Chapter 38

204K 6.6K 1.1K
                                    


"Si Sofia?"

Tanong ko kay Jiro. Baka kasi nakita nito, hindi ko naabutan sa bahay. Totoo nga ang sinabi niyang maaga siyang papasok. Nagmadali pa naman akong umuwi kaninang madaling araw. Ano kaya ang problema ng Alien na yun? Ang sakit ng katawan ko simula kagabi, gusto ko talagang pagsusuntukin isa-isa ang mga bwesit na babaeng dumumog sa akin, kaya lang inisip kong baka masira ko ang mood ni Alien. Halata naman kasing sobrang saya niya kagabi. Hindi ko lang maintindihan kung bakit sa kabila ng pagtitiis ko sa bogbog na tinamo ko, ramdam kong sumama pa rin ang timpla niya kinagabihan. Sinungitan na nga ako, hindi pa ako hinintay kanina. Tch!

"Hindi ko alam, di ba may cellphone na siya? Tawagan mo."

Kumunot ang noo ko. "Panu mo alam na may cellhone na siya?"

"May facebook na siya di ba?"

Yung taga bundok na Alien may facebook na? Kelan pa? Bakit hindi niya ako inadd? Hinablot ko ang cellhone ni Ark. Nakakabit pala yun sa headphone na nasa ulo kaya pati ulo niya nahila ko. "Tsk. Yung ulo mo, ibulsa mo!"

"Ano ba naman Jave!" asar na bwelta niya sa akin. Nasa labas kami ng classroom, nagpapalipas ng oras habang naghihintay matapos ng iba ang exam. Tapos na sina Jiro at Ark sa mga test papers nila.... ako tapos na akong mag-drawing ng Godzilla sa test paper. Ok na yun. Tiningnan ko ang facebook account ni Ark, hinanap ko doon si Sofia. Hindi nga ako nagkamali, pati si Ark friend na niya. Hmm. Nag upload siya ng pictures mula sa carnival? Mga pictures na karamihan ako ang kumuha. Tapos hindi man lang sinali ang picture ko? Damn!

Online siya sa messenger. Tinawagan ko siya gamit ang account ni Ark.

"Ark?" bungad ni Sofia.

"Jave to. Nasaan ka? Anong oras ang lunch mo? Magpakita ka nga sa akin Alien!"

"May practice ako sa dance club mamaya." walang kagana-gana niyang sagot.

"Tsk. Ano?? Kahit 10 minutes lang? Sabay tayong maglunch." anong klaseng practice yan na kakainin lahat ng oras niya para sa lunch. Papasara ko ang club na yan eh!

"Busy ako Jave. Wag mo na rin akong antayin mamayang hapon. Kaya ko nang umuwi mag isa."

The heck! "Ano? Hanggang anong oras ka? Anong gagawin mo? Hihintayin--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang binaba niya ang phone. Tapos offline na kaagad. Uminit din kaagad ang ulo ko. Anong problema? May kasalanan na naman ba ako? Hindi naman ako nagreklamo kahit nalamog ako kahapon ah? Sa asar ko, marahas kong naikuyom ang kamay ko.

"Shit cellphone ko!" angal ni Ark. Pagtingin ko sa kamay ko, basag ang screen ng Iphone niya dahil nadiinan ko ng husto.

Asar kong isinaksak iyon sa dibdib ni Ark na nagsimula nang ngumawa. Nasira na kaagad ang mood ko.

"Anong problema?" tanong ni Jiro na nakatingin sa kunot ng noo ko.

"Ang lakas niyang makasira ng araw! Binabaan ako ng phone."

Mas lalo pa akong nairita sa nakakatulilig na iyak ni Ark dahil sa cellphone.

"Hindi ba sasama mag lunch?" tanong pa ni Jiro. Irap ang isinagot ko. Wala ako sa mood magpaliwanag.

"Tara nga! Samahan mo ko." hinawakan ko si Ark sa kwelyo at hinila ko para sumama sakin. Nagrereklamo ito pero wala akong naririnig. Mapuntahan nga ang Alien na yun at nang maturuan ng leksyon. Kinakausap ko siya, wag niya akong papatayan ng cellphone, sasamain siya.

"Teka sandali!" sumunod na rin si Jiro.





Napuntahan na naming tatlo lahat ng sulok ng school hindi pa rin namin mahanap si Sofia. Namataan ko ang babaeng madalas niyang kasama. Isa sa mga kaklase niya.

"Ayun si Kayla, tanungin mo." ani Ark.

Nilapitan namin ang babae, may kausap ito sa cellphone, pabulong pa kung magsalita.

"Hoy ikaw!" namutla siya nang makita ako. "Si Sofia?"

"J-jave.. ahmm. Sa-sa theatre yata. May practice siya .."

Hindi ko na hinintay matapos ang sasabihin niya. Tinungo ko na kaagad ang lugar na sinabi ng babae. Tuturuan ko talaga ng leksyon ang Alien na yun. Ang lakas ng loob babaan ako ng phone. Tapos ayaw pa akong sabayan mag-lunch! Ha! Papaduguin ko nguso niya.

Nakita ko siyang nakaupo sa bench. Nakamasid sa ilang pares ng mga dancer na nagpapa-praktis. Tch! Nakatitig pa talaga siya kay Zirk Alcantara. Teka, mukhang nakapako talaga atensyon niya sa baklang yun hindi man lang napansin ang pagdating ko. Halos lahat ng mga kasama niya nagsitahimik na at dumistansya, siya walang pakialam.

"Nagpapractice siya. Tara na may exam pa tayo." yaya ni Jiro.

Nakatitig siya kay Alcantara. Halatang may gusto talaga siya. Hindi pa umamin. Nakaka-init ng ulo. " Alien!" tawag ko. Ngipin lang talaga niya ang walang latay.

Narinig niya ako. Pero hindi niya ako pinansin. Kaya lumapit na ako. "Sofia--"

"Ano???!!!!!" Bulyaw niya. Natameme ako ng ilang segundo. Nakalimutan ko tuloy ang pakay ko.

Masama ang mukha ni Alien parang badtrip. Sinapian ng kapwa niya aswang.

Tangina.

Napalunok ako. " Ba't ka ba naninigaw? Nakakatakot ka.." Para siyang aswang, pangil nalang ang kulang.

Bakas sa mukha niyang gusto niya akong gulpihin. Tangna ako pa gugulpihin? Napansin niyang nakatingin na sa amin lahat ng kagrupo niya kaya hindi na siya muling umimik. Inirapan niya lang ako saka muling ibinalik ang atensyon kay Alcantara. Sumasayaw ito kasama ng isang babaeng membro. Alam ko na. Nagseselos si Alien. Tsk. Kawawa naman, ang pangit kasi.

"Tara na, kumain nalang tayo." hinila ko siya palabas ng theatre kahit ramdam ko ang protesta niya. Nakabusangot pa rin ang mukha niya kahit nasa labas na kami at wala na sa paningin niya si Alcantara. "Nagseselos ka ba?"

Namula si Alien. Hindi makatingin sa akin ng diresto. Letse. Mukhang tinamaan nga ang isang ito kay Alcantara. Tsk. Panu ba 'to? Naloko na, nainlove na ang aswang.

"Hindi." sagot niya kahit halata namang oo.

"Ang pangit mo kasi. Wag ka nang umasang magugustuhan ka pa nun. Kumain nalang tayo, nagugutom na ako."

Hihilahin ko na sana siya sa canteen pero natigilan ako nang mapansin kong maluha-luha ang mga mata niya. Naiiyak si Sofia, pinipigil niya. Nagmatigas din siya kahit na hilahin ko.

"Ayoko ngang kumain. Ikaw nalang. Andyan naman sina Jiro."

Sumeryoso ang anyo ko. Hindi ko gusto ang mukhang nakikita ko kay Sofia, kahit hindi tumulo ang luha niya, ramdam kong nasasaktan siya. Gusto kong balikan si Zirk sa loob at pagapangin sa lupa. Walang karapatan ang sinuman na paiyakin si Alien. Pero kung gagawin ko iyon, kung aawayin ko si Alcantara, baka imbes na maibsan ko ang selos na nararamdaman ni Sofia, baka mas lalo pa akong dumagdag sa sama ng loob niya.

Peste, ayoko talagang nakikita siyang nasasaktan. Pero hindi ko alam ang gagawin ko. Babalikan ko ba si Zirk sa loob at kakausapin tungkol sa sitwasyon ni Sofia? O pasasayahin ko nalang siya sa paraang alam ko para wag na siyang masaktan? Tch! Ano ba yan!

 Babalikan ko ba si Zirk sa loob at kakausapin tungkol sa sitwasyon ni Sofia? O pasasayahin ko nalang siya sa paraang alam ko para wag na siyang masaktan? Tch! Ano ba yan!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
She's The Bad Boy's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon