Chapter 46

202K 6.5K 441
                                    


Dahil gumawa ng eksena sina Jave at Zirk kaninang umaga napostpone ang annual exam na gagawin dapat sa araw na ito. Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang dahil hindi pa ako nakakapag-review ng maigi.

"Sofia, tinatawag ka ni Ms. Coral.." bulong sa akin ni Kayla.

"H-Ha?" Tumingin ako sa professor ko na nasa unahan.

"Mukhang malayo na naman ang iniisip mo Ms. Perez. Kumusta na ang project mo? Lahat ng mga kaklase mo nakapagsubmit na ng draft nila ikaw nalang ang wala. May progress na ba?"

"Ahm...nakapagpadala na po ako ng letter of intent sa mga local offices ng dalawang Prince of Hell. Balak ko pong interviewhin ang pangatlo at pang-apat.."

Narinig ko ang bulungan at lihim na tawanan ng mga kaklase ko.

"Goodluck nalang talaga sa kanya."

"Akala siguro ganun kadali yun.."

"Napakaboba niya, hindi ba talaga niya alam na ang gusto lang ni Ms. Coral ay ang bumagsak siya?"

Naririnig ko ang lahat ng iyon binabalewala ko lang. Ang totoo ilang araw nang walang sagot ang dalawang opisinang pinasahan ko ng letter. Ako man, nawawalan na ng pag asa.

"Class..quiet!!" sigaw ni Ms. Coral at plastic na ngumiti sa akin. "Sige lang Sofia, aantayin ko ang resulta mo." Pero nakikita ko sa mukha nitong tinatawanan din ako.

Kumuyom ang kamay ko. Magawa ko lang talaga tong project na to! Makikita ng mga plastic na 'to!

"Wag mo silang pansinin. May pupuntahan tayo mamayang gabi. Sigurado akong makakausap mo si Jandrix DiMarco..." bulong ni Kayla.

Isa pa 'tong si Kayla. Hindi ko alam kung ano ang pinasukan niya para lang makapaginterview ako ng isa sa mga Prince of Hell. Mapapahamak pa siya ng dahil sa akin.

Gusto kong sabihin kay Jave, kaya lang sigurado akong pipigilan niya akong pumunta doon, kapag nagkataon kawawa naman si Kayla. Hindi ko naman pwedeng ipahamak ang isang taong ginusto lang na tumulong sa akin.







Jave POV





Ang bagal ng oras. Nakakabagot na dito sa loob ng classroom. Maiksi lang ang buhay, dapat ba sayangin ko ang oras ko dito? Hindi makatarungan! Inilabas ng class adviser namin ang resulta ng exam sa ilang major subjects. Nagsimula siyang magbasa ng mga pangalan ng pumasa. Sinunod niya ang mga nag top. Kasama doon sina Jiro at Ark. Ang masama, binanggit niya ang bottom 3. Dalawampu kami sa loob ng klase, tapos pangdalawampu ako. Sheyt.

Nilapitan ako ng adviser.

"Mr. Santillan. Nakarating sa akin ang laman ng mga test papers mo. Sa buong eskwelahang ito ikaw lang ang may test papers na ganoon ang itsura. Lahat ng mga estudyante dito sa Westside nagsisikap na umangat ang numero nila pero ikaw binabahiran mo ang magandang reputasyon ng school."

Tama ba ang naririnig ko?Nanenermon siya sa loob ng classroom sa harap ng mga kaklase ko? Mabait naman talaga akong tao eh. Pero madali akong mapuno. Tumayo ako at humarap sa kanya. Tiningan ko ang nameplate niya sa damit. Soriano. Soriano ang apelyido ng madaldal na adviser namin. Congratulations to him, kilala ko na siya sa wakas.

Tumingala sya sa akin dahil hindi hamak na mas matangkad ako sa kanya sa tanda niyang yun. "Alam mo kasi Professor Soriano, ang kabaitan ko may expiration. Kumbaga sa isang araw, may quota lang yun. At kumuta na ako." inayos ko ang kwelyo ng damit niya.

"Mr. Santillan. Ayaw mo naman sigurong makarating sa kapatid mo ang resulta ng exam mo-"

Hinigpitan ko ang hawak sa kwelyo niya kaya natahimik siya. "Pinahiya mo na ako, isusumbong mo pa ako? Napakalupit mo naman yata sa'kin Sir. Hindi naman po yata makatarungan yun." malumanay ang boses ko. Kailangan boses mabait ako, ewan ko lang sa mata ko. Hindi ko alam kung panu itago ang asar ko baka nanlilisik ang mga mata ko dahil nanginginig na ang kaharap ko. "Tinatakot mo naman ako Sir eh."

"H-hindi naman sa ganun Mr. Santillan, pero utos ng kapatid mo na disiplinahin ka dito.."

"Talaga? Kaya niyo? Kaya mo? Sige magsumbong ka, madali naman akong kausap eh. Pero magsusumbong din ako sa mga estudyante ng Westside na matapat na nagmamahal sa akin. Tsk. Tsk. Inaapi mo ako Mr. Soriano, ang sama mo..." bulong ko sa kanya. "Hindi mo dapat na pinapahiya ang mga estudyante mo...haaayyy, baka matrauma ako nito. Tingin ko kailangan kong humingi ng tulong sa psychologist dahil sa ginawa mo..." hinawakan ko pa ang ulo ko dahil parang ang kirot, alam mo yun.

"Jave.." tawag sa atensyon ko ni Jiro. "Alam mo ba 'to?"

Inabot niya sa akin ang hawak na cellphone. Nakabukas ang isang gossip page doon. Nawala ang ngisi ko sa mukha sa article na nakabalandra sa cellphone ni Jiro.

Fuck. Biglang uminit ang ulo ko ng literal at malala. Sabi sa balitang naroon, may rumors na engaged na sina Rianne at Brendan. The fuck? Anong problema ng babaeng yun? Akala ko ba hiwalay na sila at business nalang ang nag-uugnay sa kanila? Nagago ba ako? Asar kong binitiwan si Soriano, baka kung ano pa ang magawa ko dito. Kinuha ko ang jacket ko na nakapatong sa upuan.

"Jave, wag kang gagawa ng kalokohan!" paalala ni Jiro bago akong tuluyang nakalabas ng classroom.

Well sabi ko nga may quota ako ng kabaitan, at ubos na yun para sa araw na ito.





Sofia POV




Pupuntahan ko sana si Jave sa classroom niya para magpaalam. Kaso nakita kong palabas ng University ang kotse niya. Saan kaya pupunta?

Nang matapos ang maghapon sa school pumunta ako sa parking pero hapon na wala pa din doon si Jave.

"Sofia?" si Kayla yun. Mukhang sinundan niya ako. "Wala si Jave. Hindi ka pwedeng sumabay sa kanya ngayon dahil baka mainit ang ulo nun."

"Ha?"

"Di mo ba nakita sa social media? Nakipag-engaged na si Rianne kay Brendan. Kaya malamang magwawala na naman yun kagaya ng lagi nyang ginagawa kapag may problema sila ng mahal niyang si Rianne."

Nalungkot ako bigla. Sa kabila ng lahat ng nangyari, umasa ang puso ko. Pero ang tanga ko, umasa ako. Wala pa rin akong puwang sa puso ni Jave hanggang ngayon. Kaibigan lang talaga ako. Kaya wala akong karapatang masaktan.

"Tara na Sofia, sumabay ka na sakin.."

Nag alangan akong sumabay kay Kayla. Pero dahil nakakahiyang tumanggi at wala naman akong choice. Napilitan nalang akong sumakay sa kotse niya.

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now