C H A P T E R 1

4.3K 123 39
                                    

Supot

"HI sir. Thank you for bidding for the highest amount. Kung magkita man tayo pagkatapos nito at namukhaan o nabosesan mo ako kahit may mask ako, please act professionally and don't approach na parang close tayo. May mga kapatid akong bata pa at ayaw kong malaman nilang ganito ang ate nila."

"Teka lang, sakay ka na." Nang buksan niya ang kotse niya ay mabilis akong nagsalita... "At tsaka huwag mo na akong ihatid sir. Salamat."

"Miss kahit pangalan lang," ani niya pero hindi ako umimik.

Nagsimula akong maglakad sa buhangin. Hiniram ko ang coat ng lalaking iyon para may pantakip ako sa katawan at makabalik sa bar ng maayos.

Noong natapos kami ng partner ko kagabi, hindi namin namalayan na nakatulog pala kaming pareho sa may buhangin. Nagising na lang kami ng dumampi ang mainit na sinag ng araw sa walang kasaplot-saplot na katawan namin.

Nilingon kong muli ang lalaki na nagmistulang maliit na stick na lang sa paningin ko dahil sa layo ng nalakad ko. Nakangiti siya at nginitian ko rin siya bilang opisyal na pamamaalam. Noong sigurado na akong hindi niya na ako mahahabol ay tinanggal ko na iyong maskara ko at tinapon ko na sa buhangin...

Ako si Cheesy Demoiselle. Babae. Maikli ang buhok. As in sobrang ikli ng buhok ko. Panglalaki 'yung gupit ko. Military cut.

Dati, mahaba pa 'to pero nag-decide akong ipaputol agad kasi ang dami na kasing split ends. Kapag bored nga ako, binibilang ko 'yung split ends ko eh. Ang panget ding tignan. Nagmumukha akong mais. Kaya 'yon. Pinaputol ko na lang.

Nasasayangan din ako sa perang ipapang-rebond o  ipang-paayos ng buhok. Working student kasi ako tapos ang dami ko pang kapatid na nag-aaral sa elementary. 'Yung pang-rebond ko, pangbaon na lang ng kapatid ko.

Minsan nga, okay na kahit wala akong baon. Basta ang kapatid ko meron, okay na ako.

Ganoon yata talaga kapag panganay. Lahat ng bigat, pasan mo balikat mo.

Iyong nanay ko raw kasi eh, tuwad ng tuwad kaya ayun, dumami kami.

Iyon ang sabi ng kapitbahay naming si Aleng Tessy. Pero hindi ako nanininwala na dahil tumuwad lang si Mama, dumami na kami. Ano 'yun? Si-nex siya ng hangin?

Sabi kasi ng teacher ko sa science, kailangan daw mag-s*x ang isang babae at lalake para makabuo ng bata.

Kaya hindi talaga ako naniniwala kay Ate Tessy na kapag tutuwad ka, dadami na ang anak mo.

Pero minsan, natatakot na rin akong tumuwad eh. Baka kasi totoo 'yung sinasabi ni Aleng Tessy.

Masaya kapag maraming kapatid. Maingay sa loob ng bahay. Palaging nag-aagawan sa pagkain at sa mga gamit. Iyong mga pinaglumaan ko na mang mga napkin at panty, nagagamit pa nga ng mga kapatid kong babae.

Oo napkin. Nilalabahan ko kasi 'yang mga napkin ko. Siyempre, sinasabon ko at sinasampay matapos maduguan. Sayang din kasi.

Siyam kaming magkakapatid. Ako ang panganay. Iyong mga kapatid ko, simple lang ang pangalan. Madali lang tandaan.

Jan-Jan, Jen-Jen, Jin-Jin, Jun-Jun, Chan-Chan, Chen-Chen, Chun-chun at May-May.

Si May May, kaka-sixteen lang noong nakaraang buwan. Oo magka-sunod lang kami. Pagkatapos akong ianak ng mama ko, nabuntis siya agad... sa ibang lalaki. Hindi siya tumuwad ah?

Pero dati noong tinanong ko si Mama kung minsan na ba siyang tumuwad, bigla niya akong sinampal kasi wala raw akong galang.

Ano ba kasing meron sa pagtuwad?

Chasing the WindWhere stories live. Discover now