Chapter 51

214K 7.3K 817
                                    


Nakatitig si Jave sa isang tambak ng mga librong dala nina Jiro at Ark. Naipaliwanag sakin ni Jiro na kailangan ni Paniki na magrank 1 para makapunta sa Korea at magkaroon ng pagkakataon na maging representative ng Santillan Empire. Naroon daw sina Christian at Phoenix, yun ang pakay niya.

"Asar! Hinahamon talaga ako ng illegitimate na yun! Sino siya sa akala niya para manipulahin na naman ako?" naiinis na turan ni Jave. Ang mga librong iyon kasi ay pinadala ng kapatid niya. "Magrarank 1 ako kahit hindi ko basahin yang mga yan!"

"Napakayabang mo talaga!" singit ko. "Tutulungan ka namin nila Jiro. Hindi dahil sa interview kundi dahil gusto namin na ikaw ang magrepresent ng company niyo sa malaking business event na iyon."

"Baliw ka ba? Pupunta ako doon dahil sa interview. Kailangan magreview nila Ark at Jiro, total nareschedule na ang exam mo next month, ikaw nalang magturo sa kin Alien!" kumikislap ang mga mata niya sa excitement.

"Ha? Oo ba! Ano gagawin?"

"Idikit mo ang noo mo sakin."

Tinapunan ko sya ng unan na sinalo lang niya tapos tumawa. Pati sina Jiro at Ark nakitawa na rin. "Napakayabang mo talaga noh? Jiro, di ba hiningi ko sayo ang mga kopya ng test papers ni Jave para malaman natin kung nasaang level na utak niya? Nasayo na ba?"

"Ah, oo. Kahapon ko lang nakuha sa professor namin." sagot ni Jiro sabay kuha ng mga papel.

"Hoy!" sigaw ni Jave kay Jiro. "Ano yan? Tinatraydor mo na ako ngayon?"

"Tinatraydor kita?" maang na tanong ni Jiro. "Oo. Siguro.."

Mapang-asar na tawa ang binigay ko kay Jave. Sinubukan niyang agawin ang mga papel na hawak ni Jiro pero nagawa parin nitong ibigay iyon sakin.

"Humanda ka sakin." bulong niya kay Jiro.

"I got your back, dude." suporta ni Ark kay Jiro.

Kaya ganun nalang ang pagkaasar ni Jave. Parang ninakawan ng loyalty. Tiningnan ko ang mga test papers niya. Pakiramdam ko natuyuan ako ng dugo sa utak. "Godzilla? Anaconda? Wonderwoman?? Seriously Jave? You call this test papers??" galit na sigaw ko. Napahawak pa ako sa balikat ko dahil kumirot iyon.

Natahimik silang tatlo. Pati si Jave hindi nakaimik.

"Akala ko nag aaral ka. Ano to?"

Kinagat niya lang ang ibabang labi, pero hindi pa rin sumagot.

"Kayong dalawa naman, pinabayaan niyo lang? Ni hindi niyo sinabi sakin??" napahawak ako sa sentido. Sobrang inis ko kasi buong akala ko dahil araw-araw siyang pumapasok, nag aaral na siya. Nagpupunta lang ba siya sa Westside para panoorin si Rianne na magturo ng ballet? Hindi ko alam pero nagagalit ako, nagseselos at at higit sa lahat napipikon.

Ngumiwi ako nang biglang kumirot ang balikat ko.

"Ok ka lang?" alalang tanong ni Jave, akmang lalapit sa akin.

"Subukan mong lumapit!" sigaw ko.

Tumigil siya.

" Wala ka man lang pinakinggan sa lahat ng sinabi ko. Hindi ba yun mahalaga sayo? Ginawa mo na 'to dati eh. Akala ko pa naman nagbago ka na. Ganun ka pa rin pala. Pakiramdam ko ngayon wala akong silbi, yun na nga lang ang trabaho ko, ang patinuin ka, hindi ko pa magawa...siguro kailangan ko nang magdrop sa Westside. Hindi ko na hihintayin na si Ms. Ysabel pa mismo ang gagawa nun para sakin. Wala akong nagawa ni isa sa mga inutos niya sakin, nakakahiya." ayokong umiyak pero naiiyak talaga ako. Nang tumulo nag luha ko wala nang tigil iyon.

"Sofia, wag ganyan.." bulong ni Ark.

Kay Jave ako nakatitig na tahimik lang at blanko ang expresyon ng mukha. "Para test paper lang nagda-drama ka na ng ganyan. Tumigil ka na nga."

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now