Chapter 40

195K 5.7K 415
                                    

SHORT UPDATE

Nasa loob ako ng ballet room. Nakatitig sa kamay ko. Hindi ko dapat na hinila ang damit ni Sofia kanina, eh panu kung nasakal ko yun? Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sakin. Kinuyom ko ang kamay ko at malakas na isinuntok sa bakal na upuang nasa harap ko. Nagsisi ako hindi dahil dumugo ang kamay ko kundi dahil gumawa iyon ng ingay. Naalarma ang gwardya pati na sila Rianne. Nababaliw na yata ako. Pinagmasdan ko ang dugong lumabas mula sa kamao ko, masakit dapat iyon pero bakit parang wala akong maramdaman? Puro malalim na pintig ng puso ko ang naririnig ko. Si Alien lang ang may kakayahang gumalit sa akin ng ganito, namamanhid na ako.Nagpunta ako dito para magpahupa ng sama ng loob. Mukha lang kasi ni Rianne ang alam kong mabilis magpababa ng inis na nararamdaman ko. Pero ewan ko ba, kahit isang oras ko na siyang pinapanood, gusto ko pa rin talagang manakit ng tao sa asar ko kay Alien.

Iiwanan daw ako? Dahil lang may gusto na siya doon sa Zirk na yun basta-basta nalang niya akong lalayasan? Ano bang nagawa ng taong yun para sa kanya? Kumpara ba sa akin mas madami ba? Tsk. Ako tong laging nasa tabi niya, ako tong lagi niyang karamay sa lahat ng bagay, ako pa 'tong itatapon niya ng ganun-ganun nalang?? Nakakapag-init ng ulo! Ok lang naman talaga na magkagusto siya sa baklang yun eh. Pero yung aalis siya ng bahay dahil doon? Yung biglang ganun ka-cold ang trato niya sakin dahil lang may gusto na siya sa ibang lalaki? Makatarungan ba yun?

Eh ano ngayon kung malaman ni Alcantara na sa bahay ko siya nakatira? Kung may gusto nga sa kanya ang taong yun tatanggapin nun ang sitwasyon niya sa buhay. Ang lakas ng loob maghamon na aalis ng bahay eh ni wala nga siyang kamag anak o kaibigang matutuluyan. Subukan niya lang lumipat sa bahay ni Zirk, susunugin ko sila pareho!

"Jave? Anong nangyayari sayo? Dumudugo ang kamay mo oh!" alalang turan ni Rianne. Ipinakuha niya ang medical kit para magamot ako. Ok lang naman, hindi naman masakit.

"Wala. Masama lang ang araw ko."

"Bakit na naman?"

"Si Sofia."

"Anong meron sa kaibigan mo?"

"May gusto kay Zirk Alcantara. Gustong umalis sa ba--- tsk. Basta! Ayokong pag-usapan."

Kumunot ang noo ni Rianne. Alam kong hindi niya naiintindihan. "Anong problema dun? Teenager si Sofia, normal lang na magkagusto siya sa isang lalaki. Gwapo si Zirk. Matalino, mayaman at popular sa school. He's one of the rexes pa nga hindi ba? Hindi naman nakakapagtaka yun. Isa pa sa ganda ni Sofia, bagay naman silang dalawa."

"Lahat ng popular female students dito naging syota ni Alcantara!"

"How did you know, eh kelan ka lang naman pumasok?"

"Basta alam ko lang!" inis kong sagot sa ngisi niya.

"Oh tapos? Ano ngang problema? Nagseselos ka ba?"

Tch. Hindi ako makapaniwalang tinatanong niya sa akin yun. Bakit ako magseselos?? "Wag ka ngang magpa-cute diyan. Alam mo kung kanino ako nagseselos. Sa Brendan mo na hanggang ngayon tinitxt mo pa. Akala ko ba hiwalay na kayo??"

"Break na nga kami. But I don't have a choice, business ang pinaguusapan namin hindi lovelife. Pag matanda ka na maiintindihan mo din yun."

"Hindi na ako bata, pwede na nga akong gumawa ng bata!"

Tinawanan lang ako ni Rianne. "Bakit Jave, marunong ka na bang humalik?"

"Nakakabadtrip ang mga tanong mo. Diyan ka na nga!"

Tch. Nakakatawa. Iniisip ko ang tanong ni Rianne. Kung marunong na daw ba akong humalik? Bakit, pinag aaralan ba yun? Natural instinct ng lalaki yun, kung hindi ko lang siya sobrang mahal at sobrang nirerespeto sasampolan ko siya sa pang aasar niya sa akin eh!

Nakasakay na ako sa kotse sa parking. Malapit nang mag 4:30 wala pa rin si Sofia. Nasaan na naman kaya ang babaeng pangit na Alien na yun? Naalala ko ang ginawa kong paghila sa damit niya kanina. Ang pinagsisisihan ko sa ginawa ko ay yung natakot ko yata siya. Hindi ko alam kung kakausapin pa niya ako.

Teka bakit ba ako nag aalala?

Kakausapin ako nun, hindi ako matitiiis ni Alien. Magpapasapak nalang siguro ako, kahit malakas ok lang. Hindi ko dapat siya sinigawan kanina.

Bababa na sana ako para hanapin siya, namataan ko lang na kasama niya si Zirk naglalakad patungo sa gawi ng kotse nito.

Damn.

Hindi siya sasabay sakin? Nahintay ako dito ng matagal, tapos hindi lang siya sasabay? Mukhang tuwang-tuwa pa siya. Hindi man lang naalala na nagaway kami kanina. Seryoso siya sa lintik na puppy love niya kay Alcantara?? Nakakainis!

Sinundan ko ang kotse ni Zirk. Para akong tanga sa ginagawa ko, ganun na ba ako ka-bored? Wala na ba talaga akong magawa sa buhay ko si Sofia nalang lagi ang pinagdidiskitahan ko? Huminto ang kotseng sinusundan ko sa kanto malapit sa subdivision. Ano maglalakad siya ng malayo dahil lang ayaw niyang malaman ni Alcantara ang bahay niya? Ibang klase din naman talaga tong si Alien. Nakakapikon.

Hinintay kong makapasok siya ng gate ng subdivision bago ako sumunod sa kanya. Huminto ako sa gilid niya.

"Sakay." utos ko.

"Mukha bang gusto kong sumakay sayo?"

"Sa kotse ko hindi sakin. Tanga."

Inirapan niya ako. "Ayoko."

Kanina ang sarap ng tawa niya kasama si Zirk, pero sakin para siyang galit na aswang? Speechless ako. Puro mura ang pumasok sa utak ko. Fuck!

"So ganito na tayo ngayon? Walang pansinan, walang pakialamanan?"

Hindi siya sumagot diretso lang ang paglalakad.

"Fine!! Walang pakialaman. Ganito pala gusto mo ah. Tingnan natin kung hanggang saan ang tibay mo!"

Imbes na umuwi. Nawalan na ako ng gana. Pinaharurot ko ang kotse palabas ng subdivision, kailangan kong maglabas ng sama ng loob kundi sasabog ako. Ginagalit niya talaga ako ng sobra.

 Ginagalit niya talaga ako ng sobra

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
She's The Bad Boy's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon