Chapter 49

239K 7.5K 1.9K
                                    


Nagising akong masama ang pakiramdam. Parang ang bigat ng balikat ko.

"Jave.." hindi ko pa man naididilat ng tuluyan ang mata ko pangalan na niya ang unang naibigkas ko. Siya ang huli kong nakita nang mawalan ako ng malay siya ang inaasahan kong makita paggising ko.

"Sofia? I'm here.." boses ni Jave iyon na nagpabuhay sa nanlalata kong katawan.

Mukha niya ang unang nasilayan ng mga mata ko. Kaya parang naibsan lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ayokong maalala lahat ng nakakatakot na bagay na pinagdaanan ko sa loob ng bar na iyon kaya itinuon ko ang buong atensyon ko sa mukha ni Jave.

"Are you ok? May masakit ba sayo? May kailangan ka ba?" sunod-sunod ang tanong niya ramdam na ramdam ko ang pag aalala sa boses niya. Akala ko hindi siya makakarating, akala ko tuluyan na akong mapapariwara kagabi, buong akala ko talaga si Rianne lang ang mahalaga sa kanya. Mukhang nagkamali ako. Dumating si Jave. Niligtas niya ako. Kagaya ng lagi niyang ginagawa kapag nalalagay ako sa alanganin. Paano nalang talaga ako kung wala siya?

"Tubig.." sabi ko.

"Ark, tubig daw!" sinipa niya ang upuan ni Ark. Namutla tuloy sa pagkabigla si Ark dahil abala ito sa paglalaro sa cellphone.

"Walanghiya! Ano ba!" galit na reaksyon ni Ark, pero ngumiti bigla nang makita akong gising na. "Sofia, gising ka na? Gising ka na talaga? Sandali kukuhanan kita ng tubig!" pero binunggo niya si Jave para makaganti. Napahawak ako sa noo. Ang sakit nila sa ulo.

"Kumusta ang pakiramdam mo? I'll call the doctor para macheck ka." si Jiro iyon. "Nga pala kakaalis lang ni Zirk. You may want to message him. Nagaalala din sayo yun ng sobra."

"Tsk." reaksyon ni Jave. Tiningnan ng masama si Jiro.

"Ano?" ganti ni Jiro. "Bitiwan mo nga kamay niyan hindi na yan makahinga!" tukoy ni Jiro sa kamay ni Jave na kanina pa nakahawak sa kamay ko. Hindi na nito binitiwan simula nang hawakan kanina.

"Humihinga ba ang kamay? Ang talino mo rin eh!" sagot ni Jave.

"Ba't ka nga kasi nakahawak sa kamay ko?" tanong ko sa kanya.

Gusto kong tumawa nang umangat ang kilay niya. "Binibilang ko ang pitik ng pulso mo, chinicheck ko kung normal ang pulse rate mo!"

"Talaga? Sige ilan?" hamon ko. Gusto ko kasing kiligin kapag hindi niya nasagot ang tanong ko. Ibig sabihin, nagsisinungaling siya.

"Ha? Ano..one hundred kilometers per hour." sagot niyang nagpatawa kina Ark at Jiro. Pati ako gusto kong humagalpak ng tawa kaya lang sumasakit ang balikat ko kada galaw ko. Baliw na talaga tong Paniking 'to.

"Ano yun bagyo? Mas matalino ka eh!" komento ni Jiro bago umalis at naghanap ng doctor. Natatawa talaga ako. Nang ibaling ko ang tingin ko kay Jave, nawala bigla ang ngisi ko dahil seryoso siyang nakatitig lang sa akin. Naconscious tuloy ako dahil bagong gising ako at alam kong pang horror ang mukha ko.

Wala akong imik na uminom ng tubig na binigay ni Ark.

"Anong nararamdaman mo?" tanong niya.

"Wag mo akong tingnan!" saway ko sa kanya.

"Bulagin mo 'ko."

Hay. Nakakainis. Nahihiya ako.

"Alam mo ba kung ilang oras kong hinintay na imulat mo yang mga mata mo? Ang tagal, pakiramdam ko namatay na ako, nabuhay ulit tapos namatay na naman. Tatlong lifetime ang naubos ko kakahintay na magising ka, alam mo ba? Tapos gaganyanin mo ako."

"Inaano ba kita?"

"Sinasaktan mo ako!" nakanguso niyang sagot. "Yung project, bakit hindi mo sakin sinabi? Bakit sumama ka kay Kayla ng hindi nagpapaalam? Sinabi ko na sayo di ba? Wag kang magtitiwala sa kahit na kanino sa Westside? Lahat ng tao doon traydor!"

She's The Bad Boy's PrincessHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin