Chapter 43

216K 7.4K 1K
                                    


Malaki ang problema ko. Hindi ko alam kung ano ang isusuot ko sa araw na ito. Sanay naman ako sa tshirt at pantalon kapag pumapasok, bakit ngayon parang ayaw kong isuot ang mga iyon? Hinalungkat ko ang mga damit na binili namin ni Jave. Yung mga damit na akala ko para kay Rianne. Nakita ko ang isang pink na lacy dress na hanggang mid-thigh ang haba at bukas ang likod. Modern ang cut nito, kagaya ng mga suot ng mga babaeng taga-Westside. Ako lang yata sa school na iyon ng madalas naka-jeans. Baka pwedeng sa araw na ito, ay makigaya din ako sa kanila.

Sinuot ko ang damit, tapos ay inayos ang mahaba kong buhok. Bagay sa damit ang hairpin na bigay ni Jave kaya kinikilig kong inipit iyon sa buhok ko. Sa unang pagkakataon binuksan ko ang make up kit na binigay sa akin. Dahil hindi ako marunong, nagpressed powder lang ako, blush on at lipstick. Kakulay ng damit ko ang lipstick ko. Manipis na pink iyon na sa awa ng diyos ay bumagay naman sa lips ko.

Lips ko.

Napatitig ako bigla doon nang maalala ko ang nangyari sa bar kagabi. Wala sa loob na napangisi ako. Hinawakan ko ang dibdib ko na nagumpisa na namang magwala. Marahan ko iyong binayo ng kamay ko. "Sofia. Tama na. Wala lang yun. Kagaya ng lagi niyang ginagawa, gusto ka lang niyang iligtas kaya niya ginawa yun." bulong ko sa sarili. Kaya lang ayaw talagang magpatalo ng puso ko. "Bakit niya inulit? Bakit dalawang beses niya akong hinalikan? At bakit parang yung pangalawa ay sinadya niya at ginusto niya?"

Pinilig ko ang ulo ko. Ano ba 'tong iniisip ko? Imposibleng gusto ako ni Jave dahil para sa taong iyon, si Rianne lang ang nag iisang babae sa mundo.

"Alien, labas dyan! Ang bagal mong kumilos! Mali-late na ako. Ayoko pa naman ng nali-late. Takot ako sa teacher ko." kasabay nun ang sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto ko parang magigiba na iyon.

Bwesit.

"Jave, tigilan mo yang pintong yan ah! Ang aga pa, sinong magtuturo sayo sa Westside, mga ipis??" nagbago kaagad ang mood ko pagkarinig ko sa boses niya. Ang lakas talaga makasira ng araw ng kayabangan at kasinungalingan niya. Gusto kong labasin si Paniki at sampalin ng hanger sa mukha. Kelan pa siya nagalala na mali-late na siya? At higit sa lahat kelan pa siya natakot sa teacher niya? Kumulo na agad ang dugo ko. Kasi naman, dalawang oras pa bago ang unang klase at less than 30 minutes lang naman ang biyahe papuntang school.

"B-bakit may ipis ba dun?"

"Marami." sagot ko.

"T-talaga?"

Napatawa ulit ako. Takot ba siya sa ipis? Baliw talaga siya.

"Lumabas ka na diyan. Kanina pa kita hinihintay. Di nga ako nakatulog gusto na kitang makita--ay I mean gusto kong pumasok ng maaga!"

Ano bang meron sa school ngayon at atat na atat siya? "Lalabas na."

Pagbukas ko ng pinto ang pamilyar na mabangong amoy ni Paniki ang unang nanuot sa ilong ko. Indikasyon na kanina pa nga siya nakatayo sa harapan ng kwarto ko. He's wearing his usual school badboy angst and get up. Aaminin kong pakiramdam ko napakaswerte ko, dahil ang walang kasing gwapong paniki na ito ang una kong nakikita sa araw araw na ginawa ng Diyos.

"Let's go." sabi ko.

Pero wala siyang imik nakatitig lang sa akin habang nakaawang ang mga labi.

"Tara na." ulit ko.

Hindi pa rin siya nagsalita. Teka. Nagalala akong hindi pantay ang magkakalagay ko ng blush on sa mukha, o kaya naman baka sobrang kapal. Hays. Naku naman talaga Sofia, babae ka ba talaga?? Gusto kong sabunutan ang sarili ko.

Tumikhim si Jave. Tapos naubo ng bahagya. "Hoy, Alien. Bakit ganyan ang itsura mo?"

 Bakit ganyan ang itsura mo?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ang pangit ko ba?"

"Ang pangi--" hindi niya itinuloy. "Magbihis ka!" hinawakan niya ako sa balikat para makita ang likod ko. "Tsk. Saan ang punta mo? School ang Westside hindi club!"

Akala ko mukha ko ang problema. Damit ko pala? "Ang OA mo, ganito naman ang suot ng lahat ng babae sa Westside."

"Alien ka. Wag kang gumaya."

Nagsalubong ang kilay ko. Humalukipkip ako sa harap niya. Hinahamon na naman ako ng Paniking ito. "Wala kang pakialam kung Alien ako. At mas lalong wala kang pakialam kung gayahin kong manamit ang mga babae sa Westside. Wala akong masuot kaya ito nalang!" Nakakainis. Gusto ko lang namang maging maganda sa paningin niya tapos ganito lang ang sasabihin niya sa akin? Na Alien ako at wala akong karapatang gayahin ang ibang mga estudyante. "Tumabi ka. Papasok na ako, kung hindi ka tatabi tatamaan ka sakin."

"Talaga?" seryoso niyang sabi na nakataas ang kilay. "Akala mo ba natatakot ako sayo? Pag sinabi kong magbihis ka magbihis ka. Makinig ka dahil ayoko nang inuulit ang mga sinasabi ko."

"Susuntukin na talaga kita!" nag alala ako dahil kapag seryoso ang mukha ni Jave gaano man siya kagwapo nakakatakot pa rin talaga. Napaatras ako. Umabante naman siya.

"Suntok na." hamon niya. Mas lalo akong umatras palayo sa kanya. Siya naman ang lumalapit. Hanggang sa dumikit na ang likod ko sa pinto ng kwarto ko. Jave was towering over me. Yumuko siyang bahagya para ilapit ang mukha sa mukha ko. Nakatitig siya sa mga labi ko.

Hindi na ako makahinga. Sa bilis ng tibok ng puso ko pakiramdam ko malapit na akong atakehin. Nang ilapit pang lalo ni Jave ang mukha niya, naramdaman ko na ang mainit na hininga niya sa ilong ko. Pakiramdam ko mamamatay na ako sa kaba dahil sa ginagawa niya. Wala akong ibang marinig o maramdaman sa paligid ko. Siya lang, ang paghinga niya at ang malakas na tibok ng puso ko.

"Akala ko ba susuntukin mo ako. Bakit lumalayo ka? At bakit nanginginig ka ha, Alien?"

Napapikit nalang ako nang ibaba niya lalo ang mukha upang maglapat ang aming mga labi. Parang tumigil na naman ang mundo ko. Hindi ako nakagalaw. I waited. I waited for his lips to press against mine. Pero imbis na mangyari yun, narinig ko ang pag-click ng pinto ng kwarto ko. Lumapit siya para buksan ang doorknob na nasa gilid ko, nang bumukas ang pinto nawalan ako ng balanse dahil nakasandal ako doon.

"Aahhh!" napahiyaw ako. Akala ko babagsak ako sa sahig. Pero maagap si Jave sa pagsalo sa akin. Pumaikot ang braso niya sa likod ko.

"Tsk. Careful." aniya.

Gusto kong sigawan siya dahil kasalanan niya naman pero hindi ko magawa. Tumitig lang ako sa mukha niya. Naramdaman ko ang pagdikit ng daliri ni Jave sa mga labi ko. Tinanggal niya ang lipstick na nakakapit doon.

"Bagay to sayo. Pero isuot mo lang 'to pag ako lang ang nakakakita sayo..maliwanag?"

Nababaliw na talaga siya. Hindi pwede 'to. Hindi ko makontrol ang nararamdaman ko, parang drum ang puso ko na walang tigil sa pagpintig ng malakas.

"Ayoko nga!" namutawi sa mga labi ko.

Nakita kong lumaki ang mga mata niya. Bago pa dumilim ang anyo niya at matakot na naman ako, inabot ko ang leeg niya, hinila ko ang mukha niya palapit sa akin. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero kinagat ko ang ibabang labi ni Jave. Hindi iyon malakas, pero hindi rin mahina. Sabay takbo, bago pa siya mag-amok!

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now