Chapter 43: Barrio

54 9 0
                                    

Naalimpungatan na lang siya na maramdaman ang sobrang pagalog ng kotse.

"Asan na tayo?" sulyap niya sa nobyo na sobra ang concentration sa pagdadrive, halos nakakunot na noo.

Sumulyap ito sa kanya. Saka lang umaliwalas mukha nito. "Sorry I woke you up. Lubak lubak kasi ang daan dito"

Napatingin siya sa harap. Halos pasikat na ang araw. Di niya akalain na napadiretso tulog niya
"Ba't di mo ako ginising?para palitan sana tayo ng pagdrive. Wala ka pang tulog"  pinagmasdan niyang maigi ang mukha nito. Naawa siya sa laki eyebags nito.

"Wala yun. Editor in chief ako, sanay ako sa puyat" tawa nito.

"Pakitang gilas ka. Sinasabi sakin ng eyebags sa mata mo na gustong gusto na magpahinga ng katawan mo. Ako na diyan,mas kabisado ko naman ang daan" pagsusungit nya dito.

Di niya gusto na napapagod nang dahil sa kanya. Alam niya din na mula nang magkaproblema sila simula nung nawala si Katty hanggang ngayon na pinagtapat niya na nakapatay siya ng tao, hindi na ito nakatulog ng maayos.

His life could've been easier without her.

Pero mas naging mahirap sa kanya nung wala ka. ani ng konsensya niya.

She shooked the negative thoughts. Kailangan niyang magfocus sa solusyon,hindi sa problema.

Ilang sandali napapayag niya na ito na palitan niya ito sa pagdadrive. Mas hindi na maalog ang kotse nung siya na ang nagdadrive.

Naramdaman niya na titig na titig sa kanya ang nobyo kaya sinulyapan niya ito.
"Oh bakit? Pogi ba"

Humalhak ito sa kanya. "Maganda ka"

She just rolled her eyes pero hindi niya napigilan ang ngiti sa labi niya.

"Parang sanay na sanay ka magdrive sa lubak lubak na daan. Kanina nung ako ang nagdadrive halos tumalon talon ang kotse" ngiwi nito.

"Sanay akong tumakas nung nasa Korea kapag hinahabol ako ng mga tao. Madalas dumadaan ako sa mga lubak na daan"  pagyayabang niya

tinawanan lang siya nito. "Mahilig kang tumakas"

Napatingin siya dito saglit dahil parang may double meaning ang sinabi nito. Nakonsensya naman siya agad pero nginitian lang siya nito.

She sighed. "Umidlip ka muna. Mga dalawang oras pa bago tayo makakarating"

Agad naman itong sumandal sa balikat niya. Ramdam niya ang pagod nito, hindi niya alam kung dahil sa kanya o dahil sa mga problema na naipatong niya sa balikat nito.

Ilang saglit agad nakatulog ang nobyo niya sa balikat niya.

Hanggang ngayon hindi pa din siya makapaniwala na nalaman na pala ni Rayko dati pa man ang barrio na pinanggalingan niya.

Napakalayo nito at nasa maliblib na lugar kaya naman mahirap mapuntahan. Halos wala ngang nakakaalam ng lugar na iyon.

Hindi na siya dapat magtaka dahil magaling  na detective ang kuya nito.

Naisip niya tuloy hanggang saan kaya ang naabot ng mga ito para hanapin siya nung bigla siyang nawala.

Lumipas ang dalawang oras. Nakarating sila sa Barrio Laon. Magkakalayo layo ang mga bahay at wala kang makikita kundi puro berde at kakahuyan.

Kada may makakakita sa kanila na tao, napapatingin ito sa kotse kanila. Animong misteryo sa kanila na may naparoon na kotse sa barrio nila.

Mayroon siyang dahilan kung kaya't ayaw niyang bumalik sa lugar na ito at yun din ang dahilan kung bakit hindi niya din nasabi kay Rayko ang tungkol sa barrio na ito at sa pamilyang kumupkop sa kanya noong hindi niya pa kaya ang sarili niya.

My Handsome GirlWhere stories live. Discover now