C H A P T E R 11

1.2K 53 1
                                    

Takbo

"SAAN na ba si Sir Niko, gigil na ako." Si 'JD o JDK', tawag sa kanya ni Sir Henry Satto, ang Big Boss ng Memento Vivere Corporation.

Siya lang naman ang 29 year old na babae na may 27 pieces strands of bangs na isa ring masipag na finance assitant supervisor.

Butihin siyang anak nina Ginang Leonarda Kamulag at Ginoong Eufracio Kamulag, dakilang magsasaka sa lupain ng mga Satto sa Compostella Valley.

Scholar siya ng foundation ng Memento Vivere Corporation at dahil nakitaan ng talino ay pinagtrabaho siya ni Sir Henry Satto sa kompanya nito. Thank you very much. Wala naman siyang masyadong utang na loob.

Si JD o JDK ay pinsan ni Lukrecia Kamulag na nagta-trabaho sa mga Chavez bilang personal maid ng anak ni Sunny Chavez, kumpare ni Sir Henry Satto. Kung saan ang anak na ni Sunny Chavez ay walang iba kundi si Heaven Chavez, kaibigan ni Niko Satto. Kabilang sa miyembro ng 5F o Five Fingers. So help me God.

"Jusko Jestita Demetricia Kamulag, 'pag hindi mo na-contact si Niko, lagot ka na naman kay Sir Henry," ani JDK (Jestita Demetricia Kamulag) sa sarili habang paulit-ulit na umaasang sasagutin ng anak ng boss niya ang telepono nito.

Wavy Hair, shinny bangs, nice dress, red lipstick, pang model na katawan, porselanang kutis. Sayang talaga si JDK at hindi sumakto ang pangalan niya sa kagandahang taglay. So help me God.

Kanina pang palakad-lakad si JDK sa labas ng opisina ng matandang si Sir Henry Satto. Hindi siya mapakali.

Alam niya kasi kung ano ang mangyayari kapag hindi dumating ang anak ng boss niya sa lalong madaling panahon. Bukod sa sa kanya ibabato ang galit nito, alam niyang kawawa rin ang anak ng boss niya. Makailang beses na kasing nakita ni JD o JDK na binubugbog ni Sir Henry ang anak nito.

Madalas nitong sabihan si Niko Satto ng mga salitang, "Bobo", "Tanga", "Walang kwenta," "Kahiya-hiya," at marami pang iba sa harap ng maraming tao.

Medyo bahagyang close sila nitong anak ng boss niya kaya ayaw ni JDK na mangyaring muli iyon kay Niko Satto.

"JD, pinapapasok ka ni Sir Henry Satto sa loob." Si Trish Coningco, secretary ni Sir Henry Satto. Butihing anak ni Felix at Amanda Coningco, mga guro sa isang pribadong aralan.

Katulad ni JDK, talbog 'din sa pagandahan itong si Trish. Suki sa mga pageant. May labing pitong bangs. Kaso 'di katulad ni JDK, hindi gaanong mabansot ang buong pangalan ni Trish. Trishrity Askal Puspin Marie Coningo ang buong pangalan niya. So help me God.

Nakalimutan kong sabihin na mahilig mag-adopt ang mga magulang ni Trish nang galising pusa at aso. Act of humanity. Thank you very much.

Ang Marie naman sa pangalan niya ay base sa pangalan sa pulgasin at ululing asong pinaglihian ng nanay ni Trish sa kanya. Ang importante ay maganda siya. Maraming salamat sa labing pitong bangs. Rest in peace Marie. God is with you.

"Sir? Saan po tayo?" Pagkapasok pa lang ni JDK sa malawak na opisina ni Sir Henry Satto ay nakita na niya itong ugod-ugod na naglalakad. Tinulungan ni JDK ang matanda kahit na may tungkod pa ito. Act of humanity kahit pa asal aso si Sir Henry.

"I need to go to my son's university. I need to find out kung anong pinaggagawa niya sa eskewelahan niya."

Gumapang ang matinding kaba sa circulatory system ni JDK.

Nanginig ang dalawamput-pitong bangs niya. Ramdam niyang tensyonado ang mga bangs niya.

Dati kasi, noong medyo bata-bata pa itong anak ni Sir Henry Satto na si Niko ay napag-atasan siyang padalhan ito ng pagkain sa eskwelahan nito.

Chasing the WindWhere stories live. Discover now