Chapter 27

198K 7.4K 336
                                    

“Sofia!”

Tumigil ang mundo ko. Nanigas ang kamay ko sa manibela, biglang nanlamig ang buo kong katawan nang makita ko siyang nakaharang sa daan. Lintik, sa bilis ng takbo ko hindi ko kayang huminto ng ganun kadali.

Fuck! Fuck!

Buong pwersa kong kinabig ang manibela upang iwasan siya, kahit na nanginginig ang buo kong katawan inubos ko ang lakas ko para lang wag siyang salpukan. Hindi ko na naisip na ako ang babangga sa makapal na railings ng race track. Nalagpasan ko siya, pero umikot nang umikot ang sasakyan ko hanggang sa tuluyang bumangga.

Shit. Namatay ba ako? Nang tumigil ang mga sagitsit at huminto sa pag ikot ang paningin ko. Hindi ko na naisip na kapain ang katawan ko kung buo pa ako, kaagad kong kinalas ang seatbelt at tumakbo palabas ng nayupi at umuusok kong kotse.

Nakita ko siyang nakatayo pa rin sa gitna ng track, parang tuod na hindi gumagalaw. Kumuyom ang kamao ko sa galit, sa kaba, sa inis at sa sobrang pag aalala. Tinakbo ko ang pagitan namin, sa bilis ko sa isang kisap mata nasa harap ko na siya.


“Tanga ka ba?!” sigaw ko sa kanya. Nagtatagis talaga ang bagang ko sa tindi ng emosyong nararamdaman ko. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero sa ginawa niya parang mas gusto ko siyang katokin sa utak. “Bulate ba laman niyang utak mo? Humarang ka sa daan, akala mo ba sasantohin ka ng sasakyan? Alam kong tanga ka pero tangina sumobra ka ngayon!” Dinuro ko siya sa noo pero wala siyang naging reaksyon. Tumitig lang siya sakin. Kinabahan ako, bakit hindi siya nagsasalita? Ano bang ginagawa niya? Di ba dapat sasapakin na niya ako? Letse tinatakot talaga ako ng Alien na to. Hindi ko pa naranasan ang ganitong klaseng takot sa buong buhay ko. Parang gusto kong sumabog sa asar at pag aalala sa kanya.


“Sofia!” Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at niyogyog. “God damn it Alien! Magsalita ka nga!”


“Jave! Stop it! You’re hurting her!” Si Jiro iyon. Nagtakbuhan sila sa gawi namin, hindi ko alam kung saan sila nanggaling. Hinila niya ako palayo kay Sofia, nang magpumiglas ako tumulong si Ark na rendahan ako. Mga peste!

Lalong kumulo ang dugo ko nang hilahin din ni Zirk si Sofia palayo sa akin.


“Get your hands off her Jave! You almost killed her!” sigaw sakin ng gago. Aba’t ang lakas ng loob, gugulpihin ko tong gagong to eh.

Tangina. Ang dami pala nila dito, ano sila nanood lang?

“Bitiwan niyo nga ako! Anong bang ginawa niyong lahat kanina, hindi niyo napigilan yan? Alam niyong may topak yan, pinabayaan niyong humarang sa daan!” bwesit na bwesit ako sa kanilang lahat. Nandito pa pati si Ysabel at Rianne, mga letse ang dami nila wala ni isang nakaharang sa Alien? Nag invisible ba ang wakwak na ‘to at hindi nila nakitang tumakbo sa gitna ng race track??


“Jave, bakit kaya hindi ikaw ang kumalma? Ok ka lang ba?” tanong ni Ysabel. Irap ang sinagot ko sa kanya.


“Jave..please….” Dagdag din ni Rianne na nangungusap ang mga mata. Pero hindi ko talaga magawang kumalma. Muntik nang magkalasog lasog si Sofia kanina at nakakabaliw na isipin iyon. Sinulyapan ko siya, nakatulala pa rin siya, nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang umaandar sa utak niya, gusto kong alamin, gusto kong agawin siya mula kay Zirk at umuwi na lang kami.

“Let me go.” mahinahon kong utos sa dalawa kong kaibigan na nakahawak sa magkabilang kamay ko. Tumalima naman ang mga ito nang makita ang talim ng mga mata ko. Lumapit ako kay Sofia, inagaw ko siya mula kay Zirk pero tumutol ang gago.


“No. You can’t take her this time.”

“Wag mo akong subukan.” nakipaghamunan ako ng tingin sa kanya.

Matalim ang naging ngisi ni Zirk. “Kung may masamang nangyari kay Sofia, ikaw lang ang dapat na sisihin.”

“Ako ba talaga? Ngayon ang higpit ng hawak mo sa kanya? Pero kanina pinabayaan mong tumakbo sa gitna ng racetrack?”

“Dahil hindi ko akalaing gagawin niya yun para sayo. Ngayon ko narealized kung gaano ka kahalaga sa kanya at kung gaano ka kawalang-kwenta para doon. Hindi mo deserve si Sofia, wag kang umastang parang nagaalala ka dahil alam nating parehong hindi yun totoo. Maliit na pabor lang ang hihilingin ko sayo, sana sa susunod na magpapakamatay ka, doon ka sa hindi niya nakikita. Doon na hindi ka niya kayang pakialaman.”

Umusok ang ilong ko sa asar, patataobin ko ang mayabang na ‘to. Kumuyom na ang kamao ko, handa na akong basagin ang bungo ni Zirk makuha ko lang si Sofia. Binitiwan din nito si Sofia para paghandaan ang atake ko. Kung kailangang pagulungin ko sa lupa ang insektong ito, gagawin ko. Pero bago pa man ako makalapit humarang na sina Ark at Jiro sa akin. Ganun din sina Ysabel at Rianne. Nauubos na talaga pasensya ko sa pangingialam nilang lahat.

Nang makita kong umikot ang eyeballs ni Sofia at magcollapsed nagawa kong itulak lahat ng humarang sa akin. Bandang huli, sa mga braso ko bumagsak si Sofia, nanlamig ang kamay ko sa kaba dahil nawalan siya ng malay.

“Sofia! Sofia! Sunod-sunod ang tawag ko sa pangalan niya pero hindi siya dumilat. Napamura ako sa sarili ko. Shit. Kasalanan ko talaga ‘to. Kung hindi ako nagpakagago kanina hindi siya mag aalala. Hindi niya maiisipang iharang ang katawan niya sa kotse para lang huminto ako. Gago. Gago talaga ako!

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now