Chapter 61

203K 6.8K 1K
                                    


Para akong lutang na bumangon mula sa kama. Napapayakap ako sa sarili ko sa tuwing naalala ko ang pinagawa ko kay Jave kagabi. Ngayon ko lang narealise kung ano ang sinabi niya.

"Lalaki. Lalaki ako. Tapos sasabihin mo sakin na hubaran kita. Nababaliw ka na ba? Gupitin mo yang damit mo tapos ang problema mo! Bye!"

"Kyahhhhhhh!!!!!" tumili nalang ako nang tumili at nagpagulong-gulong sa kama. Napabangon ako bigla. Teka, may nakita ba siya? Pumikit man lang ba siya habang...habang hinuhub----- "KKkyyaaahhhh!!! Nakakainis talag-- AAhh!! Aray!" nagalaw ang balikat ko umilalim na naman ang kirot. Peste. Hindi pwedeng mamaga ulit to. Sinubukan kong hipan pero masakit pa din.

Tiningnan ko ang relo. Kailangan ko nang magluto ng breakfast dahil ilang araw nang frozen pizza ang kinakain namin tuwing umaga. Nang buksan ko ang pinto naamoy ko ang mabangong amoy ng bacon at itlog na nanggagaling sa kusina. Sinundan ko ang amoy na yun, nakita ko si Jave na naglalagay ng pagkain sa mesa. Himala, kelan pa siya natutong magluto ng agahan?

Uminit na naman ang pisngi ko. Nag-flashback kasi sa utak ko ang nangyari kagabi. Magso-sorry ba ako sa kanya dahil pinagawa ko yun? O mananahimik nalang dahil nakakahiya? Kumalma kaya ako. Feeling ko ang OA ko eh, yung iba nga dyan nakatwo-piece nagpopost ng picture sa facebook. Eh bra lang naman yun tsaka nakatalikod naman ako. Sa tipo ni Jave mukhang hindi naman big deal yun at ako lang nagiisip ng hindi maganda. I'm sure----

Natigil ang tinatahak ng utak ko nang kumalansing ang mga tinidor at kutsara na nabitiwan ni Jave nang makita ako. Namumutla siya na parang nakakita ng multo. Napaiktad pa siya na parang gulat na gulat nang magtama ang paningin namin. Iniwas niya bigla ang mata niya.

"Kumain ka na!" sabi niya tapos nagmamadaling pumasok sa kwarto niya na parang takot na takot sa akin.

????????????????

Anong problema niya? Napayakap ako bigla sa katawan ko. Nanlalaki mga mata ko. May nakita siya???









Ang sakit ng ulo ko. Ilang subject na ang lumilipas, ilang Professor na ang nakakaharap namin sa araw na ito hindi pa rin ako tinitigilan ni Bella. Sa tuwing may recitation palagi siyang nagvovolunteer pagkatapos niyang magpakitang gilas sa akin siya bumabaling para maudyok ang teacher na tanungin din ako. Madalas akong makasagot pero may mga pagkakataong natatahimik ako dahil masyadong advance na ang mga sinasabi ni Bella hindi na ako makasabay.

Tapos nakikita ko siyang lihim na tumatawa kapag natatameme na ako sa harap ng klase. Sinasadya niyang ipahiya ako. Nang matapos ang isang klase lumapit siya sa akin.

"Magaling ka. Matalino." sabi niya. "Kaya lang kasi ang mga bagay na tinuturo sa freshman matagal ko nang napagaralan sa States."

"Hindi ko naman tinatanong." bulong ko. Natutop ko ang bibig ko pero huli na, narinig na niya.

Tumawa lang siya sakin. "Don't hold it back, Sofia. Gusto ko ang mga prankang tao. Kung naiinis ka sabihin mo, ipakita mo. Kasi ganun din ang gagawin ko sayo." humalukipkip siya tapos ay tumingin sa mga mata ko. "I'm sorry if I keep on challenging you, gusto ko kasing malaman kung ano ang nakita sayo ni Jave bakit gusto ka niya. Maganda ka naman pero tingin ko...masyado kang ordinaryo para magustuhan ng isang Jave Santillan. Ano bang espesyal sayo ha?"

Kumuyom ang kamay ko. "Walang espesyal sa akin. Kung gusto mong malaman kung bakit ako gusto ni Jave, siya ang tanungin mo, wag ako dahil hindi ko alam. Wala kang mapapala sakin kaya tigilan mo na ako."

Naningkit ang mga mata ni Bella sa sagot ko. Naghahamon ang mga tingin niya, sinalubong ko iyon. Wala akong balak kumurap sa kanya.

"Talaga? Kung wala naman palang espesyal sayo, baka kaya gustong gusto ka niya ay dahil.." aniyang nakatungo na parang may alam siyang hindi ko alam. "Naglilive-in ba kayo ni Jave?"

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now