C H A P T E R 25

1K 44 3
                                    

Pagkakamali

NIKO

"Sir Santinielle!" Bigla akong nahinto sa paglalagay ng beafstake sa isang tupperware nang may tumawag sa pangalan ko.

"T.ngina JDK, ginulat mo ako!" sigaw ko nang biglang sumulpot si JDK sa may entrance ng malaki naming kusina.

Naghahabol siya ng hininga nang makarating siya sa harapan ko. "Tangina rin Sir. Si Benjo, nandiyan lang sa labas. Sesenyasan niya tayo kapag may papasok kay pwede tayong mag-usap ng matagal."

"Oh! Anong balita?" Chill lang akong pinagpatuloy 'yung ginagawa kong paglagay ng mga ulam sa mga lalagyan na nasa mesa. Dapat maid ang gumagawa nito kaso wala dapat ibang makapasok sa kuwarto ko kaya solo ko itong ginagawa.

"Si Ma'am Margarette, aalis siya mamayang 4:30 ng hapon at pupunta siya ng Memento Vivere Corporation Building. Doon siya mag-o-opisina para mag-overtime para sa mga gawaing hindi niya nagawa kagapon."

"Tangina. 4:30 pa?"

"Sir, bibig niyo."

"Sorry naman. Nagmana lang sa nanay." Nagtawan kami ni JDK kahit na stressed na kaming pareho dahil nga magka-konsyaba kaming lahat dito. Ang problema ni JDK ay problema ko rin.

"Si Cheesy?"

"Okay naman." Ngumiti ako. Tapos kinilig. Ewan.

"Asus. Ikaw sir ha! Akala ko ba sir bakla kayo?"

"Climate Change," sagot ko kay JDK at hindi na siya pinansin at lumabas na ako na maraming dalang pagkain. Noong nakarating ako sa kuwarto ko sa third floor ay nakita kong nasa may bintana lang si Cheesy na para bang may hinihintay.

"Hey?" Lumingon siya nung narinig niya ang boses ko. Paglingon niya ay nakita ko siyang ngumiti na naging dahilan upang ma-slow motion ang mundo ko.

Akala ko lalapitan ako ni Cheesy para yakapin pero...

"Wow. Mukhang masarap 'to! Mmm!" Niyakap niya 'yung Tupperware na may lamang mga ulam at mga kanin. Natawa at nasaktan ako at the same time.

* * *

CHEESY

"Buka mo bibig mo. Say ahh."

"Hiya ako."

"Sus. Say ahh."

"Hiya nga ehh."

"Parang tanga to eh. Say aah."

"Ahh." Pinasok ni Niko ang kotsarang may lamang kanin at beefstake sa bibig ko at 'yun nga, nginuya ko 'yung pinasok niya sa bibig ko.

"Oww. So sweet." Bulyaw ng mga kaibigan niya noong nakalabas ang mga ito sa banyo. Tanging pink lang na towel ang nakatapis sa katawan nila at basang-basa pa rin iyong mga buhok nila.

Noong tumingin sa amin si Edison ay mabilis kong nginuya 'yung paparating na kutsara sa bibig ko.

"Cheesy, wala pang ulam at kanin Chill ka lang. Kutsara pa lang 'yan."

"Sorry," sabi ko kay Niko at kung kanina ay may pahiya-hiya pa ako sa pagbuka ng bibig ko ay buong bunganga kong tinatanggap ang mga pagpapasubo sa'kin ni Niko.

Ayaw kong isipin ni Edison na napapansin ko siya.

Ayaw kong isipin ni Edison na nagtataksil ako kay Niko.

Pero hindi nga ba?

Ay baliw! Ano ba 'tong iniisip ko?

"Nabusog ka ba?"

Chasing the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon