Chapter 22

225K 7K 1.1K
                                    

Sa isang Italian restaurant kami magkikita ni Rianne. Kanina ko pa pinipilit na pagandahin ang mood ko dahil leche parang gusto ko na namang manapak ng tao. That ugly-mouthed Alien never failed to ruin my day! Magkikita kami ni Rianne pero puro kabwesitan ko sa kanya ang naiisip ko. Langya sa kapal ng mukha, maganda daw siya, san banda? Sa gilagid?? Tsk! May gusto pa raw sa kanya si Zirk Alcantara? Pinagmalaki niya sa akin ang lalaking kamukha lang ng kalyo ko sa paa? Ang lakas ng tama niya.

“Fuck!” napamura ako nang mabangga ako ng isang lalaking palabas ng restaurant. Uminit kaagad ang ulo ko at itinulak ko siya sa balikat. “What’s you’re fuckin’ problem man, are you fuckin’ blind??” singhal ko sa kanya kahit na mas malaki, mas matangkad at mas maskulado siya sa akin. Wala akong pakialam, wala akong kinatatakutan.

“Ikaw ang bumangga sa akin.” timpi nitong sagot ngunit alam kong napikon.

“Wag kang humara sa dinadaanan ko!” nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya. Kung magtatangkang pumalag ang isang ito hindi ako mangingiming basagin ang kamao ko sa mukha niya. “Ano ha??”

“Jey!”

Narinig kong sigaw ni Rianne. Sa kabila naman parating ang dalawang security guards. Masyadong mabait ang pakiramdam ko ngayon sa sarili ko kapag isa sa mga ito ang lumapit at hawakan ni dulo ng damit ko, makakabasag ako ng mukha.

Inawat ng dalawang guard ang kaharap kong maskuladong unggoy. Samantalang hinila naman ako ni Rianne sa table na ni-reserve niya sa may VIP section.

“Jey, calm down, ok? What’s wrong with you?” tanong niya sa akin na mahinahon ang mukha. Hindi kagaya ni Alien, kung siya ang kasama ko ngayon malamang hinampas na ako ng pinggan sa noo. Magkaibang-magkaiba talaga sila. Pinong kumilos si Rianne, babaeng-babae, nakakainlove. Samantalang si Alien kung kumilos akala mo ginutom ng giyera, nakakasuya, nakakaasar ang sarap palamunin ng kamao.

Pero shit hindi ko magawa. Makita ko lang na nasasaktan ang pangit na yun bumabaliktad na ang utak ko eh. Pinilig ko ang ulo ko, ba’t ba si Alien ang naiisip ko eh kaharap ko ang Rianne ng aking buhay?

“Kumusta ka na? How’s school Jey? I’ve been hearing a lot of good things about you lately, pumapasok ka na daw araw-araw?”

Ngumiti na ako. “Oo, dahil yun sayo. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon mapapatunayan ko na ako lang ang nararapat para sayo.”

Ngumiti din siya sakin. Alam ko talaga na malakas ang tama ni Rianne sa akin, hindi lang siya nagpapahalata. Pagdating ng araw magiging asawa ko siya, at ako na ang magiging pinakamasaya sa buong kalawakan, mas magiging masaya pa ako kaysa sa mga alien na kagaya ni Sofia.

“It’s a good news that you’re into studying now. Baka mas madalas na rin tayong magkita dahil isa sa mga kaibigan ko ang nakiusap na turuan ko ng ballet ang anak niya nag-aaral sa Westside ngayon. Ilang linggo ko ring gagawin iyon kaya mas makikita na kita sa school.”

“Talaga?? That’s good news! Ibig sabihin lagi kitang makikita niyan, hindi na nakakabagot sa school, masaya yan.”

“By the way, what happened to your friend, Sofia, I was told she’s also studying in Westside now.”

“Ysabel asked her to guard me. Wag ka nang magtanong tungkol sa Alien na yun nakakawalang-gana, naalala ko lang ang pangit niyang mukha.”

Tumawa si Rianne sa sinabi ko. Anong nakakatawa?

“Ano ka ba Jey. Hindi ka ba marunong tumingin ng maganda? Napakagandang bata kaya ni Sofia. Her face is a kind that most international photographers and magazines would fight to have in their covers. I’m sure marami nang pumo-porma sa kanya sa school ngayon?”

Uminit na naman ang ulo ko. Bakit ba kapag may nagsasabing maganda si Sofia, sumasama ang timpla ng dugo ko? Kasi siguro dahil alam kong hindi naman siya talagang maganda. Yung pagmumukha ng babaeng yun parang pinaglihi sa dragon sa sobrang gaspang. Ang init pa ng bunganga parang umiinom ng gasolina . Isa pa may lahing aswang yun, taga tribo WakWak!

“Wag natin siyang pag usapan.” iritado kong turan sa kanya. Nagkibit balikat lang si Rianne tapos binigay sa akin ang menu ng restaurant.

Dalawang oras bago ako nakauwi, nakabukas pa ang ilaw kaya alam kong gising pa si Sofia. Ang totoo, nagyaya si Rianne na mamasyal kaya lang naalala kong wala palang pagkain dito sa bahay, nakokonsensya akong hayaan siyang magutom. Ewan ko ba, wala naman talaga akong konsensya hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga kakaibang pakiramdam ko pagdating kay Sofia.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko siyang nakahilata sa sofa, nasa table sa tabi niya ang instant noodles na kinain niya samantalang sa dibdib naman niya nakapatong ang isang libro. Buntong-hininga akong lumapit sa kanya, hindi ko alam kung gigisingin ko siya para kainin ang dala kong pagkain. Sige na nga lang, konsensya ko pa pag nagka-ulcer ang alien na ‘to. Gigisingin ko nalang.

Ha! May naisip ako, nakakatawa siguro kung gugulatin ko siya. Tama, pumunta ako ng kusina para kunin ang dalawang frying pan, patutunugin ko yun ng malakas sa mukha niya para magulantang siya at mawala sa sarili. Nakakatawa yun!

Hawak ko ang dalawang frying pan, dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nang hahampasin ko na sa isa’t isa ang dalawang pan, napigil ko ang hininga nang gumalaw bigla si Sofia. Umawang din ang mga labi niya habang natutulog. Dapat tatawa ako, natutulog siya ng nakanganga, pero bakit hindi ako matawa kahit konti?

Natigilan ako, natuon ang atensyon ko sa nakabukang mga labi ni Sofia. Umangat ang gilid ng labi ko sa pagpipigil na ngumiti. Maganda nga si Alien. Magandang-maganda. Napilitan akong itabi ang mga pan na hawak ko at pinagmasdan siyang matulog. Ang aliwalas ng mukha niya, parang ang sarap pumasok sa panaginip niya at mang asar. Kaya kumabog ng matindi ang dibdib ko ng marinig kong….

“Jave….” binigkas niya ang pangalan ko.

Shit. Napalunok ako at napatayo. Wala sa sariling nakapa ko ang dibdib ko dahil biglang bumilis ang tibok niyon para akong tumakbo sa marathon. Ilang beses akong huminga ng malalim. Pangalan ko ba ang narinig kong binanggit niya? Hindi Zirk?

Sabagay ang layo ng Jave sa Zirk. Napangisi ako, pangalan ko nga iyon. Tungkol kaya saan ang panaginip niya sa kin?

Dahil biglang gumaan ang dibdib ko sa kanya, I scooped her out of the sofa, I gently placed her head on my shoulders while carrying her to her room. Imbes istorbohin, mas maganda kung makakatulog nalang siya ng mahimbing.

Nang ilapag ko siya sa kama, muli kong narinig ang pangalan ko. Pero hindi tulad kanina, parang ngayon nagagalit na siya sa akin, muli akong natawa. Mabuti naman, sa panaginip niya, siguro inaasar ko siya. Dapat ay umalis na ako kaagad, pero ilang minuto pa akong nag-stay upang pakinggan ang mga paminsan-minsang salitang lumalabas sa bibig niya. Kahit puyat na ako, parang ayaw ko pa siyang iwanan. Paalis na ako nang marinig ko ulit siyang magsalita, hindi ko maintindihan kasi mahina kaya nilapit ko ang tainga ko sa bibig niya. Nakuryente ako ng dumikit ang bibig niya sa dulo ng tainga ko, napabalikwas ako at tumayo malayo sa kanya.

Shit, ano yun?? Ba’t ang weird ng pakiramdam ko ngayon?

Lumapit ulit ako nang muli siyang magsalita. Pero sa pagkakataong ito, naengganyo akong pagmasdan sa malapitan ang buong mukha ni Sofia na natatanglawan lamang ng lampshade. Dahan-dahang bumaba ang mga labi ko sa pisngi niya nang hindi ko namamalayan.

Hinalikan ko siya sa pisngi. And that was the most wonderful feeling I’ve felt since forever. And I don’t understand why…

 And I don’t understand why…

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

A/N Sa owner ng picture.. thank you. Kaso di ko na maalala kung sino nagsend. Pm me plz!

She's The Bad Boy's PrincessUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum