C H A P T E R 21

1K 42 3
                                    

Riffle

CHEESY

"Ate JDK, malayo pa ba?" Iyon lang ang naitanong ko kay Ate JDK noong nasa loob kami ng kotse. Itong kotse na sinasakyan namin ay service lang naman ng pamilya ng mga Satto at hindi ko lubos na maisip na makakasakay ako dito.

'Yung driver na si Benjo ang nag-drive para sa amin. Sinabi niya rin sa akin kung gaano kasama ang ugali nitong nanay ni Niko. Kamuntikan na sana akong maniwala kaso may prinsipyo talaga akong "To see is to believe," kaya hindi ako basta-bastang nagpadala.

"Malapit na. Chill ka lang girl." Iyon lang ang sabi niya. Gusto ko sanang ipaliwanag sa kanya na hindi kaming puwedeng magkita ng Sir Santinielle niya kasi may agreement kami ng tatay ni Niko na bawal akong lumapit sa kanya kapalit ng pera kasi nga, hindi kami bagay ni Niko sa isa't-isa.

Kaso naisip kong bawal kong ipagsabi ang sekretong iyon, sa tabas ng dila ni Ate JDK, mukha siya 'yung tipong ichi-chismiss lahat ng malalaman niya. Eh pa'no kung sabihin niya 'yun kay Niko?

Kaya ito, kahit na medyo mukha akong tanga kakagawa ng mga dahilan kung bakit hindi ako puwedeng pumunta sa bahay nila ay wala pa rin akong nagawa. Pero kung wala namang tao sa bahay nila at nandun 'yung mga stolen pictures ko at ng mga kapatid ko sa table ni Ma'a Marga ay kukinin ko na rin iyon nang malaman ko ang dahilan kung bakit niya kami kinunan ng mga pictures ng walang pahintulot.

Biglang akong napangiwi nang pumasok na kami sa gate ng mansion ng mga Satto. Sa laki kasi ng gate nila, e halos nagkakanda-ipit-ipit na 'yung mga bakal kaya ang sakit lang talaga sa tainga.

Bale labing pitong kasambahay rin ang nagtulong-tulong para mabuksan at muling masara iyong mga gate. At hindi basta-bastang pagbukas at pagsara ang ginawa nila kasi gamit nila 'yung mga leeg nila na nakatali sa mga bakal para sa masarhan at mabuksan iyong gate.

"Teka? Bakit nakatali iyong leeg nila?" Natanong ko kay JDK at noong napasilip ako sa may bintana.

Ang katabi ko namang si Ate JDK ay mabilis akong sinagot, "Mga kasambahay sila ni Ma'am Margarette na nagkasala sa kanya. Oo mga kasambahay sila ni Ma'am JDK pero madalas niya itong itratong nga alila. Pansin mo bang nasa kasuluksulukan ng kagubatan 'yung bahay nila? Pansin mo rin bang malapit ang mansion sa Penal Colony?"

Bago kami makapasok sa mansion ng mga Satto ay nadaanan muna namin ang isang malaking jailhouse na sa sobrang laki ay malulula ka talaga. Kinabahan din ako noong dumaan kami roon kanina kasi labas pasok lang 'yung mga preso. Alam kong preso sila kasi naka-orange shirt sila na may malaking letter "P" sa likod.

"Dati, hindi naman talaga mayaman ang mga Satto. Noong 1987 lang sila naging mayaman ng bonga nang manalo si Sir Henry ng isang government contract na nag-a-allow sa kanyang magkaroon ng 5,000 hectars na puwede niyang taniman ng mga saging. Ang 5,000 hectars na iyon ay kasama ang penal colony area na nadaanan natin kanina. Dating agricultural engineer si Sir Henry at napalago niyang maigi ang lupain na pinarentahan sa kanya ng gobyerno. Naging top 1 exporter ang Pinas ng mga saging dahil sa kanya. Pero noong 1997, matapos ang sampung taon na naibigay sa kanya ang contract, nagkaroon ng anomalies ang buong penal colony. Si Sir Henry, ginagawang manggagawa ang mahigit dalawang libong preso sa farm ng mga saging. At 'yung mga preso ay hindi niya naman sini-swelduhan. Kaya ang nangyari ay naging issue si Sir Henry sa mga pahayagan dati. Ngunit dahil sa pera ay nagawa niyang pagtakpan ang mga baho niya. Binura niya sa mapa ang banana plantation at pinalitan niya ng mga condominiums. Kaya 'yun, naging mas mayaman pa sila sa inaasahan. At ten years ago, nabuo ang Memento Vivere Corporation lalo pa't may 1,000 hectares na namana si Ma'am Matgarette na lupa sa mga magulang niya, in which sabi nila ay hindi naman daw talaga ipinamana sa kaniya ang lupang iyon kundi ninakaw niya lang sa ate niya na first love ni Sir Henry."

Chasing the WindWhere stories live. Discover now