Chapter 60

197K 6.9K 830
                                    


Huwag daw akong maghugas, siya nalang daw dahil baka mabinat ako. Pero ilang oras nang nasa sink ang mga hugasan hindi pa rin siya lumalabas sa kwarto niya. Napapailing kong tinungo ang kusina at naghugas. Tapos ay binuksan ko ang speaker sa sala upang subukan na gawin ang mga bagong steps para sa sayaw na pinaghahandaan namin. Kailangan ko na din mag-inat ng katawan dahil ilang linggo na din akong laging nakahiga lang.

Sinubukan kong gawin ang mga easy steps. Hanggang sa nag enjoy ako at tuluyang pinagpawisan sa ginagawa ko. Halos isang oras na akong nagsasayaw nang makaramdam ako ng matinding pananakit ng balikat.

"Araayyy..." napaupo ako sa sofa.

Saka naman ang pagbukas ng kwarto ni Jave. Kumunot ang noo niya nang maabutan akong hawak hawak ang balikat ko tapos pinagpapawisan.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya na salubong ang kilay. "Sumayaw ka ba?"

"Saglit lang naman, kaya lang sumakit eh.."

"Tch. Bakal ba yang ulo mo? O may tubig yang tainga mo? Sabi ko magpahinga ka na di ba?" sermon niya. Sleeveless ang damit ko kaya nasilip niya ang nakabandage kong sugat. "Namamaga 'to ah. Tsk."

Kinuha niya ang medicine kit na binigay ng doctor para sa sugat ko. "Upo ka nga dito." Hindi nalang ako umimik para matingnan niya ang sugat at mapalitan ng bandage. Ingat na ingat ang mga kamay ni Jave, nakatutok ang lahat ng atensyon niya sa ginagawa kaya malaya kong napagmamasdan ng malapitan ang mukha niya.

Nakakatawa. Pero kung ganitong klase ng lalaki ang mamahalin ko, habambuhay akong makikipagpaligsahan sa lahat ng babaeng makikilala niya at magkakagusto sa kanya. Hindi lang yun, kailangan ko din ng malakas na katawan at makapal na mukha panlaban sa mga taong hindi ako tanggap para sa kanya. Kung bakit kasi may ganitong mukha si Paniki? Yung mukhang pag nakasalubong mo sa daan susundan mo na kahit saan. Kagaya ng nangyari kay Bella. Diyos ko Lord, tatanda ako ng maaga. Nakakaiyak.

"Kung masakit talaga uminom ka na muna ng painkiller."sabi pa ni Jave pagkatapos itali ng bandage ang buong braso ko. "Wag mo na munang gagalawin, kukutusan kita!"

"Oo."

"Puro ka Oo, wala ka namang sinusunod sa mga sinasabi ko." pairap niyang turan.

"Ang sungit mo."

"Eh kasi ang tigas ng ulo mo! Sumagot ka pa itatali ko pati yang kabila mong kamay!"

Kaya nanahimik nalang ako. Naalala ko ang mga notes ko, kailangan ko palang basahin iyon para sa exam. Kaya tumayo ako.

"San ka pupunta?" tanong ni Jave.

"Sa kwarto, magaaral. Hindi ka ba magaaral?" tanong ko dahil hawak na niya ang videogame controller.

"Hindi."

Sabagay. Kelan ko ba siya nakitang magbukas ng libro? Maliliit ang mga hakbang na tinungo ko ang kwarto ko. Maaga pa naman kaya may time pa ako na magbasa. Nang makaramdam ako ng antok pumunta na ako sa banyo para maglinis ng katawan.

May problema. Hindi ko maigalaw ang kamay ko hindi ko kayang hubarin ang damit ko. Shit. Hindi ako makakatulog hanggat hindi ako nakakaligo. Panu 'to? Pabalik-balik ako sa kwarto ko para magisip ng paraan.

Si Jave!






Paglabas ko ng kwarto wala na siya sa sala. Kagat labi akong kumatok sa pinto niya. "Jave..tulog ka na?"

Walang sagot.

"Jave!"

Wala pa rin.

"Jave!!" sabay katok ng mas malakas.

Lumabas siyang nakatuwalya. Basang-basa ang buhok kakalabas lang ng CR. Umaagos pa sa katawan niya ang tubig. Napakurap ako dahil para akong nanonood ng live na commercial ng isang sabon. "Bakit?"

"Ahmm.."

"Bilisan mo naliligo ako."

"Hubaran mo nga ako."

Napanganga siya. "Ano?"

"Hindi ko kayang hubarin ang damit ko." inginuso ko sa kanya ang nakabenda kong kamay at buong braso.

"Gupitin mo yang damit mo." utos niya na umikot ang mata.

"Ayoko. Dali na kasi."

"Sofia. Tingnan mo nga ako. Ano ba tingin mo sakin?

Tiningnan ko siya sa mukha ng diretso. "Paniki?"

Umikot na naman ang eyeballs niya. "Lalaki. Lalaki ako. Tapos sasabihin mo sakin na hubaran kita. Nababaliw ka na ba? Gupitin mo yang damit mo tapos ang problema mo! Bye!" sabay sara ng pinto.

Kinatok ko ulit iyon. "Ayoko nga. Ngayon lang naman bukas hindi na kita aabalahin dito promise. Sige na Jave, hubaran mo na ako."

Dinikit ko ang tainga ko sa pinto dahil wala akong narinig na sagot. "Jave! Hubaran mo na ako. Ngayon lang.." ilang minuto pa akong kumatok hanggang sa buksan niya ulit ang pinto.

Nakabusangot ang mukha at halatang asar na. "Talikod." utos niya.

Sinunod ko naman. Naramdaman ko ang pagsayad ng daliri ni Jave sa balat ko nang hawakan niya ang laylayan ng damit ko. Napaiktad ako kaya nagulat siya at natigilan ,binitiwan niya din ang damit ko. Narinig ko ang paghinga ni Jave nang malalim bago muling abutin at inangat ng dahan-dahan ang damit ko. Hindi ko alam kung nakatingin siya o kung nakapikit siya dahil nakatalikod ako sa kanya. Ang init ng pisngi ko sa hiya nang tuluyang mahubad ang damit ko at tanging pink na bra nalang ang pangitaas kong saplot. Hindi pa ako nakakaisang hakbang palayo sa kwarto niya isinara niya agad ang pinto.

Tumakbo na din ako sa kwarto. Grabe ang kabog ng dibdib ko. Hinawakan ko ang magkabila kong pisngi na sa sobrang init ay namumula na. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa sa balat ko ang pagsayad ng daliri ni Jave sa beywang ko. Napalunok ako ng maraming beses.

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now