Prologue

1.7K 37 0
                                    

Mahirap umibig,mas lalo na kung alam mong ikaw lang ang masasaktan sa huli.
Mahirap umibig mas lalo na kung alam mong walang patutunguhan ang nararamdaman mo para sa kanya.

"Malungkot ka ba?" Tanong ni Sayvel kay Rayko.He knows na sobrang lungkot niya pero imbis na ipakita ang emosyon niya, nginitian niya lang ito.

"Bakit ako malulungkot?Sa ganda kong to!" Iwinasiwas niya ang kanyang kamay sa harap ng mukha ng kaibigan sabay tawa.Pero hindi ito nakalusot kay Sayvel.Alam niya na pinipilit lang ng bakla na ngumiti sa harap niya.

"No need to act tough.Pwede mo akong iyakan ngayon" Sayvel said softly.Natigilan naman si Rayko,hindi niya na talaga napigilan,nayakap niya ang kaibigan at tuluyan nang humagulhol.

"Kasi...naman...eh..Mina..hal ko siya!Niloko..niya..lang ako" he muttered between his cries.Naaawa si Sayvel sakanya pero wala siyang masabi ngayon.The only thing she can do is to hug him,at least to ease the pain he's feeling.

Ngayon,nalaman ni Rayko ang katotohanan na matagal na siyang ginaga*go ng boyfriend niya.Pineperahan lang siya nito.Nahalata na din ito ni Sayvel nung una palang pero dahil ayaw niyang masaktan ang damdamin ng kaibigan mas pinili niyang hindi sabihin ito.

Kaya ayaw niya sa love love nayan eh.It only destroys,tears,and breaks a person's heart!She don't really see what's good in being inlove!

"Thank you Sayvel ah.Promise last ko na talaga to.He don't deserve my tears anyway!" sumisinghot singhot pa galing sa pagiyak si Rayko.Tinawanan niya lang ito

"Sabi ko na kasi sayo eh" sermon niya sa bakla.. Inirapan lang siya neto

"Kapag ikaw naman ang umiyak.Tatawanan din kita ng sagad.Gaga!" Pinalo siya nito ng mahina sa braso. As if naman maiinlove ako isip isip ni Sayvel

"Whatever.Bigay ko pa sayo allowance ko kapag mangyari yan" alam niya kasi sa sarili niya na napaka-imposible na mainlove siya.Tigasin siya eh at medyo mataas yung standard niya.Yung mga type niya yung mga fictional characters lang na nababasa sa libro.And it doesn't exist in this world.So the case is,it's really futile for her to be inlove unless magkatotoo ang ang mga binabasa niya.

"Sabi mo yan ah.teka lang isusulat ko yan sa note ko" kinuha naman ng bakla ang cp niya

"Ibibigay daw sakin ni Sayvel ang allowance niya kapag may iniyakan siyang lalaki" Isinabibig pa neto ng pagkalakas lakas ang tinype niya sa cp niya.Sinamaan niya lang ito ng tingin.Siya pa talaga ang hinamon nito.

Hinding hindi siya magkakagusto sa lalaki dahil babae din ang nais niya hahaha

"Bahala ka.Kapag matupad ko ang sinabi ko,ibibigay mo sakin ang ferrari ng kuya mo" pananakot niya dito, humagalpak pa siya ng tawa.Rich kid kasi ang bakla kaya yun yung unang naisip niya yung makintab na kotse ng kuya niya!Hahaha.Wise.

"Ang unfair naman!" nakalabing sagot nito.

"So it's a deal" abot tenga ngiti niya.Alam niyang siya mananalo dito.Hindi siya maiinlove sa lalaki no!

"Fine then" Rayko gave in to her.Lahat naman ng tao naiinlove.Imposibleng di mainlove tong si Saybel.Yun yung naisip niya kaya pumayag nalang siya.

Sino kaya ang mananalo sa pustahan ng dalawa?

My Handsome GirlWhere stories live. Discover now