Chapter 47: Ama

107 12 0
                                    

Warning! This chapter contain scenes and strong language that may not be suitable for very young readers.Read at your own risk:)

---

Ilang malulutong na mura ang pinakawalan ni Rayko sa isip niya habang binabagtas niya ang kagubatan.

Habang papalapit ng palapit sa banda kung saan naroroon ang lumalagablab na apoy sa kagubatan, mas umiinit ang pakiramdam niya.

Literal para siyang papunta sa impyerno.

Lumilingon lingon siya sa paligid habang tumatakbo nagbabakasakali na makita ang amahin ni Sayvel, gusto niya mang isigaw ang pangalan nito para mas mapabilis ang paghahanap ,hindi naman maaari kasi pwedeng makaattract lang siya ng kalaban at mas matatagalan pa ang paghanap niya.

Paano kaya kung yung dati niyang sarili ang maharap sa ganitong sitwasyon? Baka nagngangawa na siya kasi na-stress ang beauty niya.

Pero ngayon ay wala siyang maramdaman na kahit na anong takot. All in his mind right now is his future with her.

He wants to marry her. She's gonna carry their kids and he can finally see her happy.

Paulit ulit na pumapasok ang mga ganung imahe sa utak niya at mas tinutulak siya nito ang kagustuhan niya na mahanap na agad ngayon si Mang Junie at mabuhay ng payapa kasama ng nobya.

Napatigil siya sa pagtakbo nang makarating siya sa mismong harapan ng rumaragasang apoy sa kagubatan. Napaatras siya bigla. Hanggang dito na lang ang kaya niyang bagtasin, hindi siya pwedeng pumasok sa apoy.

Napalunok siya at saglit na napadasal sa kanyang isipan.

'Diyos ko. Tulungan niyo kami"

May humawak sa balikan niya dahilan para ambahan niya kung sino man ang estranghero.

Nabitin sa ere ang kamao niya nang makita na si Tay Junnie ito. May dugo na galing sa ulo nito na tumutulo papunta sa mukha nito. Marami ang mga sugat sa katawan at halos wasak wasak na ang damit. Bukod sa mga sugat ay may mga lapnos pa ito sa katawan na tansya niya ay dahil sa apoy.

Ilang segundo siyang di nakagalaw sa itsura nito.

Inalalayan niya ito kaagad. Nakaramdam siya ng sobrang awa nang maramdaman kung gaano nanghihina ang katawan nito sa pag-alalay niya.

"Panganib" hirap na usal nito. "Neneng?" nagawa pa nitong hanap ang anak anakan kahit kunti na lang ay mahihimatay na ito

"Magkikita kita po tayo mamaya kaya tatagan nyo sarili nyo"

Pinasan niya nalang ito kapagkuwan para mas mapabilis sila dahil abot abot na sa kanila ang apoy ngayon na para bang may sarili itong buhay at sinusubukan silang huliin.

Panay ang pakiusap niya dito na tatagan ang loob habang pasan pasan niya ito.

Ilang sandali pa ay kamuntik na silang mahulugan ng lumalagablab na kahoy. Ilang beses yun nangyari. Di niya mabilang ang mura na napapakawalan niya

Hinihingal man ay tumakbo na siya kahit medyo nahihirapan para makalayo sila sa rumragasang apoy. Panay na din ang ubo nilang dalawa dahil sa usok.

"Tatay ibaba ko pa kayo sa saglit"

Hinubad niya ang basang damit niya at pinangtakip sa bibig at ilong ng matanda . Napabuga siya ng madaming hangin bago niya nagawang ipasan ulit sa likod niya.

Nagawa niya pa na itanong sa matanda kung sino ba ang may gawa sa kanya nito pero nawalan na itong malay habang pasan pasan niya sa kanyang likuran.

Napamura na naman siya.

Nakailang mura na ba siya ngayong araw?

Idagdag mo pa na kahit anong scenario ang pumapasok sa isip niya sa kung ano na ang pwedeng nangyayari ngayon sa kasintahan sa kabilang banda.

My Handsome GirlWhere stories live. Discover now