Chapter 57

212K 7.2K 643
                                    


"Aray-aray ang hikaw ko...masakit!" daig ni Jave nang pitpitin ko ang tainga niya nang mapagsolo kami.

"Ano masakit, gusto mo pa??"

Ang sama ng tingin niya sa akin. Sinalubong ko iyon ng mas masamang tingin hanggang sa siya na ang unang ngumisi. "Ba't ka ba nananakit? Hindi mo na nga ako sinundo sa airport pingot pa isasalubong mo sakin!"

"Anong ginawa mo sa airport pagkalapag mo? Umamin ka."

Nangunot ang noo nito. Mukhang naalala ang kabaitang ginawa. "Kasalanan mo yun kasi wala ka. Kung nandoon ka eh di hindi madilim ang mood ko."

"Ako pa sinisi?" Hindi ako makapaniwala.

"Kasalanan mo." aniyang inaayos ang hikaw sa tainga. "Ang sakit.." reklamo pa niya na nakanguso. " Ang lupit mo, hindi mo alam kung anong giyera pinagdaanan ko sa Korea para sayo tapos ito lang igaganti mo? Wala man lang I miss you Jave? Walang hug? Walang kiss...?"

Pinandilatan ko siya.

"Wala talaga?"pilit niya.

Inangat ko ang kamay ko. Lumayo siya kaagad. Isang segundo lang ang layo na ng agwat namin.

"Tama na! Masakit pa nga eh!"

Natawa ako dahil akala pipingutin ko ulit. Peste tong Paniking ito, kapag kaming dalawa magkasama akala mo ang bait. Kanina lang ang mga mata niya dun sa spiker parang galit na serial killer. Di ko alam kung normal pa ba siya o kailangan ko nang I-advise si Miss Ysabel na ipasok sa mental ang kapatid niya.

"Di nga? Di mo talaga ako namiss?"

Umiling ako. "Busy ako sa sakit ng balikat ko. Hindi kita naisip."

"Ganun?" nalukot ang mukha ni Jave. "Ang sakit mo talagang magsalita eh noh? Saktan din kaya kita? Tch. Teka, baka hindi mo lang naalala na namiss mo ako dahil sa mga painkiller at mga gamot na tinurok sayo sa hospital?"

Natawa ako pero pinigil ko lang. Siraulo talaga 'to. "Siguro.."

Tumawa na ulit siya. "Yun nga yun. I'm sure namiss mo ako nakalimutan mo lang.. Uwi na tayo?"

Tumingin ako sa oras. Pasado alas kwatro na kaya tumango nalang ako kay Jave. Dahil wala siyang dalang kotse, nagcommute kami pauwi. Sumakay sa aircon na bus si Jave, nakapagtataka dahil ilang beses itong nabunggo sa dami ng sumasakay, nanatili lang itong nakatawa sa akin. Yung pagmumukha ni Paniki ngayon parang anghel na kahit saktan mo hindi gaganti. Nakakatuwa.





Dahil sa traffic madilim na ng makarating kami sa subdivision. Naglakad nalang kami papunta sa bahay. Dala-dala niya ang bag ko na naglalaman ng PE uniform.

"Jave.." hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Ito na ang pinakamagandang pagkakataon dahil mukhang good mood naman siya. "May sasabihin ako.."

"Ano yun?"

Nagkarera ang tibok ng puso ko nang tumingin sa akin ang nakatawa niyang mga mata. Napalunok ako at napahinga ng malalim.

"Ano yun? Sabihin mo na. Kinakabahan ka ba?"

Nahalata niya. Pinigil ko ang panginginig ng kamay ko. Tinago ko yun sa likod ko. "Hindi no."

"Ba't di ka makapagsalita diyan? Alam mo pwede mong sabihin sakin lahat. Hindi ako magagalit at mas lalong hindi ako tatanggi. Kung kaya ko yan gagawin ko. Ikaw pa!" sabi pa niya na nagpagaan ng loob ko. "Wag mo lang hihilingin na hanapin ko mga kamaganak mo dahil hindi ko gagawin. Hindi ko gagawin hanggat hindi mo pinapangakong hindi ka aalis ng bahay ko."

"Ha?"

"Anong ha?"

"W-wala!"

"Ano na sasabihin mo?"

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now