librong hawak niya at itinapon iyon ng sobrang layo. Maang lang siyang napatingin sa lumipad na libro. Tsk. Nakakainis na Alien na yun. Ano bang ayaw niya sakin? Gwapo naman ako. May abs naman ako. Matalino. Mabait. Mabait? Hayss. Mas iniisip pa niya ang iisipin ng ibang tao kesa sa nararamdaman ko? Ni hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi. Nakalimutan ko rin na kumain, pag ako pumayat magkakasakit ako, pag nagkasakit ako maoospital ako. Tapos baka magkamali ng turok ng gamot ang doctor tapos mamatay ako. "Ikamamatay ko 'to Jiro, Ark!"

Sabay silang tumawa. Ang sasama. Sa pagkakataong 'to napapaisip ako kung mga kaibigan ko ba talaga sila o nagkamali ako ng pagpili. Mga traydor. Mas mahal na nila si Sofia kesa sakin. Alam ko naman yun eh. Kaya lang nakakainis na hindi man lang nila itago.

"Alam mo Jave, tigilan mo na yang drama mo dahil hindi bagay sayo. Mukha kang tanga. Ano ba ang sabi ni Sofia sayo?" tanong ni Jiro.

"Wala nga siyang sinabi." sagot ko. "Well, actually mahaba. Kesyo hindi daw kami bagay, at hanggang magkaibigan lang ang pwede sa'min."

"May point naman siya. Paano mo nga ihaharap si Sofia sa ate mo..at sa Papa mo kapag nagkataon na sinagot ka nga niya?" seryosong tanong ni Jiro.

"Hindi problema yun. Hindi ko siya ihaharap. Hindi ko naman kailangan ng approval nila. Wala akong pakialam sa sasabihin nila."

"Eh panu si Sofia, alam mo naman ang takbo ng utak nun. Hindi yun papayag na magrebelde ka na naman lalo na at siya ang dahilan."

Napabuntong-hininga ako. "Rebelde na ako bago pa siya dumating sa buhay ko. Ang hirap kasi sa kanya masyado siyang mabait."

"Masyado siyang mabait, o hindi ka lang talaga niya gusto." singit ni Ark.

"Isa pa Ark, sesementuhin ko yang dila mo!"

"Baka si Zirk talaga ang gusto niya? Tingin mo?" sagot pa ni Ark.

"Tingin ko mapapatay na kita!" kumuyom ang kamao ko. Naglapat ang mga labi ko sa asar. Nang magsimulang tumakbo si Ark, hinabol ko talaga. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nasasaktan ang ungas na ito. Anong may gusto si Sofia kay Zirk? Hindi pwede! Binilisan ko pa ang takbo para maabutan ko.

Hindi ko inasahan ang biglang pagharang ng isang babae sa harapan ko. Sa bilis ng takbo ko nabangga ko siya at magkayakap kaming gumulong ng ilang ikot sa lupa.

"Pwee!" nakakain pa yata ako ng alikabok. Hinabol ko ang paghinga ko, nahihirapan ako dahil sa babaeng nakadagan sa akin. Ilang mga estudyante sa paligid ang kumuha ng litrato na mas lalong kinairita ko. "Get off me!" hihilahin ko na sana siya para makatayo ako nang mamukhaan ko ang babae.

"Bella?"

"Nice meeting you again. Jave Santillan." matamis ang ngiti niya sa akin na tila hindi iniintindi na nakadikit ang buong katawan niya sa akin ngayon. "Nakakatuwa. Naalala mo pa ang pangalan ko."

Umikot ang mga mata ko. Hinila ko ang braso niya para makaalis na sa pagkakadagan sa akin at makatayo na ako.

"Aray!"daing niya habang nagpupunas ng alikabok sa katawan.

"Panu mo nalaman ang pangalan ko?"

"Panung hindi kung ikaw ang pinakasikat na estudyante sa school na ito ha.... Demon Rex?"

"Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nun? Ibig sabihin, wag mo akong kausapin kung ayaw mong masaktan. Alis na!"

Ngiti ang isinukli niya sa akin. May sayad ba tong babaeng ito? Hays. Wala akong panahon na alamin ang mental condition nito. "Tabi!" Kinabig ko siya para makadaan ako.

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now