Chapter 48

213K 8.4K 1.6K
                                    


Si Kayla. May hawak itong baril at nakatutok sa ulo ni Sofia. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, isang maling kilos ko baka mataranta ang hudas na kaibigan ni Sofia at makalabit nito ang gatilyo. Pero hindi ko maatim na panoorin nalang si Sofia na umiiyak at nanginginig sa kaba. Hindi siya sanay sa mga karahasan dito sa Maynila, laking probinsya siya kaya isang malaking trauma para sa kanya ang makaranas ng mga ganitong bagay. Of all people sa kamay ng taong pinagkatiwalaan niyang maging kaibigan. Kumukulo ang dugo ko kay Kayla, bumukas kumuyom ang kamay ko sa galit.Sa oras na mabawi ko ang baril na hawak nito, may kalalagyan sa akin ang babaeng ito.

"Kayla...bakit??" nanginginig na turan ni Sofia. "Anong kasalanan ko sayo??"

Dumating sina Jiro, Ark at Zirk. Hinarang ko sila ng kamay ko.

"Holy shit!" mahinang mura ni Ark.

"Tinatanong mo kung anong kasalanan mo sakin? Malaki! Ano bang meron sayong babae ka at lahat sila ganun nalang ang pagaalala sayo? Mga Rexes yang mga yan sa school, nagawa mong pasugurin dito para iligtas ka?? Sino ka ba sa akala mo??!" singhal nito kay Sofia. Pag nagkaroon ako ng pagkakataon tatahiin ko ang bibig ng babaeng hudas na ito.

"Kayla, the authorities will be here any minute now. Put the gun down while you still have time.." kumbinsi ni Zirk.

"Put the gun down?? No!! I've come this far to get rid of this leech ngayon pa ba ako susuko?? Ngayong nakuha ko na ang atensyon ng Demon Rex? Ang atensyon niyong lahat? Bakit ang tatayog niyo sa school? Bakit sa kabila ng magiging anak mayaman ko at pagiging kaschoolmate niyo simula kindergarten ni isa sa inyo walang nakapansin sa akin? Tapos itong bagong saltang babae na ito na mas mahirap pa sa daga pinag aagawan niyo?"

"Kayla pwede natin tong pag usapan.." ani Jiro.

"Yeah, lets talk about it after I plant a bullet in this leech's fucking head!"

Halos hindi ako huminga nang duruin niya ng dulo ng baril ang ulo ni Sofia. Habang pinagmamasdan ko siyang umiyak mas lalong kong narerealiazed kung gaano kalalim ang pagkakabaon ni Sofia sa puso ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit at kabang nararamdaman niya. Parang buong pagkatao at kaluluwa ko ang pinapatay habang nasa bingit siya ng kamatayan at wala akong magawa kundi ang tumanga. I have to do something. "Kayla stop it! Now!" madiin kong turan.

"Bakit Jave, nag aalala ka? Ano ba sayo ang babaeng ito?"

"Kung galit ka sa akin, barilin mo ako. Ngayon na. Wag kang mandamay ng inosenteng tao."

"Ganyan mo siya kagusto??"

Gustong pumikit ng mga mata ko nang muli niyang duruin ng baril si Sofia, pero kailangan kong maging alerto.

"Hindi ako makapaniwala..." nanghihina pa nitong sabi. Nang subukan kong ihakbang ang paa ko, hinila nito si Sofia at dinikit ang dulo ng baril sa ulo niya. Tangina. Mamamatay ako sa takot na makalabit nito ang gatilyo. I felt like a hopeless idiot, unang beses na ganito ka-inutil ang tingin ko sa sarili ko.

Binalingan nito si Sofia. "Alam mo si Zirk sana ang gusto ko sa school eh, nang inagaw mo siya sakin sabi ko ok lang, nandyan pa naman si Jave, kinaibigan kita para mapalapit ako sa kinatatakutang demon rex ng school. Tapos malaman-laman ko pati si Jave nilalandi mong higad ka. Ang hirap-hirap mo na nga ang landi-landi mo pa! Papatayin na talaga kita!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kayla. Tuluyan na nga itong nabaliw. Bago nito makalabit ang gatilyo, pinuntirya ko ng hawak kong maliit na bakal ang pulsuhan ni Kayla. Nabali ang buto nito dahil doon, laking gulat ko nang ilipat nito sa kabilang kamay ang baril. Sinunggaban ko si Kayla ngunit naiputok pa rin nito. Nabingi ako sa putok na yun, si Sofia ang kaagad kong nilingon.

Hawak ni Sofia ang kanang balikat. May tama siya! Gusto kong pinuhin ang babaeng hawak ko wala akong pakialam kung babae ito pero mas pinili kong saluhin ang pagbagsak ni Sofia. Pinabayaan ko sina Zirk at Jiro ang umagaw ng baril kay Kayla.

"Sofia!" hawak ko siya sa balikat ko.

"Jave...ang sakit..." halos hindi makahingang turan niya. Parang ako ang babawian ng buhay nang marinig ko iyon.

"I know, I know, hold on babe.. I'll take you to the hospital!" Umaagos ang dugo sa balikat niya. Kahit nanginginig ang tuhod at buong katawan ko nagawa ko siyang buhatin palabas ng gusali.



Habang nasa labas ako ng operating room hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi mangyayari 'to kung hindi ko na naman siya iniwanan sa school kanina. Asar kong sinuntok nang sinuntok ang pader hanggang sa dumugo ang kamay ko.

"Shit! Jave tama na yan!" awat nina Jiro at Ark.

"Nasaan na ang Kayla na yun??" galit na galit ako sa babaeng yun, mapapatay ko yun kapag nakita ko.

"Dinampot na siya ng mga pulis. Wag mo na siyang babalikan, kami na bahala sa kanya."

"Si Sofia.." parang akong tangang nawawala na sa sarili ko.

"Dude, daplis lang ang tama niya. Magagaling ang mga doctor niyo dito, hindi siya mapapahamak.." konsula ni Jiro.

"Tsk. Para ka na namang dragon na nasisiraan ng ulo. Kumalma ka nga. Nailigtas mo siya, wala kang naging pagkukulang. Ok lang si Sofia." ani Ark na nakatingin sa dumudugong kamay ko. "Gamutin mo yan. Kapag hindi ka umayos baka paggising ni Sofia, pinaglalamayan ka na!"

"Ano ba kasing ginagawa niya sa lugar na yun? Ba't siya sumama kay Kayla doon? Tatanga-tanga na naman 'tong Alien na to eh!"

"Dahil sa project sa school. I heard her Professor asked her to interview at least two of the Princes of Hell. Nakausap na ng mga pulis si Kayla, may tama pala sa utak ang babaeng yun. Sinabihan si Sofia na makikita nila si Jandrix DiMarco sa lugar na yun..."

"Princes of Hell? Jandrix DiMarco?? Are you kidding me?? Alam kong kriminal ang taong yun pero hindi yun papasok sa ganung klaseng lugar! At anong project to? Bakit hindi ko alam to?"

"Hindi niya sinabi sayo?"

Fuck. Sinabi niya kila Jiro pero hindi sakin. "Alam ba ng Professor na yan ang pinapagawa niya sa estudyante niya? May ideya ba siya kung anong klaseng mga tao ang gusto niyang kausapin ni Sofia?"

"Gusto niya sigurong bumagsak si Sofia. Kahit sino sa Westside hindi kayang gawin ang project na yan. Imposible."

Napahamak si Alien dahil sa lintik na project na yan. Walang ka-kwenta kwenta. Gustong kong magalit dahil naglilihim siya sa akin. Pero mas nanaig ang awa ko sa kanya. Lalo na nung hawak ko siya sa balikat ko at sinabi niyang nasasaktan siya sa tama ng baril, durog na durog ang puso ko nun. Lahat ng nanakit sa kanya..... Magbabayad.

Kinaumagahan sinadya ko ang Professor Coral na tinutukoy nila. Naabutan ko siyang nasa loob ng klase.

"Mr. Santillan? Naligaw k-ka yata.." nauutal siya. Tch.

"Good morning Mam." mapaklang bati ko. "Ako kasi ang guardian ni Sofia Perez eh, gusto ko lang ipaalam na nasa hospital siya dahil sa project na binigay mo. Tinamaan ng baril sa balikat." Nawala ang ngiti sa mukha niya. Pati ang buong klase niya napanganga. "Wag kang mag alala hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising. Grabeng trauma, ano? Tsk. Tsk."

"I'm very sad to hear that Mr. Santillan.."

"Oh you don't have to. Gagawin pa rin niya ang project mo. Trabaho niya yun bilang estudyante mo, at gusto lang naman niyang pumasa. Pero sana maintindihan mo rin na kailangan kong ireport ang nangyari sa school dean. Trabaho ko din yun bilang guardian niya--"

"Mr. Santillan! Hindi naman na kailangang gawin ni Sofia ang project, kung masyadong mahirap pwede namang palitan.."

"Pero panu yun Mam, naumpisahan na niya? Tatapusin nalang namin. Kelan nga ulit ang deadline? Kasi mamadaliin namin para sayo."

"Mr. Santillan, please..."

Nagbago na ang expresyon ng mukha. Tangna. Hindi talaga ako plastic na tao. Ang hirap magmukhang anghel kung demonyo ka talaga. "Magbalot ka na. Magpaalam ka na rin sa lisensya mo dahil hindi mo na kakailanganin yun. Hindi mo kailangang maging malungkot para kay Sofia dahil mas malulungkot ka sa magiging buhay mo paglabas mo ng eskwelahang ito."

Sinulyapan ko ng masama lahat ng kaklase ni Sofia. Alam naman na nila siguro ang ibig kong sabihin. Lahat ng babangga kay Sofia sa school na ito, may kalalagyan.

She's The Bad Boy's PrincessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang