C H A P T E R 28

1.1K 40 3
                                    

She Who Strips

"ED? Papasok ba kayo?" tanong ni Niko kay Ed/ Edison sa kabikang linya.

Kanina pang umaga rito si Niko university na naghihintay kay Cheesy pero umabot na lang ang dapithapon ay wala pa ring Edison at Cheesy na dumarating. Tinatawagan ng walang kamalay-malay na si Niko si Edison nang paulit-ulit kaninang umaga kaso tanging pag-ring lang ng telepono ng kaibigan ang natanggap niya.

"Okay." Iyon lang ang sinabi Niko kay Ed nang walang gana nitong sinabing pupunta si Cheesy rito sa univesity pero hindi siya kasama kasi masakit ang katawan niya. May driver lang daw na maghahatid kay Cheesy sa WU.

4PM na at masaya na si Niko  kahit pa ilang oras siyang naghintay bago sagutin ni Ed ang telepono nito. "Atleast nalaman ko na sa wakas na safe 'yung babaeng mahal ko," bulong niya sa sarili habang nakangiti at nilalaro ang cellphone.

Mula rito sa rooftop ng Finance Building ng WU ay mabilis siyang bumaba nang makita niya sa may entrance ang kotse ni Ed na ibininaba ang naka-unipormeng pang WU-girls na si Cheesy.

Nagkatagpo sila sa hallway.

Kakaiba ang ngiti ni Niko nang makita niya ang medyo pagod na si Cheesy.

"Uy teka!" Iyon lang ang sinabi ni Cheesy noong hinila siya ni Niko papuntang rooftop. Nakangiti si Niko at masayang-masya siya habang hinhila ko 'yung babeng mahal niya paakyat ng Finance Building.

"May ipapakita ako sa'yo!" sabi ng binata sa dalaga at nang makarating sila roon ay biglang naluha ang dalaga nang ipakita sa kanya ng binata ang buong syudad na hinaghagkan ng nag-aagaw na kulay dalandan at pulang liwanag na nanggangaling sa palubog na araw.

"Thank you." Iyon ang nasambit ng dalaga habang tumatakas ang mga luhang kanina lang ay hindi pa namumuo sa mga mata niya.

Maya-maya pa ay sinakop ng binata ang kanyang manipis na katawan nang yakapin siya nito nang kay higpit. "Cheesy, alam kong nahalikan na kita pero promise, hindi ko na uulitin 'yon. Malaki ang respeto ko sa'yo biglang babae kaya hindi ko na ulit gagawin 'yun not until sa araw na ikakasal tayo. Pero puwede naman siguro kitang yakapin 'di ba? Uhh, kahit hanggang sa matapos lang ang paglubog ng araw, okay na ako."

Hanggang sa dumilim ang paligid, umilaw ang kulay kahel na poste sa syudad, at hanggang sa nagkaroon ng buwan at mga bituin sa kalangitan ay patuloy ang pagbuhos ng mga luha ng babae habang nakangiti lang ang lalaki sa kanya sa buong pag-aakalang umiiyak ang ang babaeng mahal niya dahil sa labis na tuwang nararamdaman nito.

Dalawang trojan horse.

Puti at itim.

Hindi nila puwedeng kainin ang isa't-isa kasi iba ang direksyon ng paggalaw ng buhay nila.... maliban na lang kung maiiba ang pwesto ng isa sa kanila.

Isang trojan horse na mahal ang isa.

At isang trojang horse na gustong maging reyna.

*  *  *

"Yes sir. Deluga Heights is still number 2 on the list of the top performing real estate companies while Memento Vivere Corporation is still on the top spot for almost 2 successful quarters already." Niko jolted both of his hands inside the sac of his gray colored wool that was paired with an oriole elbow cut sleeve.

Matapos niyang i-present ang isang PowerPoint presentation sa harap ng Board of Directors at  ng mga head ng departments dito sa loob ng eleganteng conference room ng Memento Vivere Corp. Building ay nagsipalakpakan ang mga taong nakinig sa presentation niya.

His presentation  lasted for almost an hour. It took him almost a day to prepare it with the help of JDK lalong-lalo na sa mga previous growth statistics ng kompanya ng ama niya.

Chasing the WindWo Geschichten leben. Entdecke jetzt