Chapter 55

213K 7.3K 767
                                    

Excited kong ipinasa ang report ko kay Ms. Coral kasama ng isang flash drive na naglalaman ng interview ko with the princes of hell. Ilang oras na ang nakakaraan since the interview hindi pa rin ako makamove on. Hindi ako makapaniwalang ang dalawang pinakamakapangyarihang tao sa business world ay makakausap ko at sasagot sa mga simpleng tanong ko. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ang buong katawan ko.

"Hey what's going on, don't tell me nakuha niya ang interview??" bulong ng isa sa mga kaklase ko.

"It's Jave. Walang ibang pwedeng kumuha niyan para sa kanya kundi si Jave lang.."

"Hindi ako makapaniwalang ginawa yan ni Jave para sa kanya. Grabe na talaga 'to, nakapagtataka na talaga. Ano bang meron sa kanya? Ano bang pinakain niyan kay Jave??"

Pikitmata ko nalang na pinakinggan ang mga negative nilang komento. Hindi ko naman maiiwasan na ganun talaga ang isipin nila. Kasi kahit ako sa sarili ko, hindi ako makapaniwalang ginawa ni Jave ang lahat ng ito para sa akin. He became rank one in Westside in no time at all, he got the interview effortlessly. He even went to Korea just to talk to dangerous businessmen like the Princes of Hell so I can get my project done. Maybe he did that for himself? Maybe for his sister? Imposibleng para sa akin lang.

Liligawan kita.

Pumasok sa utak ko bigla ang huling usapan namin ni Jave. I'm sure nagloloko lang siya ng gabing iyon. Di ba nga lagi naman niya akong gino-good time? Bakit niya ako liligawan kung ang pangit ng tingin niya sa akin? Kumpara sa crush niyang si Rhianne, isa lamang akong..isa lang akong ewan.

Napatitig ako sa mukha ni Ms.Coral nang mapansin kong tila nagbabadya ang mga luha nito sa mata. Padabog niyang kinuha sa kamay ko ang report pagkatapos ay pairap na umalis ng upuan niya at lumabas. Nilapitan ako ng isa kong kaklase.

"Ang lupit mo Sofia, pagkatapos mo kay Kayla, si Ms. Coral naman, akala ko mabait ka. Bitch ka din pala..?"

"Ano?" maang kong tanong.

Tumawa ito. "Wag ka ngang plastic dyan, alam na namin ang ugali mo. Sinasamantala mong prinsesa ka ng Demon Rex. Nagalit ka ba sa kaibigan mo kaya inutusan mo si Jave na ikickout sa school si Kayla? Hindi ka pa nakuntento si Ms. Coral naman ngayon.. kawawang teacher, knowing Jave, mukhang mawawalan pa siya ng lisensya.."

Napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya.

"Nanggaling dito si Jave nung wala, pwede ba wag ka nang painosente. Yan na ang huling project na ipapasa mo sa Professor natin dahil tinanggal na siya ni Jave sa school na 'to. Nakakatakot ka, imagine kaya mong gawing mas demonyo pa ang dati nang demonyo. Dati nananakit lang si Jave ng teachers at students, ngayon nangwawasak na siya ng buhay. Tanungin mo nga si Kayla kung makakapasok pa ba siya sa ibang school? May duda kasi akong hindi na kahit kelan."

Matalim na tingin ang iniwan sa akin ng kaklase ko. I froze for a moment. Hindi ko naisip ang naging lagay ni Kayla pagkatapos ng insedente. Marahil siguro sa sinapit ko at sa mga bogbog na tinamo ni Jave nang iligtas ako, nagalit din ako kay Kayla. Pero totoo kaya yun? Iginala ko ang paningin sa loob ng classroom wala nga ito, nakapagatataka kasi lagi namang maagang pumasok iyon.

Kinompirma ko sa mga kasamahan ko sa dance club kung pumapasok pa si Kayla. Sinabi din nilang ilang araw nang hindi nagrereport sa club si Kayla. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari. Sa ilang araw na nasa loob ako ng hospital, tingin ko marami nang nagawa si Jave na hindi nakakarating sa akin. Unfortunately lahat ng iyon masakit sa ulo. Napahawak nalang ako sa sentido. Si Jiro at Ark, kailangan ko silang makausap.






"Totoo bang dismissed na sa trabaho si Ms. Coral?" tanong ko kaagad nang makita ko ang dalawa sa canteen.

Nagkatinginan pa sila.

"Sagutin niyo ang tanong ko."

"We didn't know Jave can move that fast. Oo siguro.." sagot ni Ark.

"Pati si Kayla nakickout sa school?"

"Jave is not called the demon rex for nothing. Gagawin niya talaga kay Kayla yun." sagot ni Jiro. "This is what I wanted to discuss with you Sofia. Jave's vindictive attitude is getting worse now. Lahat siguro ng mga tao sa paligid niya, pati ang pamilya niya iniisip na bumabait na siya dahil mas nagiging responsable na siya ngayon. Pero sa nakikita ko parang lumala pa siya. Dahil sayo...."

Napamaang ako sa sinabi ni Jiro.

"Don't get me wrong I have nothing against you, Sofia. Alam kong hindi mo kasalanan at hindi mo gusto ang mga kinikilos ni Jave ngayon. It's just that, because he's always trying to protect you, mas naging destructive na siya. He became more dangerous and unpredictable. Hindi na siya nagwawala kapag nagagalit, yun ang mas nakakatakot."

"Anong gagawin natin?" mas kinabahan ako na nanggaling na mismo kay Jiro iyon. "Anong gagawin ko?"

"Nagagalit lang siya ng sobra kapag involve ka. So I suggest the best thing that you have to do for now is to take care of yourself. Don't get yourself into trouble and don't let anybody hurt you. Ganun nalang muna until we figure out what's the best thing to do with him.."

Dahan-dahan akong tumango sa sinabi ni Jiro. Mas lalo tuloy akong natakot sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko alam kung dapat kong sabihin kay Jave na kailangan ko nang umalis sa bahay niya. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. "Uuwi na ba siya?"

"He's leaving Korea in few minutes now, he'll be back in more than 4 hours." sagot ni Jiro.

Kumabog ng malala ang dibdib ko. Hindi ko alam kung paano na haharapin si Jave nito. Sa totoo lang miss na miss ko na siya. Ngayon palang gusto ko nang tumakbo sa airport para salubungin siya, ang pinagaalala ko ay kung paano sasabihin sa kanya na aalis ako sa bahay. Sigurado akong hindi niya ikatutuwa iyon. Nanghihina akong napasandal sa upuan. Hindi ko alam ang gagawin ko.

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now