Chapter 62

223K 7.8K 2.1K
                                    

Hingal na hingal na ako. Gusto ko na talagang bitawan ang raketang hawak ko. Sa unang game isang beses lang ako umiskor. Ngayon sa pangalawa, nakakadalawang puntos na si Bella, nananatiling zero ang score ko. Masakit na rin masyado ang balikat ko. Alam kong wala akong laban sa kanya, pero kung matatalo ako sa kanya gusto kong gawin ang lahat ng makakaya ko para wala akong pagsisihan sa sarili ko pagkatapos. Ayokong maging pushover nalang sa lahat ng mga pagpapahirap niya. Masaya sa pakiramdam na makitang bumusangot ang mukha niya kanina nang makascore ako. Hindi dapat ako pumuntos ni isa kaya isang malaking sampal na sa kanya yun. Gusto kong maulit ang mukhang yun kaya kailangan kong pumuntos ulit sa second game na ito.

Nang magkagulo ang mga estudyante, saglit na napatigil sa pagserve ng bola si Bella. Tumingin ako sa gawing pinagtitinginan ng lahat. Nanlaki ang mga mata ko.

Si Jave!

Sa likuran niya sina Ark at Jiro. Ugh. Anong ginagawa nila dito? Napakagat ako sa labi ko nang magtama ang tingin namin ni Jave. Nakakunot ang noo niya at parang sinisigawan ako sa isip. Inasahan kong ititigil niya ang laro, pero hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Tumayo lang siya doon at nanatiling madilim ang anyo.

"Oh. The Demon Rex is finally here. Sumasaya talaga ang araw ko kapag nakikita kita Jave.." dinig ko ang malakas na sigaw ni Bella sa gawi ni Jave. Naningkit ang mga mata ko. Ang kapal ng mukhang ipagsigawan ang interes niya kay Jave sa harap ng maraming tao? Mas lalo akong nainis nang sumangayon sa kanya ang halos lahat ng mga estudyante sa paligid at sinasabing bagay silang dalawa. Tapos si Jave ay nakatutok din ang tingin kay Bella. Napahawak ako ng mahigpit sa raketa. Naiinis akong tinitingnan niya ngayon si Bella.

Nagfocus ako sa bola. Akin ang serve na ito, ako ang mananalo. Nang pawalan ni Bella ang bola, tumakbo ako para ibalik yun sa kanya. Hindi siya nagpatalo muli niyang pinalo papunta sa akin iyon. Halatang nagpapakitang gilas kay Jave. Plano siguro talaga ng impaktang ito na makita ni Jave na mas lamang siya sa akin sa lahat ng bagay. Pwes, mahihirapan siya. Naging mas maalab ang mga palo ko. Naging mas mabilis ang mata, paa at kamay ko.

Ngunit. May mga bagay talaga na kahit anong pilit. Hindi talaga kaya. Sa huli puntos pa rin ni Bella. Isang score nalang niya talo na naman ako. Huling chance ko na ito na makascore. Tumingin ako kay Jave, nakatotok ang tingin niya sa pagtalbog ng bolang iseserve ni Bella. Mas lalo kong pinagbutihan ang paghampas sa bola. Kinalimutan ko ang sakit ng sugat ko, mamaya ko nalang titiisin lahat ng parusang ibibigay sa akin ng katawan ko, pero ngayon, kailangan kong pumuntos.

Pero nanghina ng tuluyan ang katawan ko nang mabilis na hampasin ni Bella ang bola patungo sa direksyong imposible kong maabot. That was her 4th score for this game. Talo na ako. Nagpalakpakan ng mas malakas ang mga tao sa kanya.

Lumapit si Bella sa net. "Third game tayo. Ginaganahan ako. Nakita ni Jave yun. I'm so glad he's here!" pangaasar pa nito. Nanlisik ang mga mata ko gusto ko siyang palunukin ng bola ng tennis sa nakakalokong tawa niya.

"Ayoko na. Pagod na ako." matabang kong sagot sa kanya na may masamang titig..

"So akin na si Jave...?"

Gusto ko siyang sugurin ng kamao. Hindi ko alam pero nakakapikon talaga siya.

Tumawas siya sa reaksyon ko. "Just kidding. What I mean is the wallpaper. Ako na ang gagamit ng wallpaper mo at buburahin mo na yun sa phone mo."

"Anong wallpaper?" hindi ko namalayan ang paglapit ni Jave sa akin.

"Just a silly girly thing Jave--" sagot ni Bella.

"Hindi mo kokopyahin ang wallpaper na yun. Ginawa ko yun para sa kanya."

"The more I like it! She lost the game. It's mine now." taas noong sagot ni Bella.

"Subukan mo babasagin ko sa harap mo ang cellphone mo!"

"Ok lang. Marami akong cellphone."

"Masipag akong magbasag.... hindi lang ng cellphone kundi pati nang mukha."

Hindi na nakaimik si Bella. Lalo't mapula na sa asar ang mukha ni Jave at nakakuyom na rin ang kamao nito. Napalunok si Bella tapos ay dumistansya. Kahit ako natakot sa nanlilisik na mga mata ni Jave. Bihira ko siyang makitang ganito kadilim ang aura kaya kahit ako ay natameme. Hindi ako makaimik sa kinatatayuan ko. Nanigas ang tuhod ko nang bumaling ang tingin niya sa akin.

"Sumunod ka sakin." madiing sabi ni Jave na nagpakaba ng matindi sa dibdib ko.




Kuyom ang kamay ko pati mga daliri ko sa paa nang mapagsolo kami ni Jave. Masama ang titig niya sa akin, kaya alam kong hindi ko kailangang magsalita.

"Alam mo ba kung ako ang ginagawa mo? Pinapatay mo ang sarili mo. Tama ng bala yang sugat mo, hindi yan simpleng gasgas lang. Pag pinabayaan mo yan, pag nabinat ka, ikamamatay mo yan!" sigaw niya.

Napapikit ako at napatagilid ng mukha sa lakas ng sigaw na yun. Alam kong galit na galit siya base sa panginginig ng kamay niya. Gusto kong magsalita pero nanuyo na ang lalamunan ko sa kaba.

"Ang tigas ng ulo mo. Ilang beses na kitang sinabihan, hindi ka nakikinig ang sarap ihampas sa pader niyang bungo mo!" napaiktad ako nang suntukin niya ng malakas ang pader.

"Sorry na!" nanginginig ang labi ko.

"Sorry?Panu kung lumala yang sugat mo? Panu ha? Nag iisip ka ba?" napatingin ako sa kamao niyang may namumuo ng dugo. "Pinapasakit mo ang ulo ko. Pinupuyat mo ako. Pinapagod mo ako. Pinapakaba mo ako. Ginugutom mo ako. Dapat kumakain ako ngayon eh! Patayin mo nalang kaya ako?"

"Hindi naman eh." bulong ko. "K-Kumain na tayo.....?" kagatlabi kong yaya na may kasamang ngiti. Baka sakaling gumaan ang pakiramdam niya.

"Umuwi tayo ng maaga mamaya ah. Alas kwatro nasa parking ka na. Pag wala ka pa kakaladkarin kita papunta doon. Maliwanag?"

Tumango ako.

"Mababaliw ako sayo." asik pa niya bago umalis.

Saka ako nakahinga ng maayos. Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang namatay ako ng ilang minuto doon.


Kasabay kong naglunch sina Jiro at Ark, pero si Jave hindi ko na nakita pagkatapos niya akong sermonan. Laylay ang balikat ko nang bumalik sa classroom. Sigurado akong disappointed siya sa akin at yun ang ikinalulungkot ko ng sobra. Naabutan ko si Bella na nakapangalumbaba, nakangiti na parang nananaginip ng gising. Wala akong imik na naupo sa tabi niya, at napakuyom nang muli na naman niya akong kausapin. Ayoko talagang kinakausap niya ako! Ugh!

"That was really an interesting game! I enjoyed it sooo muchhhh, thank you Sofia. Nawawala ang boredom ko dahil sayo." nakatawang sabi niya. Kung umasta siya ngayon parang magbestfriend kami at hindi ako nasigawan ni Jave ng dahil sa kanya. "Pero alam mo, ang mas lalong nagpaexcite sa akin? Yung mga reaksyon ni Jave kapag nagagalit siya. He's so handsome like pure mortal sin. He is so evil, so nasty yet so charming like hell. He's devilish but he's so good at it! It makes me wanna take off my panties for him! Ngayon lang ako nakakita ng isang kagaya niyang mas lalong gumagwapo kapag nagagalit. He's perfect for me."

Impaktita. Nananaginip ng dilat ang mata.

"I'm sorry he's taken." biglang sagot ko dahil sa asar ko sa kanya.

"Excuse me. Wala siyang girlfriend!"

Ngumisi ako ng pang-kontrabida sa kanya. "Well then nice to meet you Bella, My name is Sofia, and I'm Jave's girlfriend." inilahad ko ang kamay ko sa kanya like a pure royal blooded maldita. Punong-puno na ako sa mga pakulo niya, kung gusto niya ng giyera, madugong giyera ang ibibigay ko sa kanya!

I realized my mistake when almost all of my male and female classmates swarmed around us. "Kayo na ni Jave??"

Like hell, yes.

I'm.so.dead.

She's The Bad Boy's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon