Chapter 33

228K 6.9K 662
                                    


Nababaliw na talaga ako. Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko at imbes na sumama ako kay Zirk sa komportable nitong kotse, nandito ako naglalakad sa walang katapusang daan na ito kasama ni Paniki. Nasa likuran niya ako, hindi man lang mag abalang bagalan ang paglalakad niya para makasabay ako. Nakatitig ako sa likod ng ulo niya, kung may laser ang mga mata ko malamang patay na ang Paniking ito. Ano na naman kayang ginawa niya sa motor niya? Maayos pa yun ng huli kong makita, ngayon sira na daw.

“Bilisan mo!”

Asik na naman niya sakin. Napilitan akong takbuhin ang distansya namin para lang makasabay ako sa kanya.

“Anong ibig sabihin niyan?” tukoy niya sa bulaklak na hawak ko. “Nanliligaw ba sayo si Alcantara?”

“Hindi.” sagot ko.

“Eh ba’t ka niya binigyan ng bulaklak?”

Nagkibit-balikat ako. “Malay ko. Gusto mo puntahan ko sa bahay nila, itanong ko?” asar kong sagot sa kanya.

“Akin na nga yan!” inagaw niya sa akin ang bulaklak at akmang itatapon pero pinigilan ko. Walanghiya talaga ang Paniki na ito. “Hindi sayo yan ah!”

“Tsk.” Nanlaki ang mga mata ko nang ifold niya ang mga bulaklak tapos ay sinalampak sa loob ng bag ko. “Ayan ok na?” nakangisi niyang turan na parang nang aasar pa.

“Ano bang problema mo?” sigaw ko sa kanya.

“Ikaw anong problema mo at ini-entertain mo ang taong yun?” ganti niya sa akin. “Hindi ka dapat nakikipagusap sa mga taong matataas ang numero. Pinag iinitan ng mga estudyante ng Westside ang mga freshman na kagaya mo na wala pa ngang numero ay pumapapel na.”

“Ibig mong sabihin dapat din kitang iwasan? Pagkakaalam ko ikaw ang demon rex dito eh.”

“Tanga. Ang sinasabi ko, sa akin ka lang didikit. Maliwanag? Pwede kang sumama kina Jiro at Ark, pero hanggang doon ka nalang. Traydor ang mga tao sa lugar na ito, hindi ka dapat magtiwala. Wala silang kinikilalang rules, kung hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo, mas madali nalang na manahimik ka sa likod ko. Layuan mo si Alcantara, naintindihan mo?”

Iningusan ko lang siya. Ano bang sinasabi niya eh nakikipag kaibigan lang naman sakin yung tao.

“Ayaw mo?” giit niya nang hindi ako sumagot. “Teka, wag mong sabihing…..may gusto ka ba dun??”

“Masaya lang ako kapag nakikita ko siya. Nababaitan kasi ako sa kanya. Pero hindi ko alam ang sagot sa tanong mo, hindi pa ako nagkakaboyfriend sa buong buhay ko kaya hindi ko alam kung gusto ko na ba siya o hindi.”

“Shit.” malutong na mura ang ibinalik sa akin ni Paniki, habang ang mga mata niya ay parang gulat na gulat sa sinabi ko.

“Hindi mo alam kung gusto mo siya o hindi?” ulit niya.

Tumango ako.

“Ha!” huminto siya sa paglalakad at tumitig sakin. “Masaya ka kapag nakikita mo siya?”

Tumango ulit ako.

“Walanghiya. Eh sakin? Anong nararamdaman mo kapag kasama mo ako? Masaya ka rin ba?”

“Bakit mabait ka ba??” ganting tanong ko.

“Hindi ba?”

Aba. Nagtanong pa.

“Hindi.” taas noo kong sabi. “Kumukulo ang dugo ko kapag nakikita kita. Lahat ng lumalabas diyan sa bibig mo nakakapang-init ng ulo. Sinisira mo lagi ang araw ko, oh ano ok na? Nasagot ko na ba ang tanong mo?”

“Ah ganun ah.” Naningkit ang mga mata niya, kinabahan ako dahil biglang dumilim ang anyo ng Paniki. Napalunok ako nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Umatras ako, pero inabutan niya pa rin ako. “Well. Its a shame coz I’m in my best behavior around you. Hindi mo pa alam kung paano ako magalit.”

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now