Chapter 50

220K 7.1K 805
                                    

A/N: Helliannes!!!

Punta tayong SMX CONVENTION sa MOA ah?

SMX CONVENTION CENTER MALL OF ASIA from SEP. 13-17, 2017.

Booth # 428, 446 to 448

Irereleased na ang pinakauna kong libro under PSICOM PUBLISHING INC.

Wanted Perfect Boyfriend for the Lady Boss

Prince of Hell #4 Christian Black Demetri

100 pesos lang sa mismong event.

Sa September 16, 2017, 2pm-6pm ang schedule ng pagpunta ko doon. Sana makita ko kayo.

 Sana makita ko kayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

****************

Maganda ang panaginip ko, puro mukha ni Paniki ang naroon. Masama man ang pakiramdam ko masaya naman ang puso ko. Napilitan lamang akong bumalik sa realidad nang bumigat bigla ang ulo ko. Naalimpungatan ako at biglang napadilat. Hindi ako nakakilos kaagad nang imulat ko ang mga mata ko, narealized ko kung ano ang nangyayari. Nakayuko sa kama ko si Jave at nakadikit ang noo niya sa noo ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Sinubukan kong gumalaw pero hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.
Ilang saglit akong walang palag dahil biglang nagrambulan lahat ng mga gumaganang ugat ko sa katawan. "Jave! Anong ginagawa mo?" Pabulong na tanong ko. Hindi ko magawang alisin ang pagkakadikit ng noo niya sakin.

"SSSsshhhhh. Nagkokonsentrate ako."

"Ha?"

"Di ba Alien ka? Sinusubukan ko kung kaya mong ipahiram ang utak mo sa akin.... Via infrared."

Peste.

Kinilig na ako eh! Inaasar na naman ako ng Paniking ito, nahampas ko siya sa balikat nawala sa isip ko ang sugat ko kaya biglaan ang naging pagsakit nun. "Araay!"

Nawala ang ngisi ni Jave at napalitan ng pagaalala. Napahawak kaagad siya sa'kin. "Tsk. Careful, I told you!"

"Aray ko..." reklamo ko pa. "Kasalanan mo talaga 'to. Natutulog yung tao iniistorbo mo, ayaw mo ba akong magpahinga??"

Napakamot si Jave. "Ilang oras ka naman na kasing tulog. Ang tagal mong magising nangangawit na ako kakahintay.." nakanguso niyang sagot. Hinintay na naman niya akong magising? Ibig sabihin nakatingin na naman siya sakin habang tulog ako? Napangiwi ako at nakagat ang ibabang labi, nakakainis, nakakahiya!

Inalalayan niya akong maupo. Pumaikot ang braso niya sa akin para suportahan ako, dahil doon naging sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Tumitigil ang mundo ko sa tuwing sumasayad ang kamay niya sa katawan ko. Ingat na ingat si Jave sa bawat galaw niya. Inangat niya ang kama upang suportahan nito ang pag-upo ko.

"Ang sakit ng noo ko. Ang bigat ng ulo mo." kunway reklamo ko para mapalis ang mabilis na pagpintig ng puso ko.

"Mabigat ang ulo ko dahil sa talino." nakakalokong tawa nito.

She's The Bad Boy's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon